Kim Chiu admits Gerald Anderson is also her "first love"

"Sa ngayon, nasa learning experience pa ako at ine-enjoy ko pa ito. Para pag dumating na yung tamang tao para sa akin, tama na ang pag-iisip ko," says Kim Chiu about taking her time before going into another relationship.


Sa panayam ni Gerald Anderson sa The Buzz noong Linggo, March 6, sinabi niyang ang ka-loveteam niyang si Kim Chiu ang "first love" niya. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa opening ng photo exhibit ni Mark Nicdao, ang Vantage, sa Greenbelt 5 kinagabihan, ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa sinabi ni Gerald.

"Totoo ba 'yan? Di ko alam 'yan, ngayon ko lang 'yan narinig. Teka, naloka ako!" tila hindi makapaniwalang sabi ni Kim.

Pero aniya, "Siyempre, thank you na sinabi niya yun. Siyempre nakakatuwa, nakaka-flatter, kasi isipin mo na ako pala ang first love niya."

Si Gerald din ba ang maikukunsidera niyang "first love"?

"Sa part ko, oo, siya rin," sagot ni Kim.

Naniniwala ba siya sa kasabihang "first love never dies"?

"Depende sa tao, sa panahon, sa mga mangyayari. Kasi hindi natin alam ang mangyayari in the future, pero naniniwala ako sa true love."

Kumusta naman ang samahan nila ni Gerald ngayon?

"Okay naman kami. Mayroon pa rin kaming communication, nag-uusap pa rin kami.

"Masaya ako for Gerald kasi ang daming magagandang nangyayari sa kanya ngayon. Nakaka-proud na ka-loveteam ko siya dati," sabi ni Kim.

SIMON ATKINS. Inusisa rin ng PEP si Kim tungkol naman sa La Salle Green Archer basketball player na si Simon Atkins. Matatandaang nagpahayag ng kanyang interes si Simon na makilala si Kim sa pamamagitan ng Twitter. Nagpapatulong pa nga raw ito kay Enchong Dee para magkita at magkakilala sila.

Ano ang reaksiyon ni Kim dito?

"To be honest, hindi ko alam ang sasabihin ko about that, kung ano ang tamang words para masabi ko ang gusto kong sabihin, but salamat. Salamat kasi naghahanap siya ng way para magkita kami at nakaka-flatter," sabi ng young actress.

Sa effort na ginagawa ni Simon, may pag-asa kaya ito kung sakaling manligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, tingnan natin. Okay naman siya, may sense of humor, may sense kausap," nakangiti niyang sagot.

Bagamat may mga nagpapakita ng interes sa kanya, sinabi ni Kim na hindi pa siya handang pumasok ngayon sa bagong pakikipagrelasyon pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Gerald.

"Not yet," sambit niya. "Sa ngayon, nasa learning experience pa ako at ine-enjoy ko pa ito. Para pag dumating na yung tamang tao para sa akin, tama na ang pag-iisip ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN