Angelica Panganiban to take legal action against Phil Younghusband's "fan"

"Hindi ko makita yung koneksiyon na wala akong breeding dun sa sinabi kong sana huwag na lang mag-artista si Phil, mag-concentrate na lang siya sa football. Hindi ko makuha talaga yung koneksiyon," says Angelica Panganiban about the tweets of Phil Younghusband's "fan."


Kahapon, March 3, naging laman ng balita ang pakikipag-away ng aktres na si Angelica Panganiban sa isang diumano'y fan ng Azkals player na si Phil Younghusband sa social networking site na Twitter. (CLICK HERE to read related story.)

Nagbigay kasi ng kanyang opinyon si Angelica na sana raw ay huwag munang mag-showbiz si Phil at mag-concentrate na lang sana ito sa pagiging isang football player. Dahil dito, nag-react ang ilang fans ni Phil, kabilang na nga ang isang nagpakilalang "Baby Morales."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa taping niya ng ABS-CBN gag show na Banana Split kagabi. Dito ay ipinaliwanag niya ang kanyang tweet tungkol sa sikat na football player.


"Kasi, nabalitaan ko nga na si Phil may indie [film] na ginawa. So, nag-comment lang ako na parang, di ba, karamihan ng athlete, ganoon, na pagkatapos makilala sa sport, mag-aartista na sila?

"Medyo na-bother lang ako doon na parang katulad nga ng sinabi ko sa Twitter, ngayon pa lang nakikilala yung football sa Pilipinas, at sobrang nagugustuhan ng mga tao. So, sabi ko, sana mag-focus na lang muna siya doon.

"And, celebrity na rin kasi siya. I mean, kilalang-kilala na rin naman siya ng mga tao bilang football player and member ng Azkals.

"So, parang feeling ko, ano pang need para mag-artista siya? Focus na lang siya bilang athlete baka kasi mamaya, mapuyat siya, hindi siya makapag-perform nang maayos. Yun lang naman ang concern ko."

Dagdag ni Angelica, "Tapos, yun nga, nag-react yung mga fans ni Phil. Sabi nila, ang damot ko naman, gusto ko raw ako lang ang artista. Sabi ko, ang dami nga namin sa industiya, hindi ko naman gugustuhin na ako lang.

"May iba lang talaga na hindi ako maintindihan. Kagaya nung isa na sobrang foul...dahil dun lang naman daw ako magaling."

Binanggit ng aktres ang eksaktong bastos na salita na ginamit ni "Baby Morales" sa tweet nito sa kanya na may kinalaman sa oral sex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayun, nung una medyo kalmado lang ako, naaaliw lang ako sa kanya kasi sobra siyang affected. Sinabi pa niya na ampon lang ako, tinapon lang ako ng nanay ko, hindi ako kilala ng tatay ko kaya ganito daw ako, wala akong breeding.

"Hindi ko makita yung koneksiyon na wala akong breeding dun sa sinabi kong sana huwag na lang mag-artista si Phil, mag-concentrate na lang siya sa football. Hindi ko makuha talaga yung koneksiyon," nagtatakang sabi ni Angelica.

DEREK'S REACTION. Ano ang naging reaksiyon ng boyfriend niyang si Derek Ramsay, na idinamay rin ng "fan ni Phil"? Bukod kasi sa pag-aartista ay miyembro rin ng frisbee national team si Derek.

"Tumawag sa akin si Derek dahil nabalitaan niya yun. Siyempre, galit na galit siya. Nabalitaan pa niya na sinabi nung bakla yata yun, na nagkabali-bali pa yung buto ni Derek wala namang nauuwing karangalan sa Pilipinas.

"Siyempre, sobra siyang nasaktan dun. I mean, buong-puso siyang naglalaro. And ano niya yun, e, passion niya yun. And hindi naman siya professional football player katulad ni Phil na...

"Kumbaga, yun nga ang point ko, e, nakikilala na ngayon yung football. So, bakit hindi ka mag-focus dun?

"Kasi, I'm sure, kung kay Derek darating yung ganyang malaking opportunity na makikilala na rin yung frisbee, na ganito kalaki sa Pilipinas, titigilan niya na yung showbiz at ibibigay niya yung buong oras niya sa paglalaro ng frisbee. Kung yun talaga ang mahal niya, di ba?

"So, dun siya na-hurt na hindi naman yun totoo. Kasi, every time naman na umaalis siya ng Pilipinas, at kahit dito sa atin para makipag-compete, e, nananalo naman sila.

"And, nasasaktan pa siya kasi siya yung nagbibigay ng funds sa Philippine team, galing mismo sa bulsa niya. Nagpupunta siya ng Davao, ng Cebu, Dumaguete, nagti-take time siya para makakita ng mga frisbee player at makikipag-compete sila sa Shanghai, may competition sila sa Italy, may laban sila sa Brazil... Ang dami niyang ginagawa and inuuwing karangalan sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ang tanga niya ["fan ni Phil"], hindi pala niya alam yun. Wala pala siyang alam sa nangyayari sa Pilipinas. Tapos, kung makapag-tweet siya...ang galing niya, di ba?" litanya ng young actress.

LEGAL ACTION. Plano raw ni Angelica na idemanda ang nagpakilalang fan ni Phil.

"Sabi nga niya [Derek], parang kung ano ang opinyon ko doon, susuportahan niya ako. Sabi ko, kung ako, gusto kong idemanda siya. Nalaman ko kasi na puwede palang magdemanda dahil sa mga words na ginamit niya.

"Sinabi nga ni Derek na susuportahan niya ako. And naniniwala siya na kailangan ng legal action tungkol sa ginawa ng taong yun," saad niya.

Paano niya makikilala yung nag-tweet sa kanya ng masasakit na salita?

"Hinahanap na namin siya," sabi ni Angelica. "May mga common friends pala kami. So, alam ko na yung full name niya. Alam ko na kung taga-saan siya sa Cebu. Alam ko kung saan siya nag-aral. So, unti-unti, baka maya-maya malaman ko na rin yung address niya.

"Sinasabi ko nga, kaming mga artista, gumagawa kami ng Twitter para mapalapit sa mga tao, sa mga fans namin, sa mga nagmamahal sa amin. So, huwag nilang gawing way yun para murahin kami, bastusin kami, kumbaga, tapak-tapakan yung pagkatao namin.

"Kasi, artista kaming nagbibigay ng saya at hindi kami nambabastos ng tao. So, huwag nilang gawin sa amin yun."

Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ng sinasabing "fan ni Phil" mula pa kagabi, pero wala kaming nakuhang sagot. Ngayong araw ay hindi na ma-access ang kanyang Twitter account.

NUDE PHOTO SCANDAL. Kamakailan ay naintriga rin si Angelica dahil sa diumano'y nude photo scandal niya na kumalat sa Internet. Itinanggi na ni Angelica na siya ang babaeng nasa larawan.

Nang hingan ng mensahe si Angelica para sa nagpakalat ng nude photo na yun, sinabi niya na sana ay magkatrabaho na raw ang taong yun. Naaawa raw siya rito dahil wala itong trabaho ngayon kaya ang ginagawa raw nito ay ang pag-i-Internet lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinala ng iba ay si Claudine Barretto, na nakaaway ni Angelica, ang pinatatamaan niya. Pero itinanggi ito ni Angelica.

"Hindi siya yung pinatatamaan ko," diin niya.

"Ang sinasabi ko lang, kasi, di ba, kung busy ka sa Internet, wala kang trabaho. Kasi nakatutok ka lang sa computer at gumawa ng karumal-dumal sa isang artista.

"Saka matagal nang isyu yung sa amin, mag-iisang taon na. And kung sumama man ang loob niya, o nagalit siya sa akin, kilala ko naman yung taong yun na hindi siya nagtatanim ng galit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN