Paulo Avelino is willing to pose nude in pictorial

IMAGE 0

"Kasi may mga paraan naman ng paggawa ng ganyang klase na magandang tingnan at maganda sa mata. Yung hindi naman kabastos-bastos tingnan. I'm sure very artistic kung meron man, if ever may gawin akong ganyan," says Paulo Avelino about posing nude in a photo shoot.


Ang Kapuso hunk na si Paulo Avelino ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, March 6.

Simula nang ilantad niya ang kanyang katawan para sa pictorial for Bench, marami na ang nagkukumpara kay Paulo sa isa pang Kapuso hunk at ka-batchmate niya sa StarStruck IV na si Aljur Abrenica.

Ang unang tanong ng segment host na si John "Sweet" Lapus kay Paulo: Sa palagay ba niya ay may laban ang katawan niya sa katawan ni Aljur?

"Yes" ang sagot ni Paulo at "Truth" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Kung may "Machete diet" si Aljur, si Paulo ba ay may sarili rin niyang diet?

"Almost the same," sabi niya. "Sina-substitute ko lang yung carbs ko sa kamote, sa bread, tapos more on lean meat, white meat.

"Sa kanin naman, depende rin sa intake mo ng kanin. So, dapat tama lang talaga, hindi sobra. 'Tsaka depende sa kung alam mo nang heavy yung araw mo, mapapagod ka, okay lang naman kumain kasi mabe-burn mo rin."

Ang pagsusuot ni Paulo ng underwear sa kanyang photo shoots ang pinaka-daring na niyang nagawa sa ngayon. Kaya ang next question sa kanya ni Sweet: Sa palagay niya, masasabi ba niyang ready na siyang mag-all the way o mag-pose nang nude for a pictorial?

"Yes" ang sagot ni Paulo at "Truth" muli ang naging resulta.

Bakit payag na siya to pose in the nude?

"Yes, kasi may mga paraan naman ng paggawa ng ganyang klase na magandang tingnan at maganda sa mata. Yung hindi naman kabastos-bastos tingnan. I'm sure very artistic kung meron man, if ever may gawin akong ganyan," paliwanag ni Paulo.

Ang last question kay Paulo: Sa set daw ng Alakdana ay na-take three ang latest kissing scene nila ng bida ng afternoon soap na si Louise delos Reyes. Sa palagay ba niya kaya sila na-take three ay dahil nailang si Louise na makipag-kissing scene sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes" muli ang sagot ni Paulo at "Truth" muli ang lumabas na resulta kaya naka-perfect score si Paulo.

Paliwanag pa niya, "Si Louise kasi, first kiss niya kasi ever, onscreen and off-cam. Wala pa kasing nagiging boyfriend, so first niya talaga, so nailang siya. Ginawa ko naman in a very gentle and magandang...the way of a gentleman," sabi niya.

Sa palagay ba niya ay may crush sa kanya si Louise?

"Hindi ko po masabi, e. Pero tatanungin ko po 'yan para sa next time na mag-guest ako dito," sagot ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN