Joseph The Artist says he did not expect to win as Ultimate Talentado

"Hindi ko po talaga inaasahan kasi sobrang ang gagaling nila talaga, e, yung mga kalaban ko. Ginawa din nila lahat," says Joseph The Artist about winning the Talentadong Pinoy Battle of the Champions.


Si Joseph The Artist (Joseph Erwin Valerio) ang itinanghal na Ultimate Talentadong Pinoy sa Talentadong Pinoy Battle of the Champions na ginanap kagabi, March 13, sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinalo ni Joseph ang kapwa niya finalists at Hall of Famers na sina Beatbox Gor, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction, RR Friends, at ang wildcard na Belindas Adora's Stepkids. (CLICK HERE to read related story.)

Napanalunan ni Joseph and one million pesos cash prize (tax free), isang brand new Chevy car, four-year college scholarship, at ang pagkakataong makapunta sa Hollywood para makipag-compete sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA).

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joseph pagkatapos ng finals, hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kanya ang pagkapanalo niya dahil hindi raw niya inaasahang ang pangalan niya ang tatawagin bilang Ultimate Talentado.

"Yung reaksiyon ko, hindi ko ini-expect, e. Kasi sobrang simple lang talaga no'ng ginawa ko. Hindi talaga ako nag-e-expect na mananalo.

"Siguro dahil bago ako dumating dito, lagi akong nagpi-pray kay God na sana kung ibibigay Niya sa akin ito, malaki ang pasasalamat ko. Kung hindi naman, salamat din," saad ng sand artist.

Pero sa malakas na hiyawan pa lang ng mga tao sa loob ng Ynares Center, alam na ng lahat na may laban si Joseph.

"Hindi ko po talaga inaasahan kasi sobrang ang gagaling nila talaga, e, yung mga kalaban ko. Ginawa din nila lahat. Magkakasama kami kaya alam na alam ko na pinag-ensayuhin nila," pahayag niya.

Sino ba ang inaasahan niyang manalo kung hindi pangalan niya ang tinawag?

"Yung Belinda Stepkids," mabilis na sagot ni Joseph.

Ano ang plano niyang gawin sa napanalunan niyang one million pesos?

"Siguro isi-save ko muna sa bangko para sa kinabukasan ng anak ko. May anak na ako, four kids na. Twenty-nine [years old] na ako ngayon," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Joseph sa PEP na isa sa kanyang mga anak ay may talent din sa pagdu-drawing. Katunayan, isinasali na rin niya ito sa mga contest. Proud si Joseph na sabihing hinuhubog niya ang kanyang anak para maging gaya niyang artist.

Ano naman ang unang-unang gagawin niya pagkatapos niyang manalo ng malaking pera at sasakyan?

"Siguro magba-bonding muna kaming family. Yun ang mahalaga, e, sila ang inspirasyon ko," sabi ni Joseph.

SAND ARTIST. Wala raw formal training o hindi nag-aral ng pagdu-drawing si Joseph.

"Since maliit pa ako, hilig ko na talaga ang magpinta, mag-drawing," sabi niya. "Yung mga teacher ko, isinasali ako sa mga kontes, inilalaban na nila ako."

Hindi inaangkin ni Joseph na siya lang ang sand artist sa buong mundo dahil meron rin daw ganito sa Amerika.

"Kaya yung video shoot sa akin, sinabi ko na kung kaya ng ibang bansa, bakit hindi natin kaya? Kaya din natin."

Wala ba siyang balak na gawing hanapbuhay ang pagsa-sand artist niya?

"Actually, ang gusto ko talaga, magturo sa mga bata. Unang-una, nakakalibang siya. Once na matutunan mo ang art na ito, parang ayaw mo nang umalis. Talagang mawiwili ka," sabi niya.

Bago siya sumali sa Talentadong Pinoy ay nagsu-show na rin si Joseph.

"Nagsu-show na rin po ako sa mga student, yung may aral po. Pag field trip, nagsu-show ako, tapos nanonood sila.

"Buhangin na po talaga ang ginagamit ko. Pero yung ginagamit ko dati na buhangin, galing lang doon. Maraming nagsabi sa akin na baka magkasakit ako. Natuklasan ko na may buhangin na mas maganda pa, yung white sand po sa Boracay," kuwento niya.

Isa raw sa pinaghuhugutan ng talent at galing ni Joseph sa pagdu-drawing sa buhangin ay ang bagyong Ondoy na sumalanta sa ating bansa noong 2009.

"Inspirasyon ko po 'yan. No'ng time na tinamaan tayo ng matinding unos ng bagyo, hindi ko akalain na yung putik pala puwede palang maging sining. Ginawan ko ng way na kung paano gamiting talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa rin kami sa nasalanta ng bagyo, e. Tiga-BiƱan, Laguna po ako," banggit niya.

Wala raw nagtuturo kay Joseph kung anong subject ang dapat niyang iguhit. Sabi niya, mas gusto niyang nag-iisip ng kanyang subject pag nag-iisa siya para makapag-concentrate siya.

Maliban sa buhangin, nagdu-drawing din daw siya ng portrait gamit ang pastel at gumagawa rin daw siya ng oil painting.

JOSEPH GOES TO HOLLYWOOD. Isa sa magiging premyo ni Joseph ay ang pagiging kinatawan niya ng Pilipinas sa WCOPA this year na gaganapin sa Hollywood. Ano ang magiging preparasyon niya para sa competition?

"Eto, mas matindi yung gagawin ko kumpara sa ginawa ko dito ngayon. Talagang paghahandaan ko itong mabuti. Kasi ibang usapan na ito, ibang bansa na. So, ang hawak ko dito ay karangalan ng Pilipinas," sabi niya.

Wala pang maibigay na detalye si Joseph kung kailan ang laban niya sa WCOPA dahil hindi pa raw ito dini-discuss sa kanya.

ARNEL PINEDA LOOKALIKE. Napangiti naman si Joseph nang mapansin naming may hawig siya sa international vocalist ng bandang Journey na si Arnel Pineda.

"Wow!" mabilis niyang reaksiyon. "Dati rin po bokalista ako ng banda. Banda lang amin yun na katuwaan lang. Kasi no'ng binata ako, yun ang pinaglilibangan ko."

Bakit hindi niya pagsabayin ang pagkanta at ang pagdu-drawing sa buhangin?

"Mahirap po kasi, e. Medyo mahirap na pagsabayin siya kasi mawawala ka sa focus," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN