Manny Pacquiao changes his mind to close Twitter account; lets go of "Justin Bieber haircut"

After getting negative comments for his tweets, boxing champ and Sarangani representative Manny Pacquiao thought of closing his Twitter account. But he eventually changed his mind and continued tweeting.


Marami ang natuwa nang magkaroon ng kanyang official Twitter account ang Pambansang Kamao at Sarangani congressman na si Manny Pacquiao noong February 23.

Katulad ng ibang users ng micro-blogging site na ito, nag-post ng work-related at personal tweets niya ang Pambansang Kamao.

Isang halimbawa ng tweet ni Manny na ipinost niya noong February 25 ay ito:

"I'm sorry guys but most of the players of boston is a friend of mind and kobe too. thanks."

Marami ang pumuna sa grammar ni Manny kaya nag-tweet ang ilang followers niya upang iparating ito sa kanya.

Apparently, napikon ang Pambansang Kamao sa mga below-the-belt na komento sa kanya.

In successive tweets posted last February 27, the Pound-for-Pound King said:

"Ayaw ko lang na makatanggap ako ng mga bad comment from somebody. actually is not my idea to open in its my friend idea."

"I think I have to delete my account and stop it. I know I can't pls. Everybody. thanks everyone."

Ngunit tila nagbago ang isip ng boxer-politician dahil sa sumunod na tweet niya ay sinabi nito na: "Tama! i block ko nalang yong mga nagcocomment sakin ng hindi maganda thank you guys GOD BLESS You All."

At press time, mahigit 15,000 na ang followers ni Pacquiao sa Twitter.

Sa kanyang tweet last March 2, sinabi ni Manny na pauwi siya sa Sarangani upang doon simulan ang training para sa laban niya kay Shane Mosley.

Samantala, last week ay nagpagupit na ng kanyang buhok si Pacman. Ayon kay Manny, sagabal na sa kanyang paningin ang mahaba niyang bangs.

Magugunitang pinagusapan ang hairdo ni Pacman kamakailan at ikinumpara pa ito sa gupit ng teen Canadian pop supestar na si Justin Bieber.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN