Piolo Pascual not affected by doubts about his relationship with KC Concepcion

"Nababasa ko nga yung mga comment nila sa Twitter. Naawa ako sa kanila. Hindi ako naapektuhan in a way na naaasar. Naaawa ako for the person kasi you don't want somebody to be happy. You doubt that person kasi wala kang magawa or you just simply doubt the person. Ang sa akin, bahala ka sa buhay mo, di ba?" says Piolo Pascual about those who doubt his relationship with KC Concepcion.


Natuldukan na ang espekulasyon tungkol sa paglipat diumano sa ibang network ni Piolo Pascual dahil muling pumirma ang aktor ng two-year contract sa ABS-CBN noong Biyernes, March 4.

Naganap ang contract signing sa isang private room ng Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City.

Present ang top executives ng Kapamilya Network na sina Mr. Eugenio "Gabby" Lopez III, Ms. Charo Santos-Concio, at Ms. Cory Vidanes; ang heads ng Star Magic na sina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto; at ang president ng Star Cineman na si Ms. Malou Santos.

Matapos ang contract signing ay nabigyan ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makapanayam si Piolo.

"I'm just really overwhelmed! Words are not enough to describe how I feel inside. I'm so happy! Feeling ko all the stars aligned for me today kahit di pa madilim," masayang sabi ng matinee idol sa pagpirma niyang muli sa ABS-CBN.

Ano ang feeling niya na halos kumpleto ang top executives ng ABS-CBN para sa kanyang contract signing?

"I'm so thankful," sambit niya. "Alam mo yung feeling na nandito lahat ng may-ari, lahat ng boss mo, even your parents, my dad, Mr. M [Johnny Manahan], Tita Mariole, Tita Charo, Tito Gabby, everyone.

"I don't know! I don't know paano nangyari 'to. I'm just really thankful. More than that, I'm grateful because I lasted this long."

Alam ba ng kanyang girlfriend na si KC Concepcion ang tungkol sa contract signing na ito?

"We prayed together kanina, I came from my pictorial before coming here. She prayed for me."

UPCOMING PROJECTS. Anong mga naka-lineup na projects sa bago niyang kontrata?

"Marami! Of course, di naman tayo mawawalan ng teleserye, parte 'yan ng kontrata. One of the reasons why pumipirma tayo ng kontrata is because of the soap opera, that will keep you visible on TV for a couple of months. In my two years of contract, maybe two or three soaps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, a movie or movies, integrated na, e. For my ABS contract, it's not just for TV but also for film, recording, TFC, so ABS becomes me!" tawa niya.

"Especially with TFC, with cable and digital, it's something na I've always wanted naman para alam mong covered 360 [degrees]."

Kailan siya magsisimulang mag-shoot ng kanyang next movie? Sino ang makakapareha niya?

"A, matagal na sana itong movie na gagawin ko, but siguro pagbalik. I leave March 5 for the States for a movie and a series of shows. Pagbalik ko by May, we're gonna start filming. And hopefully, by that time, meron na akong leading lady.

"Hindi man natuloy yung sa amin ni Kim, maybe one of these days. Napakaliit naman ng ABS-CBN at Star Cinema para hindi matuloy yung project.

"We will finalize kung sino magiging leading lady ko, at even yung director. For sure, mangyayari yun pagbalik na pagbalik ko at makapag-start na kami ng shooting."

Gaano siya katagal sa States?

"Medyo matagal, more than a month, I'm doing six shows in 14 weekends. All solo shows, pero guest ko si Pokwang dun sa dalawang shows ko.

"I'm doing shows dun sa mga hindi ko pa napuntahan before, like Connecticut, Florida, Virginia Beach, and there's Chicago na napuntahan ko na before. Oregon na di ko napuntahan, Toronto, Canada...

"I'm excited, I'm always excited. I am looking forward to perform sa mga Filipino communities in the States. Especially in the States kasi 'eto talaga yung mga solid na Kapamilya all the way. And it's nice to be with them for one month.

"And then I'll be in New York for the rest of April to shoot for a film during summer," kuwento ni Piolo.

RUMORED OFFER FROM TV5. Naging malaking balita noon ang offer diumano ng TV5 kay Piolo na umabot daw sa isang bilyon. Pero pinabulaanan ito ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh, well, wala naman kasing ganun," sabi niya. "Wala namang negotiation na nangyari.

"I'm a Kapamilya through and through. Ever since, I started I have always been in ABS.

"Kanina nga, sabi ni Tito Gabby [Lopez], 'Forever, ha!' It was said in a subtle way but tumatak siya.

"You know, for a boss to say something like that, you know you feel not just important but you feel secure. And parang for me, iba yung feeling na inaalagaan ka.

"I guess hindi naman kaila sa atin na marami na ring nagsusulputan na mas bata at mas marami na ring trabaho. You know, the love and care that I feel from ABS-CBN ay di matatawaran. That's why ang sarap ng pakiramdam na kasama ko itong mga boss natin.

"Tanong ko nga kay Lord, 'Lord, ano bang nagawa ko at nandito ako ngayon?' It's really really humbling. Because, trabahador lang din naman ako and I love to work, I have passion to do my craft in [being] given these blessings. I guess mabait si Lord sa akin."

VIETNAM TRIP. Kumusta ang Vietnam trip ni Piolo with his family?

"The Vietnam vacation with my family, I guess that was the breather for me as well after Noah. Alam n'yo naman dirediretso ang trabaho.

"First time ding nag get-together yung family ko. Yung iba nasa States, yung iba nandito. We were there for eight days. Ang sarap! Sobrang bakasyon.

"Also, parang bakasyon na rin sa siblings ko na kailangan din ng breaker. And for me, I always love spending time with my family. Even my mom was there. Masaya, masaya yung bakasyon na ginawa namin."

Bakit Vietnam ang napili nilang destination?

"We wanted to go elsewhere but we were pressed for time. So, ang dami naming options.

"Ako mismo nag-ayos ng trip namin. I purchased tickets, the tours, everything. Down to the last detail, ako lahat ang gumawa when I was doing Noah. I needed to finalize everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I made a right choice because we're going back.

"Why Vietman? It's convenient, it's near, and it's a nice place."

Anu-anong activities ang ginawa nila do'n during their vacation?

"Nag-bike kami sa isang province dun. Nakaangkas nga mom ko sa akin habang nagmo-motor ako. Nag-swimming kami. Nag-cruise kami sa Halong Bay. Tapos tour sa mga museum, sa market, tapos shopping.

"Lots of bonding time. Every night, every meal, magkakasama kami. No dull moment," kuwento ni Piolo.

Bakit hindi nakasama si KC on that vacation?

"KC couldn't come because she was working para sa finals ng Star Circle Quest, but I invited her. She was supposed to be with us, pero yun nga, di siya puwede kasi may work siya," paliwanag ng aktor.

DOUBT. Ano ang masasabi ni Piolo na boto sa kanya ang ama ni KC na si Gabby Concepcion bilang boyfriend ng anak nito?

"Siyempre, masaya ako," sambit niya. "Although hindi pa kami nagkikita personally after we announced na kami na, kasi nga we're both busy. Huli yata kami nagkita nung promo pa ng teleserye namin ni KC. But I'm looking forward to meet him personally."

Ano naman ang masasabi ni Piolo na marami pa ring nagdududa at hindi pa rin sila naniniwala na girlfriend niya na si KC?

"It's part of it," sambit niya. "Nakakatawa nga, e, it's part of the business. Sad to say, you cannot please everybody. Marami talagang ganung tao.

"And ako, wala naman akong magagawa, e. We have different opinions. And whatever I share with Kristina, sa amin yun.

"Kung ano mang sabihin ng mga tao, well, yung hindi gusto yung totoo or hindi gusto yung magandang bagay, so dun mo makikita yung totoong character ng isang tao.

"If you want something that is not right, if you want something that is wrong...that's their opinion. And I think ikaw ang may issue at hindi kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nababasa ko nga yung mga comment nila sa Twitter. Naawa ako sa kanila. Hindi ako naapektuhan in a way na naaasar. Naaawa ako for the person kasi you don't want somebody to be happy. You doubt that person kasi wala kang magawa or you just simply doubt the person. Ang sa akin, bahala ka sa buhay mo, di ba?" tawa niya.

Dagdag pa ni Piolo, "Wala akong magagawa dun basta as long as I'm happy. As long as I know what I'm doing is right. As long as I know that I'm sharing something that is sincere and honest with somebody I love and hindi na ako ang may issue.

"Nakakatulog ako nang maayos knowing what I'm doing is right. And what I'm doing is honest!"

May plans na ba silang magpakasal ni KC.

"That's something we are not, of course, in the liberty to discuss this early because you enjoy the moment. You enjoy the present.

"You're in the spotlight, you're in the limelight. Whatever you say, whatever you do, you'll be judged. So just to prevent siguro further hurt and offense, sa amin na lang muna yun," sabi niya.

Sino si KC sa buhay niya ngayon?

"She is definitely my source of inspiration, and she keeps me grounded, she makes me feel that love can really really change things, you know, hindi yung tipo bang effort na mararamdaman mo," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN