Maricel Soriano on "basement" issue: "Wala ako sa basement! Nasa penthouse ako ngayon!"

Malou Choa Fagar, manager of Maricel Soriano (in photo), quashed the rumor that the Diamond Star was confined in the "basement" of a hospital. "Saan naman galing ang tsismis na 'yan?" says the GMA-7 executive.


Tahimik lang na pinalipas ni Maricel Soriano ang kanyang 46th birthday noong February 25. Hindi kasi nakaugalian ng Diamond Star ang magkaroon ng magarbong selebrasyon tuwing birthday niya.

Pero bago sumapit ang birthday ni Maricel, may lumabas na tsismis na kinulong diumano siya sa "basement" ng isang ospital.

Wala kasing balita tungkol sa aktres na huling napanood sa Pilyang Kerubin sa GMA-7.

Itinanggi ng manager at best friend ni Maricel na si Malou Choa-Fagar ang balitang na-confine sa "basement" ng isang ospital ang aktres.

"Saan naman galing ang tsismis na 'yan? Nakita nga kami ni Tita Annabelle [Rama] nang mag-dinner kami sa Manila Peninsula last February 12. So, with Tita Annabelle na nakita kami, I'm sure siya mismo ang magpapatunay na alive and kicking si Maria," sabi ni Ma'am Malou sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Binanggit pa ni Ma'am Malou na ang huling showbiz event na dinaluhan ni Maricel ay ang kasal ni Roxanne Guinoo kay Elton Yap noong January 23. Naging ninang siya sa kasal ni Roxanne dahil nagkasama ang dalawa sa mystery-horror na Florinda ng ABS-CBN.

"Maayos ang hitsura ni Maricel nung kasal. Kaya nagtataka ako kung bakit may tsismis na nasa basement siya," sambit pa ng Eat Bulaga! executive.

Sa huli pakikipag-usap ng PEP kay Ma'am Malou, hiniling namin sa kanya na kunan ng reaksiyon si Maricel sa isyung na-confine siya sa basement.

Heto ang one liner na reaksiyon ni Maricel: "Wala ako sa basement! Nasa penthouse ako ngayon!"

Sa ngayon kasi, sa penthouse ng Rockwell sa Makati City nakatira ang Diamond Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN