Sid Lucero clarifies photo scandal; says he gave French actress Isabelle Huppert a lap dance during shooting of the movie, Prey

Nilinaw ni Sid Lucero na katuwaan lang ang ginawa niyang lap dance kay Isabelle Huppert. Wala raw itong halong malisya at wala silang relasyon ng French actress.

"She's my co-actress. It's just to break the ice kasi she's always alone or with the producers. Tapos sabi ko kay Direk [Brillante Mendoza], 'I'm gonna give her a lap dance.' Sabi ni Direk, 'Oo ba.' Then they played a song and I started dancing," kuwento ni Sid.


Ikinagulat ni Sid Lucero ang tanong ng press people tungkol sa kumakalat na umano'y litrato na may kalandian daw siyang babae.

Lumabas kasi sa isang tabloid ang pictures niya na diumano'y nag-i-striptease sa harap ng isang babae sa loob ng isang bar habang nanonood naman ang ibang tao.

"Ako? Ano? Hindi ko alam. What photo scandal?" gulat na gulat na sabi ni Sid.

Na-interview si Sid ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa grand launch niya bilang bagong endorser ng Great Taste coffee na ginanap noong March 10 sa Bar One sa Holiday Inn sa Ortigas Avenue.

Biglang naisip ni Sid na baka ang tinutukoy ng press ay ang ginawa niyang lap dance kay Isabelle Huppert, ang multi-awarded French actress na co-star niya sa Brillante Mendoza film na Prey tungkol sa pangingidnap ng mga Abu Sayyaf. Gumaganap na Abu Sayyaf si Sid sa pelikula habang si Isabelle naman ang isa sa kanilang kidnap victims.

"I know in the shoot I gave Isabelle a lap dance. Maybe that's it. Siguro, I'm not sure," natatawang sabi niya.

Does he really get "wild?"

"I'm always wild," biro pa niya.

Nilinaw naman ni Sid na katuwaan lang ang ginawa niyang lap dance kay Isabelle. Wala raw itong halong malisya at wala silang relasyon ng foreign actress.

"She's my co-actress. It's just to break the ice kasi she's always alone or with the producers. Tapos sabi ko kay Direk [Brillante Mendoza], 'I'm gonna give her a lap dance.' Sabi ni Direk, 'Oo ba.' Then they played a song and I started dancing," kuwento ni Sid.

Nagkaroon ba sila ng party kaya nangyari ito?

"It's one of the nights sa shooting."

Ano naman ang naging reaksyon ni Isabelle?

"She was like this... and then after a while she was smiling. Cute naman siya. Kaso nga lang lumabas na yung tunay niyang color after the project, nung last day na. She's really an awesome person talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta namang katrabaho ang isang multi-awarded international actress?

"Very briefly lang but I was given the chance to do one particular scene with her. It was very short but memorable for me. She gave me a pat on the back and she said something really nice. Ang sarap ng feeling. Siyempre, coming from an actress of that caliber, compliment siya talaga," ani Sid.

"Very good" and "fantastic" daw ang mga papuring binigay ni Isabelle sa kanya.

FIRST PRODUCT ENDORSEMENT. Sa kabila ng pang-iintriga kay Sid, nananatili siyang masaya dahil nga sa kauna-unahang niyang product endorsement, ang Great Taste coffee. Hindi nga niya inakala na malaking project pala ito, akala kasi niya ay gagawa lang siya ng TV commercial. Pero nalaman nga niya ang malaking plano ng Great Taste sa kanya in terms of promotional campaign.

Kumusta naman ang pag-shoot niya ng commercial?

"Wow, the two days were amazing. First day pa lang, I really had too much coffee. But it helps me get going. I had just come from another set, so kulang ako sa tulog. That's when I truly appreciate coffee. It really helps me."

MORE BLESSINGS FOR HIS BIRTHDAY. Bukod sa kanyang first endorsement, sunud-sunod nga ang blessings na dumarating kay Sid ngayong first quarter pa lang ng 2011. Magandang regalo nga raw ito para sa birthday niya ngayong March 12.

Kabilang na nga rito ang double-nomination na natanggap niya mula sa Golden Screen Awards ng ENPRESS (Entertainment Press Society) - Best Actor para sa pelikulang Muli at Best Supporting Actor para naman sa Rosario. Hindi ito ang unang double-nomination para kay Sid dahil nauna na siyang na-nominate na Best Actor sa Selda at Best Supporting Actor sa Tambolista sa Star Awards for Movies ng PMPC noong 2008.

Ano ang pakiramdam niya sa panibagong double-nomination na natanggap niya?

"Syempre masayang-masaya. Sino ba naman ang hindi magiging masaya, di ba? To be ackowledged sa dalawang categories, big achievement na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-e-expect ba siyang manalo?

"I'm really not expecting, but of course gusto kong manalo. Masarap isipin na manalo ka kahit isa and it would be even great kung yung dalawa ang makuha mo, di ba? Kung hindi naman palarin, I'm still thankful for the double-nomination."

Bago ito ilang acting awards na rin ang naiuwi ni Sid, kabilang na rito ang Best Actor awards na nakuha niya para sa Selda sa 2008 Thessaloniki International Film Festival sa Greece at sa 31st Gawad Urian. Pinarangalan naman siya ng Best Breakthrough Performance by an Actor para sa Donsol sa Golden Screen Awards noong 2006.

Balik-Kapuso rin si Sid matapos ang matagal-tagal din niyang pananatili sa Kapamilya Network. Isa siya sa magiging leading men ni Marian Rivera sa malapit nang mapanood na epicserye ng GMA-7, ang Amaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN