Lovi Poe on her heart's situation: "Hindi ko siya masyadong pinapansin ngayon, hindi ko siya pinapagana ngayon."

"At some point in your life, no matter how far you've gone, or gaano man kayo...hindi na kayo nagsasama, years ago na yun, there will always be that someone na, you know, will give you the spark. Iyon, kahit wala na," says Lovi Poe.


Kung noon ay kilala siya bilang anak ng King of Philippine Movies—the late Fernando Poe Jr.—ngayon ay malayu-layo na ang nararating sa paggawa ng sarili niyang pangalan si Lovi Poe

Pero kasabay ng mga breakthrough sa kanyang career through the years, hindi maiwasan na maging maintriga rin ang kanyang personal na buhay.

Sa kabila ng pananahimik ni Lovi sa mga kontrobersiya, ngayon ay nakahanda na siyang harapin ang mga pagbabagong pinagdadaanan niya. Mula sa panibagong sexy image, leading-lady status sa TV at pelikula, hanggang sa matatag niyang pagharap sa mga personal na pagsubok.

Sa panayam ni Raymond Gutierrez kay Lovi sa Showbiz Central kahapon, March 6, ay kinumusta nito ang young actress pagkatapos ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw.

"Well, actually, I'm fine, I'm doing great. I'm really focused now with my work, and I feel really blessed actually, yeah," saad ni Lovi.

Hindi na binanggit ni Raymond ang mga pinagdaanan ni Lovi, pero kabilang na rito ang pagkakakulong ng rumored boyfriend niyang si Ronald Singson sa Hong Kong dahil sa drug trafficking.

SEXY IMAGE. Pagkatapos nito ay ipinakita ang sexy posters and billboards ni Lovi. Tinanong ni Raymond kung ano ang nais iparating ni Lovi sa sexy pictorials niya.

"Well, siguro for me, of course, I'm an actress and it's part of my job to actually change my image. And siguro, I'm not 16 anymore. I think that's the reason why.

"Nagsimula ako dito [sa showbiz] when I was like 16 or 17. So, 'yon talaga ang tingin sa akin ng mga tao noon pa, ayun, pa-sweet, ganun," sabi ng 22-year-old actress-singer.

Pero ngayon nga ay kumportable at mas confident na si Lovi sa kanyang sarili.

"Well, I think so," sambit niya. "Sa dami ng na-experience ko na siguro, ngayon mas nakakatayo na ako, nakakaharap na ako sa mga tao. Siguro ganun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEMPTATION ISLAND. Napag-usapan din ang bagong pelikula ni Lovi, ang remake ng cult classic na Temptation Island. Honored daw si Lovi na isa siya sa mga napili na mapasali sa cast ng nabanggit na pelikula ng Regal Films.

"It feels so great!" bulalas niya. "Actually, nung narinig ko pa lang na Temptation Island, na I heard sobrang hit yung movie na yun before. And actually, nung kinu-consider pa lang nila ako, talagang thankful na ako, of course.

"I wasn't expecting to be part of it. But then, nung sinabi nila na kasama ako, plus I'm gonna be with like super hot women—of course my dear friends Marian Rivera, Solenn Heussaff, and Heart Evangelista. So just to be with them is awesome, so 'yon."

LOVI'S TWEETS. Sumunod namang pinag-usapaan ang tungkol sa mga tweets ni Lovi sa kanyang Twitter account. Hiningan siya ng eksplanasyon ni Raymond kung ano ang pinagdadanaan ni Lovi kaya siya nag-tweet ng mga ganoon.

Tweet No. 1: "Time change and people change, but there will always be that one person in your life to whom you could always say... you and me, it was never off the table."

Paliwanag ni Lovi sa tweet niyang ito, "Well, actually, that time, I was watching my favorite TV show Friends. So, quote 'yan ni Jennifer Aniston dun sa show na yun and then, ayun, naka-relate naman ako.

"I mean, at some point in your life, no matter how far you've gone, or gaano man kayo...hindi na kayo nagsasama, years ago na yun, there will always be that someone na, you know, will give you the spark. Iyon, kahit wala na."

Bakit "never off the table"?

"Never off the table, as in it will always be there kahit the feelings won't be there anymore. But then, you know, yung spark, the magic will always be there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet No. 2: "I need some shelter of my own protection baby. Be with myself in center, clarity, peace, serenity."

Saad ni Lovi, "First of all, I think a lot know that this song is sang by Fergie, yung song na 'Big Girls Don't Cry.' Ayun, I guess nakaka-relate ako sa song na yun, so that's why I tweeted that."

Kapag nag-iisa si Lovi, ano ang ginagawa niya upang libangin ang kanyang sarili?

"Well, as much as possible, I try to surround myself with my friends. And ayun, kumbaga, boyfriend ko ngayon yung TV ko and yung couch ko, and food. So, 'yon ang ginagawa ko. I'm such a couch potato!" sagot niya.

LOVI'S HEART. Kumusta ang puso ni Lovi ngayon?

"Hindi ko siya masyadong pinapansin ngayon, hindi ko siya pinapagana ngayon. So, ngayon, ang ginagawa ko, nagtatrabaho lang ako. Katawan ko at utak ko muna ang ginagamit ko," saad niya.

Kung magtu-tweet siya sa oras na 'yon, ano ang itu-tweet niya?

"Siguro ang itu-tweet ko ngayon, ayun, I'm actually very thankful with my support system, my friends, my family, and my career also. So, 'yon na lang yung tututukan ko ngayon.

"Kumbaga, yung Lovi ngayon, more on trabaho na lang talaga," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN