Matteo Guidicelli admits there is someone who "inspires" him now

There is someone who inspires Matteo Guidicelli nowadays, but he refuses to give her name. Rumor has it that he is now dating Maja Salvador.


Si Matteo Guidicelli ang umupo sa segment ni Toni Gonzaga na "T.G.I.S." sa The Buzz kahapon, March 6.

Semi-regular si Matteo sa ABS-CBN noontime show na Happy, Yipee, Yehey! at kasama rin siya sa pelikulang Catch Me, I'm In Love with Sarah Geronimo and Gerald Anderson.

Sa dami ng ginagawa niya ngayon, may time pa ba siya para sa kanyang sarili?

"Konti. Pero nae-enjoy ko talaga ang trabaho. Kahit wala na akong time sa sarili ko, okay na 'yan. I always tell my manager, 'Sige, kunin mo 'yang schedule ko, okay lang 'yan,' kahit wala na akong time sa sarili ko," sagot ni Matteo.

Ayon kay Matteo, ibang-iba ang role niya sa Catch Me, I'm In Love kumpara sa mga nagawa na niya.

"Kanto boy ako dito, astig-astig ako. Rapper din ako, yung hip-hop. May pagka-jologs ang role ko," sabi niya.

Ito rin daw ang unang pelikula na nagawa niya.

"That's why I'm so thankful po sa Star Cinema, first movie ko. Pero nakatrabaho ko si Sarah [Geronimo], si Gerald [Anderson]. That's why I'm so thankful po," aniya.

Pagkatapos nito ay sinagot na ni Matteo ang "intriga statements" tungkol sa kanya.

Intriga Statement No. 1: Si Matteo Guidicelli ang bagong threat kay Gerald Anderson!

"Hindi naman, hindi naman," reaksiyon ni Matteo. "Gerald has his own magic... He's a great person, great performer. And ayokong mag-compete sa kanya, e. He's really good with what he does. He's really cool."

Sa hiwalay na interview kay Gerald sa The Buzz ay tinanong siya kung ano ang lamang niya kay Matteo. Ang birong sagot ni Gerald ay guwapo raw siya.

Kung si Matteo ang tatanungin, ano naman ang lamang niya kay Gerald?

"Si Gerald, guwapo, ako ano, maka-drive ako ng mabilis," sagot ng dating professional car racer.

Dagdag niya, "Alam ko na si Gerald, magaling sumayaw. Nandoon yung panligaw niya sa mga babae. Ako, kakantahan ko ang mga babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Intriga Statement No. 2: Nakiki-ride lang si Matteo sa kasikatan ni Sarah Geronimo kaya niya sinabing crush niya si Sarah.

"Hindi naman po," tanggi ni Matteo. "I told this before, I don't want to ride with anybody. "

Kuwento ni Toni, there was a time when Matteo flew to Cebu to watch Sarah's concert. And they were texting before. So, ano na ang nangyari sa pagte-text nila?

"Texting lang... Hindi, biro lang! Actually, I look up to Sarah very much. When you see her, she's a normal person. Very humble, very sweet. But when you see her onstage, iba. Iba si Sarah. Parang, wow!" saad ni Matteo.

Ano ang mas gusto ni Matteo—yung nakikita niya sa stage o nakikita niya in person?

"Both," sagot niya. "Kapag araw-araw, si Sarah in person. But you know, we have to put some spice when Sarah's onstage."

Intriga Statement No. 3: "Ikaw ang naiisip ko pagkabangon sa umaga." - Matteo's tweet

"Kanta 'yan...kanta 'yan!" natatawang sabi ni Matteo.

Ang tinutukoy ba ni Matteo ay ang nasa wallpaper nito at nasa wall paper din ng taong pinatutungkulan niya? Kailan niya ito nai-tweet?

"Mga last week, nag-shooting kami. Nag-banda kami, yung isang lyric ng kanta. Kasi when I woke up, I thought of her," paliwanag niya.

Tinukso ni Toni si Matteo na ang tinutukoy ba niyang babae ay kapangalan ng isang uri ng kakanin na paborito ng mga Pinoy—ang "maja blanca"?

"Hindi, wala 'yan...wala 'yan!" tigas-tanggi naman ni Matteo.

Ano ba ang status ni Matteo ngayon?

"Single..."

Single but not ready to mingle because he's dating?

"Ha?! You know, you twist everything wrong. Ikaw talaga Toni, ha!" natatawang sagot ni Matteo.

Dagdag niya, "No, no, I'm very concentrated with my work now."

But he's going out with someone?

"I'm very close to someone. She's very close to me but I'm not officially..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

He's inspired and she's special to him?

"Oo naman, because I work with her every day," sagot ni Matteo.

And she's in his heart?

"You're in my heart, too!" natatawang sagot ni Matteo, na kinontra naman agad ni Toni dahil ibang parte raw ng puso ng binata ang tinutukoy niyang babae.

Hindi man direktang binanggit ni Toni kung sino ang tinutukoy niyang nagpapa-inspire ngayon kay Matteo, marami ang naniniwala na ito ay walang iba kundi si Maja Salvador.

May ginagawang pelikula ngayon sina Matteo at Maja para sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN