Gerald Anderson "admires" Sarah Geronimo but has no plan to court her

"Down to earth siya, hindi siya mayabang kahit sold out lahat ng concerts niya, ang dami niyang blockbusters left and right. Pero taong-tao talaga yung kasama ko. Masarap kasama, magaan katrabaho," says Gerald Anderson about new leading lady Sarah Geronimo.


Simple lang ang wish ni Gerald Anderson para sa katatapos na 22nd birthday niya noong Lunes, March 7. Iyon ay ang magtuluy-tuloy ang magandang nangyayari sa kanyang career ngayon.

Sinabi nga Gerald sa kanyang birthday presscon noon ding Lunes na masaya siya sa movie project niya with Sarah Geronimo under Star Cinema and Viva Films, Catch Me, I'm in Love.

"Sana tuluy-tuloy lang ang nangyayari sa akin ngayon, maraming blessings sa simula. Sa simula pa lang ng taon, maraming pumapasok na trabaho. Sana tuluy-tuloy lang," asam ng young actor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

NO TIME FOR LOVE? Sa lovelife ba ay wala siyang wish?

"Wala, e. Kasi hindi ako puwedeng magbigay ng wish sa lovelife ko kasi wala naman akong lovelife ngayon. But, hindi naman ibig sabihin hindi ako masaya, di ba? Mangyayari at mangyayari din yun," nakangiti niyang tugon.

Sa araw-araw na pagtatrabaho ni Gerald, wala raw siyang panahon para sa dating.

"Shooting every day, tapos may Buhawi Jack," banggit niya.

Mas stress-free ba pag walang lovelife?

"In a way, pero iba rin pag may nagmamahal sa iyo, nag-aalaga sa iyo. Pero okey rin yung freedom. Nasa tao lang dun kung ano ang mas gusto," sagot niya.

Nong nakaraang taon, "nabugbog" nang husto sa isyu si Gerald tungkol sa diumano'y itinatagong relasyon nila ni Kim Chiu at ang pagsulpot naman ng balita tungkol sa pakikipagrelasyon niya kay Bea Alonzo.

Pero ayon sa binata, "Ngayon, wala na. Tahimik na, kumbaga, tahimik ang buhay. Yung mga Kimeralds, gaya ng sinabi ko, nandiyan pa rin sila and nagsu-support pa rin."

Nami-miss ba niya ang pag-aalaga ng kung sinuman sa kanya at ang palitan nila ng text messages?

"Ahm, oo. May mga times," pag-amin niya. "But kumbaga, okey na rin sa akin yung maging single muna. Focus muna sa trabaho at sa mga gagawin ko soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga times na wala siyang lovelife, ano ang ginagawa niya lalo't wala siyang ka-text?

"Nanonood ako ng TV. Nagbabasa ako ng script. Ini-imagine ko na ako talaga ito!" natatawa niyang sabi.

KIM CHIU. Si Kim ang natutukoy na nag-aalaga at madalas ka-text noon ni Gerald. At hanggang ngayon ay ipinaparamdam pa rin ng young actress ang malasakit niya sa young actor. Isang maliwanag na pruweba ang birthday gift ni Kim kay Gerald na massage chair.

"Actually, ang sabi nga ni Kim, nasa akin na lahat dahil mahilig ako sa mga gadgets kaya yun ang naisip niya. Actually, magbibigay rin ako ng gift sa kanya dahil malapit na ang birthday niya [April 19] at lilipat siya sa bagong bahay niya.

"Kumbaga, marami kaming pinagdaanang masama last year. But it's gonna be a better road for us," paniniguro ni Gerald.

Ano ang nakalagay sa card na ibinigay ni Kim sa kanya?

"Wala. Walang card, e. Pag-uwi ko, nandoon na, e. Kasi kahapon lang [Sunday] dahil meron kaming small get-together kasama ang mga friends, Rayver [Cruz], kasama yung ibang mga artista. Nagamit ko na siya. Idinemo sa akin," kuwento niya tungkol sa regalo ni Kim.

Paano nagkaroon ng ideya si Kim na bigyan siya ng massage chair?

"Hindi ko alam, e. Mahilig kasi akong magpa-massage, e. Naisip niya siguro na sobra akong magtrabaho. Kailangan ko ng something na makakapagpa-relax sa akin pag nasa bahay ako, kaya ibinigay niya yung massage chair."

SARAH GERONIMO & RAYVER CRUZ. Si Sarah ba ay may naibigay na birthday gift sa kanya?

"Oo, kahapon binati niya ako. Siya pa mismo ang nag-interview sa akin sa ASAP live," banggit niya.

Wala raw gustong matanggap na regalo si Gerald mula kay Sarah kundi ang friendship nito.

"Okey na sa akin yung friendship. Kasi, sobra kaming okey lahat. Sa staff, sa crew, sa cast, kasama si Sarah. Sobrang nagpapasalamat dahil friendship niya nandoon," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since kaibigan ni Gerald si Rayver na ex-boyfriend ni Sarah na leading lady naman niya ngayon, hindi ba siya nailang dahil napapagitnaan siya ng dalawa?

"Hindi naman ako kasama sa sitwasyon kung anuman ang nangyayari," sabi niya. "Oo, kaibigan ko si Rayver, leading lady ko si Sarah. But magkahiwalay naman yun."

May mga pagkakataon bang gusto siyang bisitahin ni Rayver sa set kaya lang hindi puwede dahil naroon sa shooting si Sarah?

"Wala. Kahit dati pa, hindi namin ginagawa yun. Nagkikita lang kami pag nagba-basketball, ASAP."

May mga attempt ba kay Sarah na mangumusta tungkol kay Rayver?

"Wala. Hindi nga po namin napag-uusapan 'yan. Gusto ko namang magaan sa set."

Pangiti-ngiti lang si Gerald sa mga comment tungkol sa pagiging mabait sa kanya ng ina ni Sarah na si Mommy Divine. Hindi pa raw kasi niya pinopormahan ang kapareha kaya pinagtitiwalaan pa siya ng mga magulang ng Pop Princess.

Pero bilib na bilib si Gerald sa pag-aalagang ginagawa ng mga magulang ni Sarah sa kanya. Aniya pa, hindi raw 'yon nakaka-discourage sa isang lalake na nagkakagusto sa kapareha.

"Hindi discouraging yun. Hindi, e, lalo na tayo Pinoy. Kumbaga, mas nakaka-attract na mas conservative ang babae pag mahal yung pamilya niya," sabi ng young actor.


LEADING LADY. Paano niya ide-describe si Sarah bilang kasama sa trabaho?

"Yun, sobrang professional. Ako, nagugulat. Kumbaga, hindi naman siya aktres pero pagdating doon, ibinibigay niya lahat kahit rehearsal pa lang. Sobra siyang professional.

"Down to earth siya, hindi siya mayabang kahit sold out lahat ng concerts niya, ang dami niyang blockbusters left and right. Pero taong-tao talaga yung kasama ko. Masarap kasama, magaan katrabaho."

Nag-aalala lang si Gerald na baka magtampo sa kanya si Sarah sa kuwento niya no'ng minsang matalsikan siya mukha ng laway ng kapareha habang ginagawa nila ang isang eksena. Pero cute kay Gerald ang blooper na 'yon nila ni Sarah kaya ikinuwento niya kung paano nangyari ang nakakatuwang pangyayaring iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buti nga nangyari yun kasi, kumbaga, yun ang icebreaker. Simula noon, naging mas magaan. Siguro naging magandang way yun para mapalagay ang loob namin sa isa't isa.

"Siguro gagawin ko rin yun sa mga leading ladies ko. Yun kasi yung eksenang nahulog siya, sinalo ko siya no'ng nasa kotse, tapos sinalo ko siya mismo," kuwento niya.

Wala namang masagot si Gerald kung may kissing scene sila ni Sarah dahil hindi pa raw tapos ang pelikula.

Wini-wish niya ba na maka-kissing scene si Sarah?

"Gusto ko sana siyempre para mas maging maganda yung movie," nakangiting sabi niya.

Bagamat friends na sila ni Sarah, wala raw nagaganap na exchange of text messages sa kanilang dalawa.

"Friends lang po talaga kami, wala po kaming ganon. We talk sa set, pero hindi naman yung mga personal ang pinag-uusapan namin kasi ngayon lang kami nagsama and nandito lang ako for her as friend."

Maliban sa paghanga, attracted din si Gerald sa pagiging wholesome at conservative ni Sarah, pero nilinaw niyang wala siyang planong ligawan ang kapareha.

BEA ALONZO. Hindi naman nakaligtas si Gerald sa pangungusisa ng press tungkol sa sitwasyon nila ngayon ng sinasabing ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

"Okey kami. Kumbaga, moving on na kaming lahat," sabi niya.

Pero naghiwalay sila nang maayos at nanatiling magkaibigan?

"Oo naman," pag-amin ni Gerald. "Ang pangit naman kung hindi kami magiging magkaibigan."

Wala namang pain?

"Wala. Naging close naman kami. Maganda naman ang paghihiwalay ng lahat," sabi niya.

KIM & SIMON. Natanong din si Gerald tungkol sa pagsulpot ng varsity player ng La Salle na si Simon Atkins na nagkaroon ng interes na makilala si Kim Chiu.

Kaya niya bang makipag-one-on-one kay Simon sa isang basketball match?

"Hindi!" natatawang sabi ni Gerald.

Kung sa husay maglaro ng basketball, hindi pahuhuli ang galing ni Gerald kay Simon.

Pero aniya, "Hindi. Magaling yun! Magaling yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ni Gerald na nakipagpaligsahan siya kay Simon sa pag-iimbita kay Kim para sa isang date no'ng Valentine's day.

"Wala akong ka-date nong Valentine's day. Wala po akong inaya. Ako lang, pamilya ko, yung friends ko. Nasa bahay lang kami," sabi niya.

Nakaramdam ba siya ng selos sa imbitasyon ni Simon kay Kim na mag-date sila noong nakaraang Araw ng mga Puso?

"Hindi. Yun nga po, hindi na ako magugulat kung si Brad Pitt ay yayain si Kim kasi magandang babae si Kim. Marami pa 'yan, hindi lang si Simon. Baka mamaya PBA player na, di ba? So, marami pa yun.

"Kumbaga, kailangan lang tanggapin, kailangan lang mag-move on at mag-focus sa trabaho," pahayag niya.

NEW SEASON OF PBB. Nag-umpisa na ang search ng ABS-CBN para sa mga bagong housemates ng Pinoy Big Brother, ang reality show kunsaan nakilala si Gerald. Wala raw magiging partisipasyon si Gerald dito dahil napaka-hectic ng schedule niya. Ang maibigay lang daw niya ay advice sa mga papasok sa bahay ni Kuya.

"Just be yourself kasi reality show siya, hindi siya soap or movies. Yun lang ang kailangan mong gawin, just be yourself. Hindi naman mahirap gawin yun. Kung ang gusto nila maging artista, nandoon yung opportunity."

Pangarap daw ni Gerald na magtayo ng sarili niyang foundation para magtuluy-tuloy ang kanyang charity projects, gaya na lamang ng basketball clinic na ginawa niya sa GenSan.

"Sobra siyang fulfilling, masaya akong ginagawa ko yung mga ganon," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN