Iza Calzado reveals the secret of her transformation

"I took it upon myself to create that change kasi na-realize ko that what you do on the inside is just as important as what you do on the outside," says Iza Calzado.


Isa si Iza Calzado sa maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Whether she's a beauty queen on primetime TV or a host on noontime TV, Iza's beauty shines, inside and out.

Sa live guest appearance ni Iza sa StarTalk TX kahapon, March 5, tinanong siya ng host na si Butch Francisco kung ano ang sikreto niya at tila lalo siyang gumaganda sa pagdaan ng mga araw. Pag-ibig ba ang nagpapaganda sa aktres?

"Baka love nga!" tumatawang sagot ni Iza.

"Hindi, pero siyempre, maraming sikreto at kailangan talaga inaalagaan ang sarili mo. Kasi I've come to a point wherein I'm just more aware of the things that I have to do and have to take so that my body will be, kumbaga, healthier."

Ano ang mga pinagdaanan ni Iza to look good?

"Ang hirap kung sasabihin ko pa lahat. Pero sa mga hindi nakakaalam, nanggaling nga ako sa plus-size dati, medyo mabigat talaga ako noon.

"And then siyempre, as an artista, nung pumasok ako sa pagiging artista, hindi natigil ang unhealthy lifestyle ko kasi lagi tayong exposed sa stress, sa puyat and, of course, marami pa ring pagkain. 'Tsaka kumikita ka ng marami, kumakain ka ng kahit na anong gusto mong kainin, ng masarap.

"So, basically, at some point, na-imagine ko rin na, teka lang, yung mga shortcuts na ginawa ko sa buhay ko, yung unhealthy lifestyle ko, it needed to change.

"So, I took it upon myself to create that change kasi na-realize ko that what you do on the inside is just as important as what you do on the outside."

Ano ang specific na ginawa ni Iza to improve herself?

"Siyempre ako, ang ginawa ko, nag-exercise ako, kapag puwede akong mag-rest, I'll rest, and then I try to eat healthy. And nagsu-supplements din ako. And, kumbaga, nag-research ako sa Internet, tapos tumingin-tingin ako kung ano ang makakabuti sa kalusugan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siyempre, yung skin, kasi siyempre artista, puhunan natin yung skin. So, nagte-take ako ng supplements na may vitamin E. Pati mga moisturizer ko, pati lotion ko, I made sure that it would contain vitamin E para maganda, yung antioxidant levels niya, maganda, at maganda talaga for the body."

And the result, maraming breaks at career opportunities para kay Iza sa showbiz.

"Napakarami po talagang breaks. Talagang God has been good, GMA-7 has been good and, of course, inalagaan ko rin ang sarili ko. I've been good to myself also.

"So, nandiyan yung Beauty Queen, tapos ngayon nasa Eat Bulaga! ako at marami pa silang dapat abangan for 2011," sabi ni Iza.

Nagbigay rin ng mensahe ni Iza para sa lahat ng mga kababaihan na gustong maging kasingganda niya:

"Ito lang ang masasabi ko, lahat naman ng babae, lahat ng tao maganda, pero ang difference lang is ikaw, paano mo aalagaan ang sarili mo?

"So, lahat tayo we just have to be responsible in taking care of ourselves and ang tip ko lang is alamin mo kung ano ang makakabuti sa iyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN