Jennylyn Mercado after her tonsil surgery: She speaks and will attempt to sing next week

Jennylyn Mercado is recuperating after her tonsillectomy on February 25. "Full recovery is mga one month. Masama yung masyadong madaldal. Hindi pa puwedeng kumanta. Hopefully, next week, next Sunday [sa Party Pilipinas], hopefully ha? But I still can't say, kasi parang ano pa e, hindi ko pa kayang... hindi ko pa nata-try kumanta, kung ano yung feeling," she says.


Nagpapagaling na ang actress-singer na si Jennylyn Mercado mula sa operasyon sa kanyang tonsils.

Bagamat kailangang ipahinga ang kanyang lalamunan, noong Biyernes, habang kinukunan ang tahanan nito ng Celebrity Living magazine ay nagpaunlak si Jennylyn sa Startalk TX ng isang quick interview.

"Parati yung cause ng mga sakit ko is from my tonsils... namamaga, magkakaroon ng infection, lalagnatin ako, magkakasakit ako, so might as well tanggalin na lang para wala ng cause nung sakit," pahayag ni Jennylyn.

Ang tanong ngayon ng lahat: Makakaapekto ba sa kanyang pagkanta ang operasyon?

"Natakot ako kasi yung operation itself is, siyempre, yung tube matatamaan yung vocal chords ko.

"Iningatan, talagang kumuha ako ng magaling na anaesthesiologist para talagang hindi sumabit. Kasi, once na sumabit, puwede akong mamalat, mawalan ng boses.

"Full recovery is mga one month. Masama yung masyadong madaldal. Hindi pa puwedeng kumanta. Hopefully, next week, next Sunday [sa Party Pilipinas], hopefully ha? But I still can't say, kasi parang ano pa e, hindi ko pa kayang... hindi ko pa nata-try kumanta, kung ano yung feeling.

"Kasi ngayon nagsasalita ako, masakit pero pag kumanta ako, hindi ko alam."

Ngayong naresolba na ang problema sa kanyang lalamunan, ang sakit naman sa puso ng aktres ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.

"Meron akong maintenance, twice, sa morning and before sleeping, tini-take ko yung pills para pampa-relax, pampa-calm. So iyon yung pampa-regular ng heartbeat ko, ng heart rate ko."

Ngayong nakabawi na ng lakas, handa na rin ba niyang harapin ang perjury case na isinampa sa kanya kamakailan ng dating personal assistant na si Mel Pulmano?

"Well hindi na muna ako... wala ako sa posisyon para magsalita. Siguro consult na lang my attorney."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN