Kathryn Bernardo wants to comfort the girl who cried over her death scene in Mara Clara

"Hindi ko naman po kasi nilalagay sa ulo ko kapag sikat na ganyan. Ang gusto ko po, kung saan ako, doon pa rin ako palagi. Ayoko po kasing lumaki ang ulo ko," says Kathryn Bernardo about the huge success of Mara Clara.


Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang teen star na si Kathryn Bernardo sa press preview ng Nasaan Ka Elisa? kahapon, March 8, sa ABS-CBN compound.

Bagamat hindi siya kasama sa cast ng naturang afternoon soap ng Kapamilya network, marami ang nagkainteres na makausap at magpakuha ng litrato kasama ang isa sa mga bida ng top-rating primetime series na Mara Clara.

THE VIDEO. Aware daw si Kathryn sa kumakalat na video ngayon sa Internet kung saan panay ang iyak ng isang batang babae habang pinanonood ang "pagkamatay" ni Mara sa Mara Clara. Si Kathryn ang gumaganap sa role ni Mara. (CLICK HERE to watch the video)

Sa ngayon ay lagpas na sa 861,000 ang views ng naturang video ng batang umiiyak, na nakilalang si Pamela. Ang kapatid ni Pamela ang kumuha ng video at nag-upload nito sa YouTube.

Ano ang reaksiyon ni Kathryn nang mapanood niya ang naturang video?

"Sobrang na-touch po ako sa bata," sagot niya. "Hindi ko ine-expect na magiging ganoon ang response niya sa Mara Clara. Kaya lang, medyo naawa rin po ako sa kanya kasi talagang nagwawala po siya. Parang siya talaga yung namatayan.

"Kaya yun, ang ginawa ko po, gusto ko pong gumawa ng message sa kanya at gusto ko po siyang ma-meet para... Gusto ko pong ma-comfort siya dahil baka hanggang ngayon, depressed pa rin siya."

Biro namin kay Kathryn, nagiging cause of depression na yata siya ng mga bata ngayon?

"Hindi naman po!" natatawa niyang sabi.

"Pero super thankful po ako talaga. Sa lahat po ng sumusuporta, bata, matanda, talagang pinapanood po nila ang Mara Clara every night. Kaya yun po, maraming-maraming salamat pong talaga."

SUCCESS OF MARA CLARA. Ine-expect ba niya na magiging ganito kainit ang pagtanggap ng mga manonood sa teleserye nila?

"Hindi po...hindi po talaga," sambit ni Kathryn. "Kami ni Julia [Montes], parang kami, expect the unexpected. Hindi kami nag-e-expect kung ano ang mangyayari. Bahala na kung ano. Kasi, ayaw po naming nag-e-expect."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit nangunguna sa ratings ang Mara Clara, hindi naman daw iniisip ni Kathryn na sikat na siya.

"Hindi ko naman po kasi nilalagay sa ulo ko kapag sikat na ganyan. Ang gusto ko po, kung saan ako, doon pa rin ako palagi. Ayoko po kasing lumaki ang ulo ko," sabi niya.

Ano ang nakikita niyang pagbabago sa buhay niya ngayong sikat na sikat ang Mara Clara?

"Siguro po kasi ngayon, ang pagbabago lang, mas nakikilala na ako ng mga tao as Mara. Minsan kilala rin nila ko as Kathryn. Yun po siguro ang nagbago.

"At siyempre, when you encounter yung mga tao, talagang makikita mo na kilala ka na. Yun lang po."

Very much aware naman si Kathryn kung ano ang kinahinatnan ng career ni Judy Ann Santos, na siyang gumanap bilang original na Mara sa unang Mara Clara. Hindi itinatanggi ni Kathryn na nandoon ang hope niya na matularan din ang aktres.

"Sana po, sana maging parang Judy Ann Santos. Siya po kasi talaga ang idol ko since bata ako. Isa po siya talaga sa hinahangaan kong artista. Sana po, tingnan po natin," sambit ni Kathryn.

Masasabi ba niyang tama ang desisyon niya na manatili sa ABS-CBN pagkatapos ng paglabas niya noon sa GMA-7 bilang batang Marian Rivera sa Endless Love?

"Siyempre!" mabilis na tugon ni Kathryn. "Talagang sobrang tamang-tama yung decision ko. Talagang dito ko naman po talaga gusto from the start. Siyempre, homegrown talent po nila ako dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN