Regine Velasquez on having a baby with hubby Ogie Alcasid: "We're doing it!"

"If it's gonna happen, if God's willing, He'll give us a child, it would be wonderful. Kung hindi, e, di okay lang din. We should be happy, just the two of us. Kasi, mahirap yung nakadepende ang happiness mo sa pagkakaroon ng anak," says Regine Velasquez-Alcasid about having a baby.


Kagagaling lang sa sakit ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kaya ilang araw rin siyang hindi nakapag-taping ng kanyang pinagbibidahang primetime series sa GMA-7 na I ♥ You Pare.

Ang biglang pagtaba ng kanyang mukha dahil sa steroid ang una raw naging effect ng pagkakasakit ni Regine. Sinabi niya ito nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng I You Pare sa The Block SM North Edsa noong Biyernes, March 11.

"Magaling na ako ngayon, pero ang taba ko. Ang laki ng mukha ko dahil sa steroid, nasa mukha kong lahat.

"Three days din ako sa hospital at kung ano-anong drugs ang ibinigay sa akin. So, I'm on drugs!" biro ni Regine.

Matatandaang na-confine si Regine dahil sa sakit na bronchitis. One week siyang pinagpahinga at hindi siya pinayagang magtrabaho. (CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Regine, "Yung sakit ko na yun, I got that before ako ma-hospitalize. Before I got married, I had this coughing... Ang dami namang nagkakaganun, pero taken for granted. Kasi parang feeling mo, ubo lang naman, weh!

"E, ako, tamad na tamad akong magpa-check-up. Tapos, hanggang ang tagal ko na palang may ubo, three months na!

"Minsan mawawala. Kapag nakapahinga ka, mawawala for a while. Tapos biglang, 'O, bakit may ubo na naman ako?'

"Tapos, hirap na akong kumanta, nawala na ang boses ko. Kasi pala, sobrang barado na yung mga pipes ko, lungs ko."

IDENTITY CRISIS. Sa I You Pare, mula sa pagiging tunay na babae ay ginawang bading si Regine bilang si Tonette. Ngayon naman, pilit siyang ginagawang tunay na lalaki ng leading man niya rito na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Regine, nakakapagod daw ang ginagawa niya.

"First of all, to play a character is already tiring. Di ba, to act like somebody else, it's already tiring because it's not you?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, this one, I'm pretending to be Tonya, who's not you, and then, pretending to be gay. And now, you're pretending to be a boy.

"Right now kasi, yung characterization, hindi na ako nako-confuse. Ang importante kasi sa akin was to create the main character, which is the Tonya character.

"Kapag alam ko na yun, alam ko na kung ano siya, kaya ko nang laruin. Kasi, nagpapanggap na lang naman yung dalawa, especially kapag nanggagaling ako sa bakla na naiuuwi ko pa. Minsan nga, nagpa-Party Pilipinas na ako, bakla pa rin ako, e!" natatawa niyang sabi.

Kumusta naman si Dingdong? Naiilang pa rin ba itong batuk-batukan siya?

"A, hindi, sanay na siya ngayon!" tawa ulit ni Regine. "Pero minsan, sinasabi niya sa akin, 'Ate, gaganituhin kita.'"

NO DRAMA QUEEN. Aminado naman si Regine na hindi niya "keri" ang straight drama.

"Hindi ako pang-drama, 'teh!" sabi niya. "Comedy lang ako. Sasakit ang ulo ko. It's really not my thing.

"Unless siguro sobrang ibang-iba ang character. Yung before, light-light lang naman yun, hindi talaga straight drama. Mas gusto ko yung main body, comedy, tapos nilalagyan lang nila ng drama.

"Kapag sinabi mo kaagad sa akin na drama, tatanggihan ko na agad yun. Nagpi-freak out na ako agad sa idea na drama.

"Kasi kapag comedy at may konting drama... Actually, kapag sinabi nilang comedy, alam ko naman na may drama yun. Siguro psychologically na rin na after ng drama, babalik ako sa nakakatawa.

"Pero kapag drama ang sinabi mo, mangangati lang akong magpatawa. Besides, marami na tayong mga dramatic actress."

CELEBRITY UKAY-UKAY. Busy ngayon ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid sa kanilang "Ogie and Regine Celebrity Ukay-Ukay." Ibebenta raw nila rito ang mga memorabilia at damit ng mga artista, although hindi pa masabi ni Regine kung sinu-sino ang mga artistang magpa-participate.

"May mga nag-commit naman na, pero siyempre, ayaw naman naming anuhin pa. We'll have another dinner pa kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Dingdong, he said he's gonna give something, but he [hasn't] said kung ano. Yung mga babae, mostly siguro gowns," banggit ni Regine.

Ang mapagbebentahan daw nito ay mapupunta sa Kapuso Foundation.

"Ito yung nagpapagawa sila ng school, nire-repair nila yung mga schools na nasalanta ng bagyo. But then, they realized na marami palang school na hindi nasalanta, pero kulang-kulang sa room. So, yun ang gagawin nila.

"It's going to be a yearly thing now. Miss Mel [Tiangco] asked me and my husband to spearhead," sabi niya.

HAVING A BABY. Nang mapunta naman ang usapan sa pagkakaroon ng baby, ayon kay Regine, hindi pa naman daw talaga nila kina-career ni Ogie ang bagay na ito.

"Ang ano namin, kung magkakaroon, magkakaroon," sambit niya. "Right now kasi, ang ano namin, huwag muna. Kasi, mahirap if I'll get pregnant na. Siyempre, ang hirap na nakabitin yung mga trabaho.

"Basta ang ano namin ng asawa ko, I'll finish everything first kasi naoohan ko na 'to. But you know, I don't want to be pressured by it anymore. It's our priority, pero ayaw namin to be pressured.

"If it's gonna happen, if God's willing, He'll give us a child, it would be wonderful. Kung hindi, e, di okay lang din. We should be happy, just the two of us. Kasi, mahirap yung nakadepende ang happiness mo sa pagkakaroon ng anak."

Naisip din ba nilang mag-adopt?

"Right now, that's not on our plan," sagot ni Regine.

"Kumbaga, we're still on the thought na magkaka-baby kami. As a matter of fact, we're doing it!" natatawa niyang sabi.

"Parte naman yun. Basta ako lang, I wanna have more time with him [Ogie]. Since we're both busy, sa gabi lang kaming nagkikita. Pero okay rin kasi nami-miss namin ang isa't isa."

HOLY WEEK IN AUSTRALIA. Ngayong April, sa Australia raw sila mag-i-spend ng Holy Week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-promise kami sa mga bagets [Ogie's daughter to Michelle Van Eimeren]. Okay naman yun para at least meron naman kaming time together.

"At saka, na-promise na namin sa mga bagets na mag-i-Easter, e, they are very excited. Big deal yun do'n. Ayoko namang anuhin kasi kawawa naman ang mga bagets, excited na."

Yung supposedly Europe honeymoon nila ay medyo naisantabi muna raw nila dahil sa dami ng schedules nila.

THIA MEGIA. Very vocal si Thia Megia, ang Fil-Am na nakapasok as finalist sa American Idol this season, na isa si Regine sa mga singer na ina-idolize niya sa Pilipinas.

"I'm very happy and congratulations. Alam ko na yung mga Filipino sa States at sa buong mundo, very proud sa kanya at siyempre, ako rin," sabi naman ni Regine.

Ayon kay Thia, nagkasama na raw sila ni Regine sa isang show sa Amerika. Pero hindi na ito matandaan ng Songbird.

"Talaga? Sorry hindi ko na matandaan bilang dyumo-dyonders na ang lola n'yo! Pero that's nice, that's nice," nakangiting sabi ni Regine.

DIREK RICO'S RESIGNATION. Tinanong din si Regine tungkol sa pagre-resign ni Direk Rico Gutierrez sa Party Pilipinas, kung saan isa siya sa main hosts.

Ayon sa singer-actress, kailan lang daw niya nalaman ang tungkol dito.

"Hindi ko nga alam kasi hindi ako nag-Party Pilipinas," sabi niya. "Sayang naman because the show needs him and, I think, he's really doing a good job.

"Yung team nila Mark [Reyes] at saka niya, maganda ang dalawa. Kasi at least, they have two weeks to prepare. Magkaiba ang style nila kaya every Sunday, magkaiba yung show na pinapanood mo.

"So, sayang naman. I'm a little bit disappointed that he's not doing the show anymore. Kasi, yun nga, maganda ang show na pino-produce nila sa team nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN