PEP EXCLUSIVE Illac Diaz vehemently denies "exclusively dating" Angelica Jones; says real issue is "being confused"

"Yung isa [Giselle Sanchez], na-prove na mali. Yung pangalawa [Angelica Jones], na inipit na yung una, tapos may sasabihin pang hindi naman totoo, na maski siya hindi mapanindigan. Di ba, parang hudas sa hudas?" says Illac Diaz about the "love triangle" issue, which Giselle Sanchez (inset, bottom) wrote in her column, involving him, his girlfriend Julia Clarete (with Illac in this photo) and Angelica Jones (inset, top).


Hindi pa rin tapos ang "love triangle" issue involving former actor-model Illac Diaz, his current actress-girlfriend Julia Clarete, and former comedienne turned politician Angelica Jones.

Nagsimula ito sa column item na isinulat ni Giselle Sanchez ("Gossip Girl") para sa isang daily broadsheet, identifying Illac as the man whom Angelica had been allegedly "dating exclusively" before Illac and Julia entered into a relationship.

Idinenay nang lahat ni Illac ang mga lumabas na ulat na tumutukoy sa anumang natatanging "relasyon" mayroon sila ni Angelica, noon at ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Sa pinakahuling artikulong lumabas dito sa PEP, dated March 5, 2011, ang mga pahayag naman ni Angelica hinggil sa issue ang nabigyang-pansin matapos siyang magpa-interview dito rin sa PEP. (CLICK HERE to read related story.)

Pero may kaguluhan at inconsistencies ang mga pahayag ng actress-politician, bukod pa sa madalas niyang pagsasabi ng "no comment" sa mga tanong-paglilinaw; na sa huli'y nabitin ang pag-uusisa ng PEP dahil naputol ang kabilang linya at hindi na muling nakausap pa si Angelica.

ILLAC'S MESSAGES. Ilang oras matapos mai-post sa PEP ang exclusive article on Angelica Jones kahapon, hinggil sa "love triangle" issue, nakatanggap uli kami ng text messages mula sa dating actor-model at kasalukuyang pinuno ng My Shelter Foundation bilang executive director.

Ani Illac sa una niyang text message, sent at around 11:20 p.m., "Slowly, am beginning to believe that Angelica is part of this whole mess. I was hoping it's just Giselle who made it up, pero someone is making stories up and making media believe in the fairy tale hook- line-and-sinker.

"On my part, I cannot keep chasing lies forever. First is the praying inside the church together thing, next is an encounter that never existed, next is dating exclusively. All never happened, except in someone's effort to create a scandal to attract attention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The Diaz family never met Angelica Jones till this year when she picked up the machines for the plastic bottle school, so I don't know what she is talking about in the PEP article.

"None of my friends met her, so baka she thinks Facebook friend kami for eight months is a deep relationship.

"No exclusive dating, no relationship and hopefully the foundation will have nothing to deal with someone that spreads rumors."

BACK STORIES. Nagpadala rin si Illac sa PEP ng tatlo pang text messages, na ang una sent around 11:24 p.m., bilang reaksiyon niya sa lumabas na artikulo tungkol sa panig ni Angelica sa "love triangle" controversy.

Kay Angelica niya muna ipinadala ang mensahe, which reads: "What? Gumawa ka ba ng istorya? I never exclusively dated you. I just build schools with your office. What's this comment you placed in PEP? Sad talaga that slowly naniniwala ako na ikaw ang gumagawa ng istoryang ito."

Ang dalawa pang text messages na nai-forward sa PEP ay ang mga sagot ni Angelica kay Illac, na ang mga nilalaman ay pagtanggi na may sinabi raw siya kay Giselle.

INTEGRITY. By the time we were about to email this article to PEP, based on the aforementioned messages, nakatanggap uli kami ng mensahe mula kay Illac, this time sa phone naman.

Apparently, Illac is peeved and disturbed by further talks which he thinks amount to nothing because he is holding on to what he believes is the truth.

"How can we have exclusive dating?" tanong uli ni Illac.

He was referring to what Angelica said na "matagal na 'yon" at hindi nga matukoy ang mga detalye.

"Imposible," sabi rin ni Illac.

Gusto man daw niyang matapos na ang usapin, may mga bagay raw na pilit nababanggit na taliwas sa katotohanan.

Samantala, sa gitna ng pag-uusap at pag-apuhap ng PEP sa magkabilang panig, ayon kay Illac, hindi naaapektuhan ang katatagan ng pagsasama nila ni Julia Clarete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ako rin ang magde-defend para sa kanya," sabi ng binata about his girlfriend.

Despite the odds, Julia's boyfriend thinks nasa matatag na estado ang relasyon nila at maaaring hindi ito matanggap ng sinumang nais bumuwag sa pagsasama nila.

"Kasi, lumalabas na strong pa rin kami," sabi niya.

Hindi nga lang buo ang confidence ni Illac dahil sa patuloy na pagbanggit sa aniya'y maling isyu na pilit nagsasangkot sa pangalan niya.

"Gusto nila mawala ang issue na naipit si Giselle," sabi ni Illac, na aware din sa lalabas pang column ng comedienne bilang posibleng tugon at reaksiyon sa kanyang naunang isinulat.

"Yung isa [Giselle], na-prove na mali. Yung pangalawa [Angelica], na inipit na yung una, tapos may sasabihin pang hindi naman totoo, na maski siya hindi mapanindigan. Di ba, parang hudas sa hudas?

"Maniniwala ka pa ba sa na-prove na namin na sinungaling?" tanong pa ni Illac. "Then, pagkatapos na ma-prove ko na mali, gusto pa rin paikutin ang media. Sana 'wag na paikutin, dapat may integrity ang media."

Bilang mga huling pahayag, nais ni Illac na maiparating ang mensahe niya kina Giselle at Angelica.

"We believe the issue is being confused. Natakpan na yung unang issue ng maling pag-uulat. Na yung power [of media] ay nagagamit sa pagsira sa tao. At pag may nagkamali sa 'yo, you'd get back and spread further lies? Na hindi mo na ako binigyan ng respeto," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN