Janna Dominguez shows her sexy, funny side in mock news May Tamang Balita

"In fairness naman, hindi ko ini-expect na magbabalita ako. Hindi ko nakita sa career path ko na magbabalita. Nakakatuwa. At least binigyan nila ako ng something new," says Janna Dominguez about her upcoming show, May Tamang Balita, on GMA News TV. It will start airing on March 4 and every Friday afterwards.


Isang naiibang project ang gagawin ni Janna Dominguez sa pamamagitan ng bagong mock news program na May Tamang Balita sa GMA News TV 11.

Unang nakilala si Janna bilang isa sa "participantes" sa reality show na Pinoy Fear Factor: Argentina sa ABS-CBN.

Maituturing na masuwerte si Janna mula nang magdesisyon siyang lumipat sa Kapuso network. Sunud-sunod kasi ang naibigay na shows sa kanya— Take Me Out, First Time, Pepito Manaloto, at Endless Love.

"Mas binibigyan po ako ng GMA ng mga shows. Siyempre, kung artist ka, kung saan yung trabaho, doon ka," banggit ni Janna nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over merienda sa isang Italian restaurant sa Quezon City last week.

Ang May Tamang Balita ayisang mock news program na mapapanood sa GMA News TV simula ngayong Biyernes, March 4. Makakasama niya rito sina Ramon Bautista, Sheena Halili, at Maey Bautista.

"Ako ay isang weather forecaster na alam mo na kung ano ang mangyayari. Kung maniniwala kayo, bahala kayo. Kung hindi, bahala din kayo. Pero mas maniwala kayo sa ibabalita ko," kuwento niya tungkol sa gagampanan niyang papel sa mock news show.

Medyo ipapakita raw ni Janna ang kanyang sexy side dito.

"Parang ang plano nila is..." bitin na sabi niya. "Basta na-excite ako. Si Kuya Kim [Atienza], touch screen ang gamit. Ako daw, e, hologram ang gagamitin ko. Parang yung ulap hawak ko.

"Nakaka-excite kasi iba siya. Ibang ako din dito kasi nabibigyan ako ng chance para mag-comedy."

May halong pagpapatawa raw ang pagbabalita nila ng totoong balita.

Iba rin daw ang paghahanda ni Janna para sa kakaibang news program na ito.

"Nagbabasa ako ng diyaryo ngayon. Nag-i-Internet sa mga nangyayari sa mundo," aniya.

Inamin kasi ni Janna na dati'y hindi siya mahilig makialam sa mga balita. Ngayon daw ay hindi lang showbiz news ang binabasa niya, pati stock exchange ay isinasama rin niya sa pagbabasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING QUIET. Pero isang balita na hindi maiwasan tanungin kay Janna ay tungkol sa nangyaring away last year ng co-stars niya sa Endless Love na sina Marian Rivera at Bela Padilla.

Gumanap siya sa serye bilang si Mylene, matalik na kaibigan ng character ni Marian bilang Jenny.

"Ako kasi, mas pinili kong tumahimik," simpleng sabi niya.

Isa pa ay binawalan na raw sila ng GMA-7 management na magsalita pa tungkol sa nasabing isyu.

"Mahirap magsalita talaga. Patay na yung isyu," sabi ni Janna.

Sa pananaw niya, mas mabuti talaga na manahimik na lang kung may mga taong nagbubungguan.

"Kasi kung makiki-ride ako sa awayan na... Kasi alam ko puwede akong sumikat, lalo na at kakalipat ko lang, puwede ako magsalita.

"Ako kasi, tahimik na ako. Siguro, kumbaga, nilibing mo na rin yung nangyari, tahimik na lahat, huwag ka na maghukay pa paakyat.

"Kung gusto kong maki-ride sa nangyari, e, di sana nagsalita na ako. Sabi nila na lalabas naman yung katotohanan," saad niya.

Pero hindi niya naiwasan mag-iwan ng ilang paalala sa sinumang may mga alitan.

"Kung mapag-uusapan nang maayos, gusto ko private at kaming dalawa lang. Walang kasamang iba. Kaming dalawa lang. Kasi ang hirap kapag may boses na ibang tao.

"Ako talaga, willing talaga ako makipag-usap," sabi ni Janna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN