Gerald Anderson on being compared to John Lloyd Cruz as Sarah Geronimo's leading man: "Sobrang pressure!"

"Sobrang [pressure] dahil nga si John Lloyd pa 'yong [sinundan ko]. Alam mo 'yon, kung nasa isang sentence ang isang John Lloyd Cruz at Gerald Anderson, sobra na akong masaya na kinumpara ako doon," says Gerald Anderson about being compared to Sarah Geronimo's former movie partner John Lloyd Cruz.


Itinuturing ni Gerald Anderson na isang malaking biyaya na kanyang natanggap ang makagawa ng pelikula kasama si Sarah Geronimo.

"Siyempre, sobra akong masaya, overwhelmed," sabi ni Gerald sa media junket na inihanda ng Star Magic para sa kanyang ika-22 na kaarawan na ginanap kahapon, Marso 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBNsa ELJ Bldg.

Dahil dito, ayon kay Gerald, sinisiguro niyang maging maganda ang kanyang pagganap bilang bagong movie partner ni Sarah sa pelikulang Catch Me, I'm In Love.

"Talagang lahat ibinibigay ko rito sa movie kasi sayang, e. Sayang ang pagkakataong ibinigay ng Star Cinema sa akin.

"Sa set, sobra kaming nag-e-enjoy. Tulad nga po ng sinabi ko kanina, sobra akong blessed and sobra akong thankful para doon," sabi ni Gerald.

WORKING WITH SARAH. Katulad ng ibang mga first time na magkakasama sa isang proyekto, inamin ni Gerald na may kaunting ilangan sa kanila ni Sarah noong mga unang taping days nila. Pero sabi ni Gerald, hindi naman daw ito nagtagal.

"Siyempre, sa simula, may ilang, nandoon 'yong ilangan factor. Pero nandoon naman talaga 'yon dahil ngayon lang po talaga kami nagkasama ever bukod doon sa ASAP. Kahit Your Song or Maalaala Mo Kaya, wala.

"Tapos binigyan kami ni Sarah ng ganitong movie ng Star Cinema na mainstream. Noong una may ilangan, but after mga ilang shooting days, nagwo-work out na siya. Nagtatawanan na kami sa set bago mag-take."

Dagdag pa ni Gerald, "Ako nga, mas nahihiya ako kasi sobrang surreal, na siya 'yong ka-partner ko ngayon, siya 'yong leading lady ko. Siyempre, bilang leading man, ako po 'yong gumagawa ng paraan para mas kumportable siya. Ayun, sobrang relax kami ngayon sa set, stress-free."

Bukod sa pagiging malapit nilang dalawa, may nadiskubre rin daw siyang ilang katangian ni Sarah.

"Sobra siyang mabait, sweet siya, palabiro din. Pero siyempre, noong una, tahimik siya. Pero after a while, nag-loosen up, nagtatawanan kami, nag-e-enjoy kami sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit maraming nangyayari sa mga balita, sa mga pinagdadaanan niya ngayon, pagdating sa set, parang wala, stress-free kami. 'Yon ang maganda sa kanya," saad ng young actor.

Sa tingin ba ni Gerald ay may posibilidad na maging kasunod na onscreen partner niya si Sarah?

"Siyempre, ang pine-pray ko, gusto kong maging successful 'yong movie namin at masundan pa ng ibang movies. Siyempre, trabaho pa rin po 'yon. I love working with Sarah, sobrang magaan. I'd love to work with her again in the future," sagot niya.

COMPARISONS. Sa pakikipagtambal ni Gerald kay Sarah, hindi maiwasan na ikumpara siya sa dating movie partner ng Popstar Princess, ang three-time Box Office King na si John Lloyd Cruz. Nagkasama ang dalawa sa dalawang hit romantic-comedy movies ng Star Cinema, ang A Very Special Love at ang sequel nitong You Changed My Life.

Ano naman ang masasabi ni Gerald tungkol dito?

"Si John Lloyd lang naman ang huling partner niya, so hindi naman masyado!" pabirong sagot ni Gerald.

Pero inamin niya na sobrang nakakakaba para sa kanya dahil naging patok ang mga pelikulang ginawa nina Sarah at John Lloyd. Bukod pa rito, isang award-winning actor ang kanyang sinundan.

"Sobrang [pressure] dahil nga si John Lloyd pa 'yong [sinundan ko]. Alam mo 'yon, kung nasa isang sentence ang isang John Lloyd Cruz at Gerald Anderson, sobra na akong masaya na kinumpara ako doon!" sabi niya.

Samantala, hindi itinanggi ni Gerald na tulad niya, magkakaroon din ng paghahalintulad sa pagitan ng dati niyang onscreen partner na si Kim Chiu at si Sarah.

"Hindi pa nga nag-i-start ang movie, may comparison na," sabi ni Gerald. "Siyempre, as much as I want, gusto ko talagang maging successful 'yong movie. Gusto naming lahat 'yon. Gano'n talaga, e, nasa showbiz tayo.

"Kumbaga, laging may comparison. Who's the better actress, who's the better actor; sinong mas guwapo, sino ang mas maganda. Nakikita ko nga sa Internet may mga gano'ng polls, e. So, 'yong comparison, nandoon na, hindi na po maiiwasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN