Carlo Aquino defends ex-girlfriend Angelica Panganiban on her tweet about Phil Younghusband

Young actor Carlo Aquino is about to finish shooting his first horror movie, Tumbok, with Cristine Reyes.

"Ang Tumbok ay 'yong madalas nating marinig na kasabihang malas daw ang bahay mo kung tinutumbok nito ang kalye, o kahit ang mga pinto ng bahay na tumbok sa hagdanan o stairway," he says about the story of the film directed by Topel Lee.


Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang shooting ng horror film na Tumbok sa isang abandoned building sa Escolta, Manila, noong Linggo ng gabi, March 6.

Dapat sana ay yun na ang last shooting day ng pelikulang ito ng Viva Films, pero ayon sa direktor nitong si Topel Lee ay may isa pa silang shooting day. Hindi raw kasi nila kayang tapusin ang ilan pang natitirang sequences sa gabing 'yon.

Tampok sa Tumbok sina Cristine Reyes at Carlo Aquino.

Si Carlo ang unang nakausap ng PEP habang nagti-take pa si Cristine ng kanyang eksena.

FIRST HORROR MOVIE. "First horror movie ko po ito," sabi ng young dramatic actor.

Bagamat nagkasama na sila noon sa Working Girls, ang Tumbok ang kinukunsidera ni Carlo na "first movie together" nila ni Cristine. Hindi raw kasi sila nagkaroon ng eksena na magkasama sa una nilang pelikula.

Bakit Tumbok ang title ng horror movie nila ni Cristine?

"Ang Tumbok ay 'yong madalas nating marinig na kasabihang malas daw ang bahay mo kung tinutumbok nito ang kalye, o kahit ang mga pinto ng bahay na tumbok sa hagdanan o stairway.

"Mag-asawa po kami dito ni Cristine. Member ako ng SOCO [Scene Of the Crime Operatives] team at isa naman siyang bored housewife. Lumuwas po kami ng Manila mula sa province pagkatapos ipamana sa akin ng tatay ko itong bahay.

"Pero 'yon nga, malas daw itong bahay dahil ang mga rooms daw, tumbok sa katapat na room, kaya bumuhos din ang malas sa amin. May mga nakikita kami, sinusundan kami ng patay.

"Hindi ko na po muna ikukuwento ang story, pero sinisiguro naming magugustuhan ito ng mahihilig sa horror movies," paniniguro ni Carlo.

WORKING WITH CRISTINE. Kumusta naman si Cristine na katrabaho?

"Mabait po si Cristine, masayahin siya, makulit, at mahilig siyang kumanta. Kahit na magpapahinga na ako sa air-conditioned tent namin sa location, kanta pa rin siya nang kanta, kaya natatawa na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natatahimik lang ako kapag tinawag na siya para mag-shoot. Kapag umakyat na po kasi kami dito sa 4th floor ng building, hindi na kami umaalis dito hanggang hindi tapos ang mga eksenang gagawin namin."

Wala ba naman silang napapansin na "kasama" nila sa building?

"Wala naman po, saka hindi naman kasi ako takot sa sabi nila na may multo raw. Siguro kung totoong meron, hindi sila nagpapakita doon sa hindi naman natatakot sa kanila," sagot ng dating child actor.

Bilang mag-asawa ang role nila, may kissing scene o love scene ba sila ni Cristine sa pelikula?

"Meron po," sagot ni Carlo. "Pero one kissing scene and one love scene lang. Marami lang takes dahil iba-iba ang anggulo ng shot ni Direk."

"Malambot ang lips ni Cristine!" ang natatawang sagot ni Carlo nang tanungin kung ano ang naramdaman niya sa kissing scene nila.


WORKING WITH DIREK TOPEL. Kumusta naman si Direk Topel Lee?

"Matagal ko na pong kilala si Direk Topel kasi magkaibigan sila ng kaibigan kong si Direk Ato Bautista. Pero ngayon lang niya ako naidirek.

"Mahusay po siya. Hindi siya nananakot through the special effects, mananakot siya sa isip ng mga manonood," sabi ni Carlo tungkol sa kanyang direktor.

Nagulat naman si Carlo nang sabihin namin sa kanyang hindi nanonood ng horror movies si direk Topel dahil takot ito. Yun nga lang, nagkakataon na ang movies na ina-assign sa kanya ay mga horror ang tema.

CRISTINE-SARAH ISSUE. Hiningan din ng PEP ng komento si Carlo tungkol sa issue kay Cristine at sa kapwa nila Viva talent na si Sarah Geronimo. Pero ayaw niyang makialam dahil pareho naman daw mabait ang dalawa at iisa ang management company nila.

Ibinuking na lang ni Carlo na dumadalaw sa set nila ang boyfriend ni Cristine na si Rayver Cruz. Hindi naman daw siya naiilang dahil magkaibigan naman daw sila ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELICA'S TWEET. Ano naman ang masasabi ni Carlo sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban?

Dahil sa pagtu-tweet ni Angelica ng tungkol sa paggawa ng indie film ng football player na si Phil Younghusband ay may nakaaway siyang fan ng Azkals. Sinagot ng fan si Angelica sa pamamagitan ng masasakit na salita at idinamay pa ang boyfriend nitong si Derek Ramsay. Dahil dito ay gustong magdemanda ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinagtanggol ni Carlo si Angelica.

Aniya, "Kilala ko po si Angel dahil six years ding naging kami, at alam kong nagbigay lang siya ng kanyang opinion. Siguro nagbigay rin naman ng kanyang opinion 'yong fan, kaya lang hindi maganda ang mga isinagot niya.

"Sana magkaayos na sila at hindi na ito humantong sa demandahan."

LOVE & OTHER PROJECTS. Inamin naman ni Carlo na may girlfriend siya ngayon—si Christine Mae Nieto, na miyembro ng all-girl group na Eurasia.

"Almost one year na rin po kami," banggit ng aktor.

Si Christine Mae ay dating girlfriend ni Alex Castro, ang actor-politician na naging finalist ng Are You The Next Big Star? ng GMA-7.

Ano naman ang ibang pinagkakaabalahan ni Carlo?

"Wala na po akong banda ngayon dahil may kanya-kanya nang trabaho ang mga members ko, pero tuloy pa rin ang pagkanta ko," sabi niya.

Nabanggit niya sa amin na may show sila ni Jennylyn Mercado sa Thunderbird Resort in Antipolo on March 12 titled Young Love. Hindi nga lang namin sigurado kung matutuloy si Jennylyn dahil kakaopera lang sa tonsils ng young actress.

Kasama rin daw si Carlo sa action-drama series ng TV5 na Utol Kong Hoodlum with JC de Vera at Jasmine Curtis. Si Topel Lee rin ang direktor nito.

"Love triangle po kami doon nina JC at Jasmine," sabi ni Carlo. "Sayang po kasi hindi ako makakasama sa pagti-taping nila sa Australia this month. Magiging busy na po kasi kami ni Cristine sa pagpu-promote ng movie [Tumbok] dahil showing na ito sa April 6."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN