PEP EXCLUSIVE: Angelica Jones admits "exclusively dating" Illac Diaz before; says "no comment" on Giselle Sanchez's write-up

"Hindi ko naman alam na magra-write siya ng ganoon. Actually, hindi tama. Wala akong sinasabi sa kanya na ganoon. She told me naman na iko-correct daw niya," says Angelica Jones (main photo) about Giselle Sanchez's column item that she is allegedly involved in a "love triangle" with Illac Diaz and Julia Clarete (inset).


Nagmistulang "he said, she said" ang isyung kinasasangkutan ng comedienne na si Giselle Sanchez at ng dating model-actor na si Illac Diaz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa una, sinabi nitong hindi raw imbento at galing sa isang source ang mga isinulat niya sa kanyang column na "Gossip Girl," kung saan pinalabas na may love triangle sa pagitan nina Julia Clarete, Illac, at Angelica Jones. (CLICK HERE to read related story.)

Sa parte naman ni Illac, "all lies" ang pagdidiin nito sa mga isinulat ni Giselle. Ang totoo lamang daw dito ay ang classroom project sa Laguna na gawa sa plastic bottles. (CLICK HERE to read related story.)

Sa Miyerkules, March 9, pa ilalathala ni Giselle ang kanyang pormal na pahayag tungkol sa kontrobersiya, kung saan kailangan niyang sagutin ang tatlong detalye na kanyang isiniwalat.

Una, nagkaroon nga ba ng nakaraan sina Illac at Angelica?

Pangalawa, nagpunta nga ba si Julia sa San Pablo City, kung saan, ayon sa "deep penetration agent" ni Giselle, ay nakita raw ng Eat Bulaga! co-host na palabas ng simbahan ang board member at ang Young Global Leader awardee?

Pangatlo, ang tungkol sa brainstorming daw nina Illac at Angelica sa jacuzzi ng Laguna springs.

Na-quote si Angelica sa column ni Giselle na bago raw nagsimula ang partnership sa plastic bottle classroom ay "exclusively dating" sila noon ni Illac.

Sabi ni Angelica, "Before Illac offered his free consultancy services to be my partner in building this public classroom entirely from plastic bottles, Illac and I were dating exclusively. When we started the project, we decided to stop dating so that we could focus all our energies in building and finishing this project. That was the time he started to date Julia and he told me about it. I was also pretty shocked to see Julia in church on my birthday and she did not seem so happy to see me and Illac together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit iba ang naging pahayag ni Angelica sa pinaka-recent na interview sa kanya ng PEP.

Inamin nito na nag-date sila ni Illac, pero dinenay niya ang tungkol sa pagbe-brainstorm sa jacuzzi. Itinanggi rin nito na siya ang pinanggalingan ng istorya ni Giselle. Pero hindi naman ito nakapag-comment kung totoo ba ang iba pang binanggit sa "Gossip Girl."

ANGELICA'S SIDE. Noong Huwebes, March 3, ay ilang beses tinawagan ng writer na ito si Angelica sa cell phone at nagpadala rin kami ng text messages sa kanya. Pero hindi nito sinagot ang aming mga tawag at text messages.

Kinabukasan, March 4, ay muli naming sinubukang tawagan si Angelica noong umaga. Sumagot na sa pagkakataong ito ang dating comedienne, pero sinabi niyang bandang tanghali na lang namin siya tawagan muli dahil kagigising lang daw niya.

Nang tawagan namin siya sa oras na itinakda niya ay hindi na kami maka-connect sa cell phone ni Angelica.

Kinagabihan ay sinubukan namin uling kontakin ang actress-politician, at sa pagkakataong ito ay nakausap na namin siya.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy at agad namin siyang tinanong tungkol sa pagde-deny ni Illac na "exclusively dating" sila dati.

Paliwanag ni Angelica, "Before pa kasi yun. Bago pa magkaroon ng bottle school. Bago pa ako maging Board Member, bago pa yung election. Last year, matagal na.

"Yung exclusively dating, dati pa kasi, hindi ngayon, matagal na... Ayoko na ngang magsalita."

Kumusta ang relasyon nila ngayon ni Illac pagkatapos lumabas ng column ni Giselle?

"Tuloy pa rin ang school project namin, pero hindi pa kami nag-uusap," sagot ni Angelica. "Hindi pa kami nakakapagusap nang personal. Nagti-text lang.

"Nagulat din siya [Illac] sa write-up. Actually, wala talaga akong alam tungkol do'n."

Binanggit namin kay Angelica na dahil na-quote siya sa column ni Giselle ay may nag-aakalang siya ang source ng lumabas na item.

Itinanggi ito agad ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi galing sa akin yun," sabi niya. "Actually, tinawagan ko si Giselle. Sabi ko, 'Bakit nagkaroon ng isyu na ganoon?'

"Busy ako sa bottle school namin. Kaya nagulat na lang din akong talaga."

Nasabi niyang "exclusively dating" sila noon ni Illac. Gaano katagal ang naging relasyon nila?

"It was not a relationship. It was just exclusively dating," paglilinaw ni Angelica.

Gaano katagal umabot ang pagde-date nila?

"Hindi ko na matandaan. Matagal na yun," sagot niya.

Months, weeks, or days?

"Eight months siguro."

May nabanggit din si Giselle sa kanyang column na nagbe-brainstorming daw sina Angelica at Illac para sa kanilang projects sa "hot jacuzzis of the Laguna springs." Totoo ba ito?

"Wala. That's not true," tanggi ni Angelica. "Kaya nagulat ako na may ganoong write-up. Unang-una, hindi maganda. At walang gano'n."

Sa palagay ni Angelica, saan nakuha ni Giselle ang detalyeng ito sa kanyang column?

"Hindi ko naman alam na magra-write siya ng ganoon. Actually, hindi tama. Wala akong sinasabi sa kanya na ganoon. She told me naman na iko-correct daw niya," sabi niya.

Pero noong tanungin siya ng, "Masasabi ba niyang hindi totoo ang lumabas sa column ni Giselle?"

Ang maikli niyang tugon: "No comment."

"No comment" din ang mabilis na sagot ni Angelica sa sumunod na tanong ng PEP sa kanya kung nakita niya si Julia sa sinasabing simbahan sa San Pablo, kung saan—ayon kay Giselle—ay sumugod ang Eat Bulaga! co-host.

Pagkatapos nito ay bigla nang naputol ang linya.

Sinubukan ng PEP na tawagan muli si Angelica ng ilang beses upang ipagpatuloy sana namin ang aming interview, pero hindi na nito sinagot ang aming mga tawag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN