Julia Clarete opens up about two unfortunate incidents in her life

"So, lumabas din ang totoo, di ba? Deny siya nang deny. 'Si Ate Julia, parang ate ko na 'yan! Hindi ko siya hinipuan!' Tapos, 'eto, si Cherry Pie, 'Parang nanay ko na 'yan!' Gano'n ba talaga tingin niya sa nanay niya at mga kapatid niya?" says Julia Clarete about her past experience with actor Baron Geisler.


Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes ng gabi, February 28, ang actress/TV host/singer na si Julia Clarete.

Naganap ito sa set ng indie film na Bisperas—a Cinemalaya 2011 Directors' Showcase entry directed by Jeffrey Jeturian—sa Daily Mirror Street, West Triangle Homes, Quezon City.

"Ang role ko dito, si Ara," pagtukoy ni Julia sa simula ng interview, in between takes, at around 9 p.m., sa labas ng gate, sa tapat ng malaking bahay na pinagsu-shooting-an ng eksena.

"Ako yung medyo palaban na daughter nina Tito Tirso [Cruz III] at Tita Quellie [Racquel Villavicencio]. Kapatid ko dito si Edgar Allan [Guzman] at Jennifer Sevilla. Hindi naman siya bratty, malakas lang ang personalidad. Agresibo. Thirty-something.

"In fairness, nakakatuwa siya. Interesting!" pagtukoy ni Julia hinggil sa indie project na ginagawa niya.

"Tinanggap ko siya agad kasi bukod sa na-miss ko ang pag-arte—siyempre, naka-concentrate ako sa Eat Bulaga!—the director is very good! Malinaw siyang magbigay ng instructions, and I must say, I'm lucky to be part of his comeback [as film director]."

'SWARDIKA.' Maraming kuwento si Julia sa maikling interview sa kanya ng PEP, na na-extend pa nang ipakilala niya sa amin ang current boyfriend niya—ang former model and actor na si Illac Diaz.

Pangalawang pagkakataon na raw 'yon ng pagbisita ni Illac sa set ng Bisperas.

Before Julia introduced Illac to us, she was talking about her current stints on TV at mga nagawa niyang CD albums, na posible raw madagdagan this year.

"Ngayon po, habang nagsu-shooting, may early call times din po ako dahil naglo-location shoot naman ako para sa segment din ng Bulaga! Today, 5:30 a.m. kami umalis ng bahay para pumuntang Batangas," banggit niya tungkol sa segment ng Eat Bulaga! na "Ikaw Na! Da Best Ka, E!"

Sa dakong hapon hanggang gabi naman, up to past midnight, ang shoot para sa Bisperas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Julia says she has never been so busy in all her 19 years in show business. Sampung taon nito ay bahagi siya ng ABS-CBN, na nag-buildup sa kanya as part of Star Circle Batch 4.

Six years ago, in 2005, lumipat siya ng GMA-7, at nag-regular TV co-hosting sa Eat Bulaga! simula last year.

Na-mention din ni Julia ang pagkanta niya sa music lounges. "That was a long time ago. I was lounge singer in Heritage, Calesa Bar. Enjoyed it tremendously!" aniya.

At ang pagkakaroon niya ng CD albums na merong "drama."

"Actually, I have three [CD albums]," banggit niya. "First one was with Dyna [Records]. Next was an indie label na kami nung band ko, Swardika. Swardika [o Sawasdee, ayon sa internet], means hello or goodbye 'yon sa Thai.

"And then, itong huli kong album [under Ivory Records, titled Bumalik Ka Lang], parang dedication ko dun sa nag-suicide na lovelife," pagbababalik-tanaw ni Julia, na medyo lumungkot ang mukha.

Tuluy-tuloy na nagkuwento pa si Julia sa PEP:

"Nag-suicide siya, matagal na," sabi niya.

Binanggit ni Julia ang pangalan at iba pang detalye sa dating relasyon nila ng yumaong boyfriend:

"Chico Molina, lead guitarist siya [ng band]," sabi niya.

"Medyo complicated nga yung relationship namin noon, kasi parang walang basbas. We went on for a long time, parang a couple of years. I was in my early 20s. We met and we fell in love, and then up until my mid-20s when he died. ABS pa ako noon when we met."

Pero na-dramatize daw ang kuwento ni Chico Molina nang lumipat si Julia sa GMA-7 via the defunct drama anthology Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco.

"Si Boy2 Quizon ang gumanap. Nadaanan din yung phase na 'yon," sabi ni Julia, referring to her career beginnings sa Kapamilya network.

"NON-ISSUE" WITH BARON. Before Cherry Pie Picache, at halos kasabay ng pangyayaring nagtulak din kay Yasmien Kurdi para magsampa ng kaso laban sa aktor na si Baron Geisler, ang napabalitang pambabastos din ng aktor kay Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sandali lang naging usap-usapan ang nangyari kay Julia. And as far as the singer-actress-TV host is concerned, sabi niya, "Well, the Baron issue was never an issue to me!"

Maaaring nanahimik, o hindi na lang masyadong nagsalita si Julia, dahil naramdaman niyang siya rin ang "dehado" at that time.

Katuwiran niya, "Kasi naman, maski nung nabiktima ako ni Baron, parang ang dami-daming mga write-ups, na kung anu-ano nang sinabi [ni Baron] tungkol sa akin. Na hindi naman yata tama, na dada siya nang dada! Nabastos na nga ako, magpapabastos pa ba ako [lalo]?"

Ipinagtapat ni Julia ang sexual harassment na ginawa sa kanya.

"Merong dinaanan niya [hinipuan] ako sa likod [buttocks], tapos pinahagingan din niya yung chest [dibdib] ko," sabi ni Julia.

Hindi na raw siya masyadong nag-ingay noon, "Kasi, it's for me also. I should not have put myself in a position where I will be compromised. Pero you don't know rin when someone is gonna do something bad to you, especially if you're a good person and you mean well.

"So, lumabas din ang totoo, di ba? Deny siya [Baron] nang deny. 'Si Ate Julia, parang ate ko na 'yan! Hindi ko siya hinipuan!'" pagre-recall ng aktres sa sinabi daw ni Baron sa interviews nito.

"Tapos, 'eto, si Cherry Pie, 'Parang nanay ko na 'yan!' Gano'n ba talaga tingin niya sa nanay niya, at mga kapatid niya?" tanong na ipinagkibit-balikat na lang ni Julia, lalo't aware siya ngayon sa nangyaring pag-suspinde ng PAMI (Professional Artists Management, Inc.) at tuluyang pagpapa-rehab ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN