Bea Alonzo describes working with Vic Sotto as "very comfortable"

"Masarap 'yong feeling kasi parang ako 'yong bago doon sa group nila. Most of them magkakatrabaho na ng matagal na panahon. Pero pinapa-feel lang nila sa akin na welcome ako," says Bea Alonzo about working with Vic Sotto for the movie Pak! Pak! Holy Pak!.


Labis na nae-enjoy ngayon ni Bea Alonzo ang kanyang pakikipagtrabaho sa Prince of Comedy na si Vic Sotto.

Ang dalawa ay magsasama sa unang pagkakataon sa pelikulang may tentative title na Pak! Pak! Holy Pak!, na co-produced ng Star Cinema, M-Zet Films, at OctoArts Films.

"First time with Vic at first time kong magko-comedy at first time ko na magpa-family-oriented na movie, hindi drama," paglalarawan ng Kapamilya actress.

Bagamat naranasan na ni Bea ang magpatawa sa pagganap niya bilang Beatriz Tingson sa TV series na I Love Betty La Fea, hindi pa rin niya maiwasan ang kaba sa proyekto nila ni Vic.

"Siyempre una, parang mas kinakabahan pa ako. Kasi sa drama, siyempre 'yon na ang comfort zone ko na, e, kasi ilang beses na ako nakagawa. Ito, hindi pa. Pero I just go with the flow. Kung ano na lang ang hinihingi ng character ko, hinihingi ni Direk [Tony Reyes]," sabi ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bagamat mas identified si Bea Alonzo sa ABS-CBN, hindi naman daw ito naging problema sa grupo nina Vic, na mas madalas napapanood sa GMA-7 at TV5.

"Alam mo, kaya siguro nag-work din kasi hindi namin iniisip 'yon. Lahat kami professionals na dumarating doon, ibibigay sa amin ang trabaho and we do our jobs," kuwento ni Bea.

Dagdag pa niya, "Masarap 'yong feeling kasi parang ako 'yong bago doon sa group nila. Most of them magkakatrabaho na ng matagal na panahon. Pero pinapa-feel lang nila sa akin na welcome ako."

Bukod pa rito, hindi rin daw mabigat ang trabaho dahil halos lahat ay masayang kasama.

"Ang sarap kasi wala kaming ibang ginawa kung hindi magtawanan sa set. Parang pinanonood ko lang sila nila Jose [Manalo], natatawa na ako. Alam mo 'yon, parang ang gaan-gaan.

"Excited akong pumunta sa set lagi, mag-shooting. At kahit na-pack up ako minsan, parang ayaw ko pa umuwi. Enjoy na enjoy ako," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pak! Pak! Holy Pak! ay isa sa apat na pelikulang nakatakdang gawin ni Bea sa bago niyang kontrata sa Star Cinema. Ayon sa young actress, inaasahan nilang maipalabas ang pelikula pagkatapos ng Holy Week sa Abril.

WORKING WITH ROBIN PADILLA. Kung sa pelikula ay ang komedyanteng si Vic Sotto ang kasama ni Bea, sa kanyang susunod na teleserye, ang Guns and Roses, ang action star na si Robin Padilla naman ang kanyang makakatrabaho.

Sa mga unang araw ng taping na nakasalamuha ni Bea si Robin, masasabi ng aktres na naging kumportable na siya sa trabaho.

"Very comfortable. Hindi ko naman masabi, baka sabihin niya pa-close ako, we're very, very comfortable. Nabibiro ko siya, nabibiro niya ako," ani Bea.

Pinatunayan din niya ang mga sinasabi ng mga naging leading lady ni Robin tungkol sa kanya.

"I think sa lahat naman ng leading ladies niya, very gentleman siya," sabi ni Bea. "Talagang ngayon, napatunayan ko na totoo ang sinasabi ng mga past leading ladies niya na very gentleman ni Mr. Robin Padilla. Hindi ka talaga niya hahayaan na nakatayo lang, kailangan may chair ka."

Samantala, hindi naman tiyak si Bea nang tanungin siya ng media kung totoong nakabantay sa set nila ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez.

"Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam. Siguro kasi hindi ko pa talaga siya nakikita," sabi niya.

Wala rin daw pagkakataon na makausap ni Bea si Mariel dahil, "Alam mo, hindi pa kami nagkikita ulit. Ever since na ginawa ko itong Guns and Roses, hindi pa kami nagkikita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN