Jobert Sucaldito ready to face John "Sweet" Lapus in court: "Good luck, Lapus!"

"Basta ako, meron akong dare sa kasong ito: kung sino ang nagsisinungaling dito, dapat ay ibitin nang patiwarik o di kaya'y dapat mag-resign sa showbiz. I dare him," says Jobert Sucaldito (right) about his ongoing legal battle with John "Sweet" Lapus (left).


Apat na araw pagkatapos siyang sampahan ng libel case ni John "Sweet" Lapus, naghain din ng kanyang sariling libel case ang columnist at radio host na si Jobert Sucaldito laban sa TV host-comedian.

Kaninang umaga, March 11, inihain ni Jobert ang kanyang libel case kontra kay Sweet sa Quezon City Regional Trial Court. Sa naturang korte rin inihain ni Sweet ang kanyang demanda kay Jobert.

Upang marinig ang magkabilang-panig sa demandahang ito ay kinapanayam din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jobert pagkatapos naming makausap si Sweet. Nakausap namin si Jobert sa pamamagitan ng e-mail kagabi, March 10.


SWEET'S LIBEL CASE. Ano ang reaksiyon niya sa libel case na isinampa ni John laban sa kanya?

"It's everyone's right to file a case in court if he thinks his rights are violated. Okay lang ako. I will face him in court squarely," sagot ni Jobert.

Sinasabing kapag may namagitan sa dalawang kampo ay posibleng hindi matuloy ang paghain ng demanda. In John's case ay wala naman daw nag-mediate ng kaso nilang dalawa ni Jobert kung kaya't itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso.

Pero ayon kay Jobert, "Hindi naman kailangang merong mag-mediate on my part. Like any writer, kasama ito sa line of work natin. As of the moment, I don't think papayag ako for mediation. Lalabanan ko siya a tooth for a tooth.

"Hawak ko yata ang mga prime evidences and witnesses to prove my claim. Kailangang malaman ng mundo kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.

"My evidences [sic] will speak for the truth. Iyon ang paghandaan niya," tila pagbabanta pa nito.

Ang kasong libel ay isang criminal case na kapag napatunayang nagkasala ang defendant ay may kaparusahang pagkulong. Sa tagal na ni Jobert sa entertainment industry at sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya, hindi lamang libel, paano niya hinaharap ang isyung ito ngayon with Sweet?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My gosh, ngayon pa ba ako dapat makulong gayong hawak ko ang mga malilinaw na ebidensiya?" sagot niya. "The recorded audio kung saan ay namimilit siya ng lalaking ayaw sa kanya? Ang pambabastos niya kay Kiko sa audio na 'yon?

"Kung ikakukulong ko ang paglalahad ng katotohanan, handa akong magpakulong anytime. Nagpapatawa ba siya? Hindi man siya makulong dito, pero tiyak kong mapapahiya siya dahil my evidences [sic] will really put him in shame.

"Whenever I am into such controversies, I just keep calm and confront every detail. Kumbaga, hindi ako lumilihis sa issues involved. Kaya dito, laban kung laban hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng buhok ko."

COUNTERCLAIM. Mariin namang itinanggi ni Jobert ang sinabi ni Sweet na nakipag-cooperate na raw sa kanya ang dzMM na ibigay sa kampo nito ang audio files na nire-request nila, na magpapatunay na "sinisiraan" ni Jobert si John on air. Si Jobert ay may programa sa radio station ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

"It's not true na nakipag-cooperate ang dzMM sa kanya," sabi ni Jobert. "He's just making up stories para magalit ako sa dzMM. I stand by whatever I said in my program sa dzMM.

"Kung nai-tape niya ang aking comments sa program, congrats. I expected that dahil nagsalita lang ako sa dzMM nang banatan niya ako sa Showbiz Central the day before. Kaya pinaghandaan niyang i-tape definitely ang sasabihin ko dahil alam niyang may sasabihin ako.

"Bakit hindi niya pangalanan ang mga sinasabi niyang nakipag-cooperate sa kanyang mga taga-dzMM para mapatotohanan ang mga sinabi niya, di ba? Di niya ako kayang etchosin.

"Sa palagay mo ba, magagawa ng dzMM na suportahan siya, e, taga-kabilang istasyon siya? Kahit sabihin pang taga-Star Magic siya, hindi siya napapakinabangan ng ABS-CBN dahil ni singkong duling ay wala siyang binibigay na revenues sa istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He should not make dzMM people look stupid because they're not the way he thinks they are. Ilusyon niya lang iyan. Nagha-hallucinate siguro si starlet na Lapus!"

"WELL-APPLAUDED." Ayon kay Sweet, kahit na nagsampa na siya ng kaso, patuloy pa rin daw na naghahamon si Jobert. Sabi pa ni Sweet, "Well-applauded talaga ang katapangan ni Mr. Sucaldito."

Ano ang reaction ni Jobert dito?

"Of course, talagang well-applauded talaga ako and well-loved pa kamo dahil wala akong yabang sa katawan," sabi niya.

"Yes, talagang hinamon ko siyang ituloy ang pagsampa dahil dakdak siya nang dakdak na kakasuhan daw niya ako. Kasi nga, pag hindi niya itinuloy, mapapahiya siya sa mga tao.

"Ngayong itinuloy na niya, the more na mapapahiya siya dahil ilalabas ko ang lahat ng ebidensiya rito plus the two witnesses kong sina Kiko and Paul.

"Any comment, Lapus?" sambit pa ni Jobert.

Si "Kiko" raw ang lalaking binastos ni Sweet, samantalang si "Paul" naman ay barkada ni Kiko na umawat daw rito.

COUNTERSUIT. May napabalitang nagpaplano rin daw si Jobert na idedemanda niya si John bilang paglabag sa Republic Act 9262, o Violation Against Women and Children, dahil diumano sa "pagkakabanggit" nito sa anak ni Jobert nang magsalita si John sa Showbiz Central. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay John, "Tama na. Maawa ka sa pamilya mo, sa anak mo, di ba? Bubuksan ang Facebook, makikita may tatlong fan page na 'I Hate Jobert,' di ba? Malaki na yung anak mo, nagpe-Facebook na 'yan. Malalaman ng anak mo na ang taong bayan, galit sa iyo. So, tama na. Tigilan mo na Jobert, please lang!"

Paliwanag naman ni John, wala naman daw masama sa sinabi niya at "out of concern" lamang daw ang pagbanggit niya sa anak ni Jobert.

"Hindi ko kailangan ng concern niya," sabi naman ni Jobert. "Dapat maging concerned siya sa sarili niya dahil siya ang may problema pag nakainom siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Why don't you ask the stand-up comedians ng bawat sing-along bar na tinatambayan niya? Lahat sila ay all one in saying na talagang ganoon daw si Lapus pag nalalasing, nawawala sa sarili, maingay, mayabang, etc."

Dito na sinabi ni Jobert ang hakbang niyang sampahan din ng kasong libel si John.

"I am suing him for libel din and other cases to follow. He will be surprised by the cases I'm gonna file against him. Huwag lang siyang magmadali. Isa-isahin natin iyan.

"Akala niya, natatakot ako? Not because sanay ako sa libel. It's not that. Sino ba ang may gustong may kaso, pero I know how to fight my battles.

"Pag sa tama ako, I will make sure na mararamdaman mong nagkamali ka. Kung siya nga, may karapatang magdemanda, ako kaya wala? Ano 'to, one-way traffic?" sabi pa ni Jobert.

MARIAN & OTHER FRIENDS OF SWEET. Hindi rin nagustuhan ni John ang pagkakadamay ng kaibigan niyang si Marian Rivera, na nagpakita raw ng suporta kay Sweet. Nasulat diumano ni Jobert na "nakakaimpluwensiya" si Marian kay John.

Ayon pa rin kay John, sa separate interview ng PEP sa kanya, bagamat naa-appreciate niya ang support ng kanyang mga kaibigan, tulad ni Marian, kakayanin niya ang "laban" niyang ito at hindi niya kailangan ang tulong ni Marian.

Reaksiyon naman ni Jobert: "My gosh! Siya nga itong ipinamamaraling sinususugan daw siya ng mga friends niyang sina Marian Rivera, Candy Pangilinan, Wenn Deramas, Dra. Vicki Belo (he said that sa Showbiz Central at hindi ako ang nag-namedrop sa kanila).

"I was just reacting to what he said na kakampi raw niya ang mga ito because all of them had their share of not-so-good publicity daw sa akin dahil na rin sa kanilang mga di-kagandahang pinaggagawa in the past na naisulat ko as part of my job as an entertainment journalist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who is he to curtail me of my right to press freedom? Candy's manager Angeli Valenciano called me and denied John's claim na nangialam si Candy sa isyu naming dalawa. Wala raw kinalaman si Candy kung may gulo sa amin ni John.

"Kung totoong kinakampihan nga siya ni Marian Rivera, dapat matakot ako? Para namang hindi natin kilala ang kara ni Marian as far as her image is concerned. Who's name-dropping who?

"I didn't even know na best friends pala sila ni Marian. Puwede nga dahil nagsama sila sa isang pelikulang di kumita last MMFF. Nakakaawa tuloy ang producer ng movie; nadamay sa kamalasan nilang dalawa. Hahaha!

"Di raw niya kailangan ang tulong ni Marian, e, bakit niya nini-namedrop? Para magalit sa akin ang mga fans ni Marian? Kung gusto nila, magsama sila sa kaso at haharapin ko silang pareho, di ba?

"As if naman, matatakot ako pag in-involve ni Marian ang sarili niya sa gusot ni John? Ngayon, sasabihin niya na hindi niya kailangan si Marian? Kaplastikan to the highest level.

"Okay, ilabas natin si Marian. Huwag lang akong makarinig na nagkakampihan sila at magri-react talaga ako," dire-diretsong saad ni Jobert.

LABASAN NG BAHO. Nakarating din kay John na diumano'y may mga "baho" pa raw niya na ilalabas pa ni Jobert. Reaksiyon ni John, sa nakaraang apat na taon daw ay nailabas na ni Jobert ang lahat at pinalagpas niya ang mga isyung ito, gaano man kapersonal ang banat sa kanya.

Pero sa nasulat ni Jobert sa column nito tungkol sa insidenteng kinasangkutan diumano ni John, ito raw ang hindi kayang palagpasin ng Kapuso talent. Anong masasabi rito ni Jobert?

"When I said na meron akong ilababas na 'baho' ni John, ito yung mga ebidensiyang hawak ko na hindi pa narinig ng public against the issues hurled on him especially this pambabastos issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag narinig mo ang audio nito, kahit batang maliit ay makakapag-conclude na bastos talaga ang bibig ng isang John Lapus na ito," paliwanag niya.

(Binanggit ni Jobert sa kanyang e-mail ang isang excerpt sa recorded audio na nasa possession niya ngayon.)

"Kung ikaw ba ay isang lalaki at pagsabihan ka ng isang nakainom na John Lapus na hearing distance ng mga barkada mo, matutuwa ka ba?" patuloy ni Jobert.

"Kaya I don't discount that possibility na napikon talaga si Kiko at muntik na siyang hampasin ng bote. Mabuti nga lang daw at naawat ni Paul si Kiko dahil kung hindi, baka nadisgrasya siya.

"Ako pa nga ang concerned kung tutuusin sa kanya [Sweet] dahil kung hindi ko inilabas ang kuwentong ito, baka hindi niya nabago ang sarili niya. Baka sa susunod na engkuwentro niya, baka tuluyang may magbasag ng bungo niya, di ba?

"He should thank me pa nga for this para makaiwas siya sa gulong maaari niyang mapasok in the future. Pag hindi niya nabago ang ugali niyang ito, hindi ako magtataka kung may mangyaring masama sa kanya sa susunod na taong mababastos niya."

Ayon kay Sweet, naghihintay lang daw siya na ilabas ni Jobert ang mga sinasabi niyang lalaking tetestigo sa "eksena" na yun sa bar. Nakahanda rin daw siyang ipa-cover ito sa TV crew upang mapanood ng taong-bayan.

"Huwag niyang madaliing ilabas ko ang mga taong tetestigo sa akin," sagot naman dito ni Jobert. "May process 'yan sa korte. Wait lang siya at ready na ang mga itong magsalita to say their pieces [sic].

"Huwag niyang idaaan sa psy-war dahil kung tutuusin ay atat na sina Kiko and Paul na magsalita. Sa tamang forum lang 'kako, para safe sila from whatever cases this Lapus is planning to file against them."

WIRE TAPPING. Ano naman ang sagot ni Jobert sa sinabi ni Sweet na maaaring kasuhan ng perjury ang mga tetestigo sa kanya, o kaya'y ng Anti-Wire Tapping Act dahil sa pagre-record ng mga kaganapan sa loob ng bar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anong perjury ang pinagsasabi niya?" bulalas nito. "Siya ang dapat kasuhan ng perjury because he is lying under oath.

"The recorded audio and the testimonies of the men involved will speak for the truth. Nahihibang na ba siya? Anong alam niya sa batas, sige nga?

"At anong wire-tapping ang pinagsasabi niya? Marunong ba silang mag-research ng lawyer niya sa mga pinagsasabi nila? Baka gusto nilang turuan ko pa sila kung ano ang ibig sabihin ng wire-tapping na ito?

"Naganap ba ang pagtatalo nilang na-record sa isang private conference? Land-based ba ang teleponong ginamit at tinap? Celfone iyon, ineng!

"Hindi ba sila nakapag-aral para ma-determine kung alin ang wire-tapped at kung alin ang hindi? Kakasuhan niya raw ng wire-tapping ang sinumang nag-record. Hahaha!"

Ipinagdiinan ni Jobert na "nambastos" si John sa lalaking involved sa issue na nagngangalang "Kiko."

"Ano sa tingin ninyo, yung ginawa ba niyang pambabastos kay Kiko makes him legal? Masama pala ang mag-record ng isang malisyosong pambabastos, pero ang pambabastos per se ay dyina-justify ba niyang tama?

"How sad naman. Back to basic dapat si John—bumalik na muna kaya siya sa grade school!" muling pagtataray ni Jobert.

WILLIE REVILLAME. Sa Who's That Girl thanksgiving presscon, isang ABS-CBN TV crew ang nagtanong kay John kung hindi ba siya hihingi ng suporta mula kay Willie Revillame sa dahilang "nakaaway" rin ito ni Jobert, na "kaaway" ni Sweet ngayon.

Negative ang sagot ni Sweet, hindi niya raw kailangang humingi ng suporta kay Willie.

Tanong uli ng reporter, aabot kaya sa puntong susuporta si Sweet sa ibang mga taga-ABS-CBN na diumano'y mga "kagalit" din ni Jobert upang mapatalsik ito sa istasyon?

Negative muli ang sagot ni John. Aniya, wala siyang karapatang magpatanggal sa trabaho ng isang tao.

Ano ang reaksiyon ni Jobert dito?

"Ano 'to? Dinadamay si Willie Revillame na nananahimik sa gusot na pinasok niya? Nanghihingi ng simpatiya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang isyu rito ay ang pambabastos niya kay Kiko. Huwag siyang lumayo sa isyu. Huwag siyang mag-name-drop na naman. Kawawa naman ang taong ito, nawawala sa tama," sabi niya.

SUPPORT FROM AFIMA? May kumakalat na balitang humingi raw si Jobert ng suporta mula sa Alyansa ng mga Filipinong Mamahayag (AFIMA) kunsaan siya miyembro, ayon sa AFIMA President Benny Antiporda, upang suportahan sa labang ito. May statement daw kasi si John na lahat daw ng mga magsusulat ng negatibo laban sa kanya ay idedemanda rin nito.

Pero itinuwid ni John ang nasabing impormasyon. Paliwanag nito, "magsusulat ng mali at makaka-nega sa akin" ang gusto niyang tukuyin sa kanyang statement.

Sabi pa ni John, huwag daw dapat i-justify ni Jobert na ang pagsusulat ng mali na nakakasira sa isang tao ay tama—mga mali at negatibong bagay na makakasira sa kanyang image o personalidad o bilang tao. Halimbawa nito ang nasulat diumano ni Jobert, ayon pa rin kay John, na "Pag alcoholic, nagwawala sa bar. 'Pag nalalasing, at nangmo-molestiya ng lalaki, at hindi totoo!"

Paano ito sasagutin ni Jobert?

"Hindi ako humihingi ng suporta mula sa AFIMA," pagtanggi ni Jobert.

"Ang punto rito ay kay lakas ng loob ng isang starlet na katulad niya to say na New Year's resolution daw niya ang sampahan ng kaso ang kahit sinong reporter na magsusulat ng mali about him. Wait!

"Ilabas na natin ang pangalan ko sa ganitong isyu. His is a swooping statement against members of the media now.

"I-define niya muna ang ibig niyang sabihin ng salitang 'mali.' Pag ang isang sulat ba about him, kahit totoo pero hindi pabor sa kanya ay ibig sabihin ay 'mali' ito at sasampahan niya ang sinumang magsusulat nito?

"That's curtailing of our press freedom. It doesn't have to be AFIMA lang or the National Press Club—kahit PMPC or ENPRESS may just condemn him for swooping resolution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ito, threatening every writer? Kahit mga sikat na stars, from past to present, ay never nagsalita ng ganito. Kay lakas naman ng loob ng isang starlet like John Lapus to threaten members of the media. Who does he think he is?

"And what image is he talking about? Why, is he a good host? Magaling ba siyang mag-perform? Ngayon lang siya lumabas na komedyante dahil nakakatawa ang mga pinagsasabi niya.

"Sana ay ganoon din siya kagaling as a comedian/performer, pero hindi, e. Yung sinasabing 'pagwawala' niya sa The Library na iyon ay relative—hindi porke sinabing nagwala ka ay nagbasag ka na ng bote o naghuramentado.

"The fact na merong pagtatalo at nang-iinsulto ka na ng kapwa mo at nambabastos ka, na ayon na rin sa lengguwaheng ginagamit mo, that's already a type of pagwawala.

"Akala ko ba ay nakapagtapos ng pag-aaral si Lapus na ito? Ako nga, hindi nakapagtapos pero naiintindihan ang mga simple terms na ito... Bakit siya hindi? Kawawa naman."

AFIMA STATEMENT. Samantala, nakatanggap ang PEP ng official statement mula sa Pangulo ng AFIMA na si Benny Antiporda, sa pamamagitan pa rin ng email, tungkol sa isyung ito. Narito ang nilalaman nito:

"Hinggil sa pagsasampa ng kasong libel ni comedian and television host, John Lapus, laban kay AFIMA member, movie writer at radio host, Jobert Sucaldito.

"Pawiin ang galit at paghihiganti, hinahon at pag-unawa ang dapat pairalin."

"Ito ang simple at Kristiyanong mensahe na nais ipaabot ng Alyansa ng Filipinong Mamahayag (AFIMA) kay Mr. John Lapus (Jonathan Anthony Lapus sa tunay na buhay), isang sikat at kilalang television host, artista at komedyante.

"Sa ngayon ay pormal nang nagsampa ng kasong 'libel' si Mr. Lapus sa Quezon City Prosecutor's Office laban kay Jobert Sucaldito, isang movie writer, radio host at miyembro ng AFIMA.

"Bagaman hindi kailanman sasagkaan ng AFIMA at NPC ang karapatan ng sino man na magsampa ng anumang kaso bilang karapatang sibil at proteksyon sa ano mang klase ng paninira sa pagkatao, ang naging hakbang ni Mr. Lapus ay isang bagay na maari naman sanang daanin sa mas maayos na usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa pananaw ng AFIMA, malaki ang kinalaman ng 'naitanim' na galit at sama ng loob ni Mr. Lapus sa media sa pangkalahatan bunga ng kanyang malungkot na karanasan at ng kanyang pamilya matapos silang iwan ng kanilang nasirang ama, na isa rin dating mamamahayag, noong siya ay bata pa.

"Kung ganito nga—ang kanyang natanim na galit sa media—ang tunay niyang motibasyon sa ginagawa niyang pagsasampa ng kaso sa korte, hindi maiwasan ng AFIMA na magpahayag ng pagkabahala.

"Malinaw kasi na sa halip na gawing sandata laban sa pang-aabuso, ginagamit ang ating mga batas,partikular ang 'Libel Law' (Article 353, Revised Penal Code) hindi upang makakuha ng katarungan bagkus, upang gawin itong instrumento sa paghihiganti.

"Ang aming pangamba: Sino pa ang mga susunod na kakasuhan ni Mr. Lapus? At kailan at saan magtatapos ang sitwasyong ito?

"Ang aming panawagan kay Mr. Lapus: Panahon na marahil upang pawiin mo ang galit sa iyong isipan at damdamin.

"Ano man ang hindi magandang karanasan ng iyong pamilya sa kamay ng iyong ama, ito ay sinuklian na ng langit sa pamamagitan ng mga tagumpay na tinatamasa mo ngayon.

"Bilang isa sa mga tinitingala ngayon ng publiko, mas makabubuti marahil sa imahe ni Mr. Lapus at sa kanyang pagkatao na maipakita niyang marunong siyang magpakumbaba, magpatawad at patuloy na magpunyagi sa harap ng mga inaani niyang tagumpay."

WHAT'S NEXT? Sa takbo ng mga pangyayaring ito, ano ang next move o plano ni Jobert?

"As of now, tuloy lang ang buhay... Tuloy ang laban," sagot niya.

"Ipamumukha ko lang sa kanya na mali ang ginawa niya. Hindi lang ang pagsampa ng kaso laban sa akin, pero ang hindi pagbigay ng respeto sa kapwa niya like what he did to Kiko.

"Ako ay merong patakaran sa buhay, a certain advocacy sa sarili ko: 'Hindi ko kailangang respetuhin ako. I will never demand respect from anyone, pero hinding-hindi ako makakapayag na bastusin mo ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I guess, Kiko shares the same advocacy too in life. Baka iba ang patakaran ni Lapus sa kanyang buhay, wala na tayong magagawa. Magkakaiba lang talaga tayo ng personalidad."

Nakahanda ba siyang humarap sa korte sakaling matanggap na niya ang subpoena sa nasabing asunto?

"Of course, I am very much ready," sagot niya. "Kahit nga sa buwan siya nagsampa, darating ako.

"I will just fight my battle well by telling the truth. Tingnan na lang natin kung sino ang lalabas na nagsasabi ng totoo rito in the end and kung sino ang nagsisinungaling.

"Basta ako, meron akong dare sa kasong ito: kung sino ang nagsisinungaling dito, dapat ay ibitin nang patiwarik o di kaya'y dapat mag-resign sa showbiz. I dare him.

"Pero dapat panindigan ito para masabi natin kung sino ang tunay na may kredibilidad, di ba?" paghahamon ni Jobert.

Sinu-sino ang mga kaibigan niyang sumusuporta sa "laban" niyang ito, at papaano niya pinaghahandaan ang kanyang mga "bala" pa laban kay John sa mga susunod na araw?

"Hindi lang ang mga personal friends ko ang sumusuporta sa akin dito. I may say na napakaraming mga tao, not just in showbiz, ang naniniwala sa sinasabi ko rito. I don't have to name names tulad ng ginagawa niya.

"Basta ako, for as long as hawak ko ang truth, hindi ako kailanman natatakot kahit kanino.

"Let's wait for the right time para maglabasan isa-isa ang mga reklamo laban sa kanya ng mga testigo nating ihaharap sa korte.

"Tingnan nga natin. Good luck, Lapus!" pagtatapos ni Jobert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN