Karel Marquez splits with husband Arman de Guzman; relationship reportedly started to crumble when she returned to showbiz

May chance pa bang magbalikan si Karel Marquez at ang asawa niya?

"Not now. Hindi ko naman kinu-close ang door... Pero definitely, hindi ngayon. May inaayos pa ako sa sarili ko at ganoon din siya. Alam niya yun. Ayaw ko nang sabihin kung ano ang dapat ayusin sa kanya," she says.


Naramdaman agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may problema si Karel Marquez sa kanyang asawa, ang dating actor/commercial model na si Arman de Guzman (Arman Go sa tunay na buhay) sa open forum ng presscon para sa mga bagong alaga ni Annabelle Rama na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Ngiti lang kasi ang sinagot niya nang tanungin kung suportado ng husband niya ang kanyang pagka-comeback sa showbiz.

"Kung sabihin ko na 'Oh, yes my husband is very supportive.' Alangan namang yun ang sabihin ko. Ayaw kong mag-lie," pagtatapat niya at pag-amin na kahihiwalay lang niya sa asawa.

Kasama noon si Karel sa cast ng telefantasyang Zaido: Pulis Pangkalawakan sa GMA-7 nang bigla niyang iwan ang showbiz. Itinanggi niya na buntis na siya that time. Talaga lang daw na na-in love siya. Nine months pa raw bago siya nabuntis.

"Hindi ko naman ni-regret yun kasi minahal ko naman yung tao. Pero sobrang blessed pa rin ako sa nangyari. Nandiyan ang manager ko na si Tita Annabelle at may regular show," aniya.

Nilinaw rin ni Karel na walang third party involved at hindi sila nag-fall out of love ng mag-asawa dahil sobrang mahal nila ang isa't isa.

Nagsimula lang daw ang mga problema at naging magkaiba na ang kanilang priorities sa buhay nang magbalik showbiz siya.

Nung una ay may blessing siya ng asawa dahil alam nitong nasa showbiz ang puso niya, pero kinalaunan ay hindi na nito maintindihan ang kanyang trabaho.

THOSE LATE NIGHTS. Lumala ang sitwasyon nung magteleserye na si Karel at inuumaga siya ng uwi mula sa taping ng Babaeng Hampaslupa sa TV5.

"Hindi lang siguro siya sanay. Pero ang kapal naman ng mukha ko na huminto at ibitin ang show. Ito ang gusto kong gawin ngayon. Iniisip ko na nagtatrabaho ako hindi lang dahil gusto ko, kundi para rin sa mga anak ko," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binubugbog ba siya ng mister niya?

"Ayokong siraan siya, kasi siya yung father ng mga anak ko," pag-iwas ni Karel sa pagsagot.

"At saka alam ko, mahal niya ako. Alam ko, mahal ko rin siya. Pero hindi na kami nagsasama ngayon," aniya. Mahigit na isang linggo pa lang siyang umalis sa bahay nila.

"Super bago lang talaga. Wala pang dalawang linggo na hindi na kami magkasama. Ako yung umalis kasama ang mga anak ko. Mahirap pa talaga for me. Iyak lang ako ng iyak."

TECHNICALLY, SHE'S SINGLE. May chance pa ba silang magkabalikan?

"Not now. Hindi ko naman kinu-close ang door... Pero definitely, hindi ngayon. May inaayos pa ako sa sarili ko at ganoon din siya. Alam niya yun. Ayaw ko nang sabihin kung ano ang dapat ayusin sa kanya," mabilis niyang sagot.

Nilinaw rin ni Karel na walang papers ang kasal nila dito sa Pilipinas. Ritual din daw ang naganap na kasal nila sa isang beach sa Australia. Technically, single siya dito.

"Yes. Hindi naman blessings, no? Pero it's time to focus sa mga kids. It's time to work. Yun lang ang priority ko ngayon. Walang iba," deklara niya.

So pareho sila ngayon ni Ruffa Gutierrez na nagwo-work at may dalawang anak pero hiwalay sa asawa?

"Basta, pareho kami ng experience. Basta ang bottomline, ayaw ko nang magsabi ng details," aniya.

May communication pa ba sila? Sinusuyo ba siyang bumalik ulit?

NEW NUMBER. "Wala pa. Since na umalis ako, hindi pa kami nag-uusap. Pinalitan ko rin yung phone number ko. Although, may contact siya sa nanay ko, sa daddy ko, sa driver ko, sa P.A. ko. Sa akin lang wala. Pinahakot niya sa driver ko ang mga gamit ko pati na yung gamit ng mga anak ko.

"Nag-text din siya sa driver ko na kung ano ang mga kailangan naming mag-iina, pakisabi na lang daw. In fairness, natanggap din niya. Nagulat nga rin ako, e! Kasi ma-pride kami sa isa't isa, e! Na-realize din niya siguro kung ano yung mga pagkukulang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, birthday ng anak ko sa Monday, so pinapatanong ko... kasi gusto niyang makita ang mga anak niya three times a week kaya pinasabi ko na once a week muna kasi busy rin ako. Suwerte nga niya... kasi yung kasal [na couples] twice a month, ako nga, binibigyan ko siya ng once a week.

"Pag nagkita sila, nandun lang ako sa area pero malayong-malayo sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi muna kami magkikita kasi hindi pa ako handa, e. Ayaw ko ring mag-away lang kami," saad pa niya.

Basta ngayon, paninindigan daw niya ang pagiging "young Mama," tatayo sa sariling paa at magtatrabaho para sa kanyang mga anak. Ready rin siyang i-repackage bilang isang "hot Mama."

"Why not? Kagaya ni Jennylyn [Mercado]. Bakit si Jennylyn, nanganak pero mukha pa ring dalaga," bulalas pa niya.

"Willing ulit akong mag-pose sa FHM. Pero may limitation na ako. Hindi na yung super bikini," pahayag pa ni Karel.

Paano kung may manligaw ngayon sa kanya?

"Marami na ngang may alam... Joke! Hindi naman sa anti-lalaki ako pero parang ayaw ko. Sobrang takot pa ako. Sobrang trauma. Ayoko talaga. Walang time. Period. Trabaho lang. Work, work at mga anak ko," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN