Ruffa Gutierrez feels Kris Aquino is "sincere" about their reconciliation

"Masayang-masaya ako na okay na kami ni Kris, as in nabunutan na ako ng tinik, wala na kaming problema. Kahit na magkita kami sa isang event tulad nito, she's very warm, friendly. Masarap yung pakiramdam na wala kang iniiwasang tao," says Ruffa Gutierrez about her reconciliation with Kris Aquino.


Ikinatuwa ng malalapit na kaibigan nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino ang kanilang pagbabati pagkatapos ng matagal-tagal na panahong may samaan ng loob ang dalawa.

Pero nabahiran agad ito ng intriga dahil may kumukuwestiyon sa sinseridad na ipinapakita ni Kris kay Ruffa. Nasulat na nakita raw na nagme-make face at mukhang sumisimangot daw si Kris pag hindi nakatingin sa kanya si Ruffa nang sabay silang mag-host ng 25th anniversary ng Edsa People Power Revolution noong February 25.

Sa Vantage book launch ng photographer na si Marc Nicdao sa Greenbelt 5 last Sunday, March 6, hiningan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa tungkol sa naglabasang balita, lalo't present din sa nasabing event si Kris.

"Ay, huwag na nating pansinin ang ganyang mga intriga. Ang importante, okay na kami ni Kris.

"Sa lahat ng mga intriga na 'yan, pag pinansin mo, walang mangyayari, di ba? Para sa akin, nagkabati na kami, yun lang ang importante, kaya huwag na sanang intrigahin yung pag-aayos namin ni Kris," pakiusap ni Ruffa.

Ayon pa sa TV host-actress, kilala niya ang pagiging tapat na tao ni Kris.

"Alam kong sincere siya," sabi ni Ruffa. "Si Kris, prangka 'yan. Pag hindi pa siya ready na batiin ka, hindi ka niya babatiin. Hindi niya kinakailangang makipagplastikan o makipagbolahan pa."

Aminado si Ruffa na para siyang nabunutan ng tinik sa pag-aayos nila ni Kris.

"Masayang-masaya ako na okay na kami ni Kris, as in nabunutan na ako ng tinik, wala na kaming problema. Kahit na magkita kami sa isang event tulad nito, she's very warm, friendly. Masarap yung pakiramdam na wala kang iniiwasang tao," saad ng Paparazzi host.

Sa hiwalay na interview kay Kris, sinabi niyang sobra siyang na-touch sa ipinakitang suporta ni Ruffa at ng ina nitong si Annabelle Rama sa 25th anniversary ng People Power. Masaya naman si Ruffa na nagkaayos na rin ang kanyang mommy at si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay na okay na sila Kris at Mommy, masayang-masaya ako. All's well that ends well," sambit niya.

Masaya ring ikinuwento ni Ruffa sa PEP na bukas na uli ang communication line nila ni Kris. Handa na rin daw siyang lumalim muli ang kanilang pagkakaibigan at makipagtrabaho ulit si Kris.

"Para sa akin, past is past, move on na," sabi niya. "Right now, nakakapag-text na uli kami. Ang kulang na lang ay magkasama uli kami sa isang show.

"Pero sinabi nga ni Kris sa Edsa na hindi malabong mangyari yun. Malay mo, puwede uli kaming mag-host sa isang show, kami nila Ai-Ai [delas Alas] and Kris. Maliit lang naman ang mundo ng showbiz, you'll never know."

MYSTERY DATE. May kasamang guwapong foreigner si Ruffa nang makita namin siya sa book launch ni Mark Nicdao. Pero nang tanungin namin ang aktres tungkol sa ka-date niya ay ayaw nitong magbigay ng anumang detalye.

Aniya, "Ayoko siyang pag-usapan. Hindi pa ako ready for a commitment. I'm enjoying meeting new people, pero hanggang doon lang muna. Para sa akin, trabaho muna at mga anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN