Luis Manzano clarifies "ambush" report about his mom Governor Vilma Santos

A text message circulated last Saturday, March 12, saying that Batangas governor and Star for All Seasons Vilma Santos was allegedly ambushed in Lipa City. But the actress-politician's son, Luis Manzano, quickly clarified the rumor on Entertainment Live.


Noong Sabado, March 12, may kumalat na balitang na-ambush diumano si Batangas Governor at Star For All Season Vilma Santos-Recto habang lulan ng kanyang sasakyan. Ayon pa sa ilang Twitter messages ay nasa "delikadong kundisyon" daw ang actress-politician.

Nakaabot ang balitang ito sa panganay na anak ni Governor Vi na si Luis Manzano kaya agad niya itong binigyang-linaw sa Entertainment Live noon ding Sabado.

Nilinaw nitong hindi ang kanyang ina ang nakasakay sa kotse kundi ang executive assistant and liaison officer nito na si Cesar Guce, 62, at ang driver nitong si Randy Reyes, 34.

Parehong namatay sa ambush sina Guce at Reyes.

Ayon kay Luis, "Si Mommy, naka-text ko this morning and, yun nga, si Mommy is okay. Nagkaroon ng mabilis na medyo text issue na una pang umabot sa akin, si Mommy ang na-ambush. But the unfortunate incident happened to my mom's executive assistant na si Cesar.

"But to clarify, tinawagan ko agad si Mommy ko habang ongoing and E-Live. She was on her way home. Tinanong ko nga, 'Nangyari ba na ikaw ang target, nadamay lang?' Sabi niya, 'Hindi. Ako pauwi, sila completely iba ang way na pupuntahan nila.'

"So, I guess, iba yung rason kung bakit nangyari yun. I don't think na may kinalaman sa Mommy ko. Basta ganun, it's very personal level para mangyari 'yun.

"Gagawin nila ang lahat para hanapin ang salarin at kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay. Pero we can only wish for the best and justice be serve. "

Ayon sa report ng mga pulis, pinagbabaril daw ng tatlong lalaking nakamaskara ang sasakyan nina Guce noong Sabado ng umaga sa Lipa City.

Kinondena naman ni Governor Vi ang malagim na pangyayari.

"I was shocked and I really feel bad on what had happened to Ka Cesar. He's a good man at wala akong alam na dahilan para siya patayin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman matukoy ng Governor ng Batangas kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Guce.

"I have no idea kung may nasasagasaan siya sa trabaho niya, and knowing him, he's not the type na nakikialam sa interes ng ibang tao," saad ni Governor Vi.

Nangako naman ng tulong ang gobernador sa pamilya ng mga biktima.

"Hindi ko sila pababayaan, gagawin ko ang lahat para mahuli ang mga gumawa sa kanila ng bagay na ito," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN