Wendell Ramos says leaving GMA-7 for TV5 was difficult but it was "time to spread my wings"

"Wala naman tayong magagawa sa sasabihin ng tao. Pero alam naman ng GMA yun na for 15 years, naging loyal naman ako. Lahat naman ng shows, wala naman akong ginawang violation. At ito namang paglipat ko, nagpaalam din ako nang maayos sa kanilang lahat," says Wendell Ramos about his decision to sign up with TV5 after working with GMA-7 for almost 15 years.


Pagkatapos ng halos 15 years ay nilisan na ni Wendell Ramos ang bakuran ng GMA-7. Noong Martes ng hapon, March 8, ay pumirma ng two-year non-exclusive contract ang aktor sa TV5.

Present sa contract signing ni Wendell sa opisina ng TV5 sa The Fort, Taguig City, ang top executives ng network na sina Atty. Ray Espinosa at Mr. Bobby Barreiro, samantalang kasama naman ng aktor ang bago niyang manager na si Perry Lansigan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Wendell pagkatapos ng contract signing, nabanggit namin sa kanya ang tungkol sa pagtatanong ng ilang press sa executives ng GMA-7 kung bakit nila hinayaang lumipat ng network ang aktor. Ang sagot daw sa kanila ay "ang mahal" kasi ng aktor. Pero kinalaunan ay sinabi ng Kapuso executives na nang nagpaalam sa kanila si Wendell ay mahirap naman daw na hindi siya payagan dahil baka raw sa TV5 pa ito sumikat.

Ano ang masasabi ni Wendell dito?

"Yung 'mahal', hindi naman po," nakangiti niyang sabi.

"Actually, totoo pong nag-offer din ang GMA, nag-offer din po ang TV5. Hindi naman po sa mas malaki lang offer ng TV5, siguro po, at this point lang din in my life, in my career, gusto ko rin pong sumubok ng iba. Gusto ko rin mag-try ng paano nga ba sa ibang network naman, ibang environment. It's about time to spread my wings, too.

"At the same time po, nandoon na rin yung nag-iisip na rin ako for my future. Alam n'yo naman that I have two kids and gusto ko lang din na kahit paano, mabigyan sila ng security pa."

Pero ayon din kay Wendell, "Very thankful naman ako sa GMA. Hindi madali dahil pamilya talaga, naging tahanan ko ang GMA umpisa pa lang, and grateful ako sa lahat ng naibigay nila sa akin. Natutuwa naman ako dahil naging maayos naman yung naging pagpapaalam ko sa lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa, sa loob ng halos 15 years na inilagi niya sa Kapuso network ay hindi naman daw siya naging exclusive talent ng network, but he remained loyal through those years.

LEAVING BUBBLE GANG. Isa sa original cast members ng GMA-7 gag show na Bubble Gang si Wendell. Pero dahil sa pagpirma niya sa TV5, he had no choice but to leave the show, na nasa 16th year na nito ngayon.

May balitang nagulat daw ang staff at cast ng Bubble Gang dahil wala siyang ipinapakitang senyales na magpapaalam na pala siya sa show until he announced his departure.

Paano nga ba siya nagpaalam?

"Actually, nagpaalam ako, parang sinimplehan ko lang si Ogie [Alcasid]. Nagpaalam ako sa main [cast] kasi wala ang EP [executive producer] namin at that time, si Camille [Hermoso]. So, doon lang ako [nagpaalam] sa mga cast na kasabay ko, si Ogie, si Michael V, si Antonio [Aquitania].

"So, noong nilapitan ko si Ogie, sinabi ko na baka umalis muna ako. Lumipat muna ako sa kabila. Sabi niya, 'Okay, good 'yan, okay 'yan, pare.'

"Same thing with Michael V... Ang maganda lang din sa sinabi ni Michael V, noong napansin niya na parang tahimik na ako, sinabi niya, 'Nalulungkot ka ba, nagsisisi ka ba sa desisyon mo?' 'In a way,' sabi ko, dahil din siguro yung Bubble Gang, maiiwan ko.

"Pero sabi niya, 'Hindi, huwag mong isipin yun. Dapat masaya ka, kasi maaayos mo 'yan. Yung mga pagsisisi na 'yan, tama 'yan, magiging maayos 'yan. Tama ang desisyon mo.'

"Siguro, what they mean is to explore, nothing against GMA. Happy sila for me in a way sa mga projects.

"Pero alam n'yo, ang GMA, hindi naman nawala sa suporta at pagtitiwala. Kumbaga, parang nagkataon lang din na mag-try ng iba, mag-explore din," pahayag ni Wendell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa namang ikinuwento ni Wendell ang reaction ni Antonio, na kasabayan niya talaga sa show, nang magpaalam siya rito.

"Nakakatawa lang din, ang reaction niya, tinalikuran niya ako!" sabi niya. "Pero pinuntahan niya ako sa taping sa Untold Stories ng TV5 sa Parang, Marikina, ha. Sobrang...siguro, na-miss na niya ako. Dumalaw lang siya do'n."'

THE BIG DECISION. Aminado si Wendell na nahirapan din siyang mag-decide kung lilipat nga ba siya sa TV5 o mananatili sa GMA-7.

"Oo...mahirap," sambit niya. "Siguro one whole day yung talagang pinag-isipan ko. Pero bago yun, nag-aral din ako, pinag-iisipan ko.

"Yung final decision, yung following day na hinihintay na ni Perry kung ano ang magiging decision ko, parang sinunod ko na lang din yung thought na nandoon na rin ang excitement to work with a new network.

"Pero siyempre, mahirap, naging mahirap talagang mag-decide kasi masaya naman ako sa GMA. Naalagan din naman nila ako. Siguro, excited lang din ako, maiiba naman."

Tanggap ni Wendell na sa naging desisyon niya, puwedeng hindi niya mapi-please ang lahat. Puwede ring may lumabas na intriga na keyso wala siyang utang na loob.

Pero aniya, "Wala naman tayong magagawa sa sasabihin ng tao. Pero alam naman ng GMA yun na for 15 years, naging loyal naman ako. Lahat naman ng shows, wala naman akong ginawang violation. At ito namang paglipat ko, nagpaalam din ako nang maayos sa kanilang lahat."

Bukod sa Bubble Gang, ang huling show na ginawa ni Wendell sa GMA-7 ay ang Jillian: Namamasko Po!.

Samantala, ang unang magiging regular show ni Wendell sa TV5 ay ang sitcom na Hapi-er Togeder. Makakasama rin siya sa cast ng teledrama na Nagbabagang Bulaklak.

He's also currently shooting a movie under Star Cinema, Kasal, Kakalas, with Eugene Domingo, Toni Gonzaga, and Zanjoe Marudo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN