Maria Aragon performs with Lady Gaga at the singer's concert in Toronto

"I'm really excited that Maria is here today, because Maria represents what this song is all about," says international singer Lady Gaga about 10-year-old Filipino-Canadian Maria Aragon. The two sang a duet of "Born This Way" at Lady Gaga's concert in Toronto earlier today, March 4.


Natuloy ang guesting ng Filipino-Canadian na si Maria Aragon sa sold-out concert ni Lady Gaga sa Air Canada Centre sa Toronto, Ontario kaninang umaga (Huwebes ng gabi sa Canada). CLICK HERE to watch the video.

Si Lady Gaga ang personal na nag-imbita kay Maria para mag-guest ito sa kanyang show.

Shiny black pants, pink shirt, white hat, at orange monkey sa kanyang leeg ang suot ng 10-year-old Filipino-Canadian singer mula sa Winnipeg, Canada nang umakyat siya sa stage para sa duet nila ni Lady Gaga.

Ang kanyang kapatid ang sagot ni Maria nang itanong ni Lady Gaga kung sino ang pumili ng kanyang outfit.

"That monkey is fabulous," ani Lady Gaga, bago nito sinabi sa audience na "I'm really excited that Maria is here today. She represents everything this song is about ... The next generation and the future and no more divisiveness."

Sa report ni Sheila North Wilson ng CBC News, napuno ng malakas na sigawan ang loob ng Air Canada Centre nang maupo si Maria sa tuhod ni Lady Gaga habang tinitipa nito ang piano at magkasabay nilang inawit ang slowed down version ng "Born This Way."

Ang "Born This Way" ang bagong single ni Lady Gaga na ginawan ni Maria ng cover. Napaluha si Lady Gaga nang mapanood niya sa YouTube ang video ni Maria na naging viral sensation dahil inilagay ito ng sikat na American singer sa kanyang Twitter account.

Muling napaluha si Lady Gaga pagkatapos ng song number nila ni Maria na tinawag niya na "Lady Maria from Winnipeg." Sinabi niya na kinabahan siya dahil "she's such a superstar" referring, of course, to Maria."

Dalawang beses na nag-perform si Maria sa concert ni Lady Gaga dahil umakyat uli siya sa stage para sa encore, ang up tempo performance ng "Born This Way" na sinabayan nila ni Lady Gaga ng pagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Maria, spontaneous at walang rehearsal ang dance number nila ni Lady Gaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN