Christopher Roxas and Gladys Reyes work hard to keep their marriage strong

Although Christopher Roxas (left) and Gladys Reyes (right) got married at a young age, they are thought to have one of the strongest marriages in showbiz. Christopher is in the cast of the teleserye, Nasaan Ka Elisa? while Gladys is an MTRCB board member.


Despite marrying young, isa sa matatag at matibay na pagsasama sa showbiz ang partnership nila Christopher Roxas at Gladys Reyes.

Nagkakilala sila sa seryeng Mara Clara at naging mag-boyfriend sa loob ng matagal na panahon bago nagdesisyong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Ngayon ay kuntento at masaya pa rin ang pagsasamang Christopher at Gladys.

Sa nakaraang presscon ng Nasaan Ka Elisa? sa Trellis, ABS-CBN, aminado ang aktor na may mga tukso sa kanyang mga pinagdaanan, pero dinaig ito ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

"Since we got married, hindi talaga, pero never ako magiging ipokrito para sabihin na nung kami pa ang mag-boyfriend, never akong tumingin sa iba. Malandi lang ako pero di ako tumutuloy. Naiisip ko kasi, 'Bakit ko ipagpapalit ang habang buhay na saya sa kapirasong laman lang?'

"Nagtrabaho pa ako sa Japan, di maiiwasan na may mga lumalapit na babae pero ang iniisip ko na lang ay yung family namin, yung mukha ng mga anak ko."

Aminado si Christopher na oras ang isa sa napag-awayan nila ni Gladys — pareho silang naging abala sa kani-kanilang mga trabaho.

"Dumating kami sa time noon na puro trabaho. Ako nasa ibang bansa, siya dito, may mga taping. Nag-usap kami after 'Ondoy,' sabi namin, 'Di worth it ito. Kumikita nga kami ng pera sa labas pero magkahiwalay naman kami. Pag nagpatuloy ito, mawawala ang lahat.'

"Mas mabuti pang ganito na lang kami, every Saturday and Sunday, hangga't maaari, walang trabaho. Pokus kami sa mga bata, palitan kami, kahit puyat kami."

Isa si Gladys sa nahalal na bagong board member ng MTRCB. Masaya ang aktor sa achievements ng asawa.

"We're good, we're happy. Nakakatuwa nga, kasi MTRCB board member siya. Siyempre proud ako sa asawa ko. Kahit naman before pa, never akong na-insecure kung anong mayroon siya, kasi yun ang linya niya, mahal niya ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako, natutuwa ako. Ang importante lang, pag-uwi sa bahay, ako ang nakapantalon at hindi siya," aniya.

Diniscribe din ni Chrsitopher kung gaano kabuting ina at asawa si Gladys.

"Super mom siya. Nag-try siyang ipagluto ako, hindi man masarap minsan pero nagta-try siya at na-a-appreciate ko yun. Sa mga bata hands-on siya, sa ngayon bini-breast feed niya yung bunso, I can say na masuwerte ako kay Gladys."

Isa si Christopher sa cast ng Nasaan Ka Elisa? na ipapalabas ngayong March 21 sa Kapamilya Network. Gagampanan niya ang papel ng asawa ni Mickey Ferriols. Nagpahayag ng excitement at kaunting pressure ang aktor dahil mahuhusay ang mga kasama niya dito.

"Ako si Joey, mag-asawa kami ni Mickey, a good family man, pero may tinatagong sikreto. Isa kami sa suspects sa pagkawala ni Elisa.

"Honestly ang saya-saya ko kasi nakakuha ako ng magandang role tapos ang gagaling ng mga kasama ko like sila Tita Agot [Isidro], Vina [Morales], Mickey, Albert [Martinez], sila Melissa [Ricks]," ang sabi niya.

"Medyo nakakakaba talaga pag naiisip ko ang mga makakasama ko, pero sa akin act natural lang. Saka kailangan maghanda talaga ako kasi pag hindi, lalamunin ka nila sa husay nila, di puwedeng pa-easy-easy ka lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN