Wendell Ramos on being a Kapatid: "Iba dito, sobrang sarap! Mas lalong nakaka-inspire mag-work."

"Ang maganda kasi dito, hindi lang yung sa contract, e. Nandoon yung pagtanggap din sa iyo ng tao kahit saang network ka galing. Dapat hahanapin mo rin yung gano'n," says Wendell Ramos about moving to another network.


Kumpirmadong lumipat na si Wendell Ramos sa TV5 pagkatapos niyang lisanin ang GMA-7, na naging tahanan niya sa loob ng 15 years.

Noong Linggo, March 13, ay pormal nang ipinakilala si Wendell bilang isang Kapatid sa showbiz talk show na Paparazzi. Pagkatapos ng kanyang interview ay nakausap din siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa aktor, naging mabilis ang negosasyon sa pagitan ng bagong manager niyang si Perry Lansigan at ng executives ng TV5.

Inalok ba siya ng TV5 o si Perry ang lumapit sa Kapatid network?

"Parang ginawa ni Perry, in-open niya ako kasi wala naman akong contract sa GMA. In-open niya kung sino ang interested na kumuha sa akin. E, nag-offer yung TV5. Pero siyempre, sinabi rin naman namin sa GMA-7, ipinaalam din naman niya.

"So, habang nakikipag-deal both sides, parang ipinapaalam din naman niya [Perry] yung mga deals sa contract ko. Mas nabigyan lang ito ng pansin ang TV5... kasi bago ito, e," paliwanag ni Wendell.

Inabot lang daw ng dalawang linggo ang negosasyon sa pagitan nila ng TV5.

"Kasi nga, wala naman akong contract sa GMA kaya naging madali. Although, yung GMA, parang hinu-hold back din naman nila ako. As much as possible, ayaw rin naman nila akong umalis.

"Kaya no'ng tinanong ako nina Tita Avin [Marivin Arayata, GMA-7 executive] kung aalis na ba talaga ako, sabi ko, 'Opo, nakapagdesisyon na po ako.' Nag-thank you ako.

"'Sabagay, gano'n naman talaga. Basta pag-igihan mo na lang diyan.' Parang si Ma'am Wilma [Galvante]. Winish luck pa nga ako ni Ma'am Wilma, e," kuwento ni Wendell.


AFTER 15 YEARS. Bakit after 15 years, ngayon lang siya nagdesisyong lumipat ng network?

"Hindi ko rin alam talaga, e," sagot ni Wendell. "Siguro nga dahil 15 years na... Alam mo, ang pakiramdam ko ngayon, para akong ano, parang bagong company na. Very warm yung pagtanggap nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, yung GMA gano'n, pero tayo-tayo rin naman yung nagkikita doon, e. Dito, iba dito, sobrang sarap! Nakaka-inspire mag-work. Mas lalong nakaka-inspire mag-work."

Hindi ba gano'n ang pagtanggap sa kanya sa GMA-7?

"Ganun din naman... pero bago kasi kaya pagtutuunan mo ng pansin. Yun ang nararamdam ko."

Bakit hindi nag-offer ng contract ang GMA-7 sa kanya sa loob ng mahabang taong inilagi niya roon?

"Nag-offer sila, I think," sagot ni Wendell. "Hindi ko alam, e, kasi si Perry ang nakikipag-usap sa kanila. Siguro nga, isa sa mga naiisip kong reason, kasi nasanay rin sila kay Dougs [Douglas Quijano, his late manager] before, na wala namang contract.

"Totoo rin naman ang GMA-7 na hindi naman nila ako pinabayaan. Nasa akin na rin lang yung desisyon at kay Perry na, 'Ano, i-try natin ang iba?'"

FOR SECURITY. Aminado si Wendel na security ng estado ng career niya ang inisip niya kaya siya lumipat ng ibang istasyon.

"Oo, security rin. Although yung GMA, nandoon din naman talaga yung ano ko... Siguro iba lang yun... Ako, depende sa pakiramdam mo, e. Ngayong lilipat ka sa ibang istasyon, iba ang pakiramdam mo, e," saad niya.

Ang yumaong manager ni Wendell na si Douglas Quijano ay hindi naniniwala sa kontrata kaya tinanong namin ang aktor kung nagpaalam ba ito sa dati niyang manager sa pamamagitan ng pagdarasal nito sa kanya?

"Iba na yung panahon ngayon, e," sabi niya. "Every year, nag-iiba yung sistema ng industriya natin, e. Feeling ko, yung contract ko dito, [based on] sa napag-usapan namin ni Perry, parang for security.

"Saka yung obligado ka na magtrabaho dito, and yung network obligado ka ring bigyan ng trabaho. Which is yun ang gusto namin. As much as possible, wala sanang mabakante. So, both sides ay nagiging pabor."

Hindi niya ba naisip na siya ang way ni Perry para mailagay niya ang ibang talents niya sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro hindi naman gano'n," sabi ni Wendell. "Siguro kung gugustuhing gawin ni Perry yun, kahit sino puwede. Hindi naman para gawin pa niya akong... alam mo na?

"Saka kami ni Perry ang nagdesisyon. Tinanong lang niya ako kung gusto ko. Siguro may mga kapatid ako sa kanya na baka mag-decide na rin na gusto ring lumipat. Hindi natin alam, e."

Puwedeng ang nalilimitang klase ng role na ibinibigay kay Wendell ng GMA-7 ang isa sa posibleng dahilan ng paglipat ng aktor sa ibang network. May mga roles ba na gusto niyang gawin, pero ibinigay ng GMA-7 sa ibang aktor at sumama ang loob niya?

"Normal lang yung gano'n," sabi niya. "As much as possible, lahat nga tayo gusto nating makuha yung mga projects na gusto natin.

"Lahat naman kasi ng mga lumalabas na projects sa GMA-7, magaganda. Kung artista ka, sasabihin mo na sana ako yung makuha. Gano'n talaga, may para sa atin at may hindi naman para sa akin.

"Yung tampo factor, hindi naman. As long as hindi [ka] pinababayaan ng GMA at may work ka."

WENDELL AS A KAPATID. Sa loob ng dalawang taon, dalawang TV soaps, isang sitcom, at isang musical show ang nakatakdang gawin ni Wendell sa TV5. Sa pagkakaalam ng aktor ay may gagawin din siyang pelikula sa sister company that is into film production.

Ngayon pa lang nagsisimula si Wendell, pero nakini-kinita na niyang hahaba ang taong ipagtatrabaho niya sa TV5.

"Ang maganda kasi dito, hindi lang yung sa contract, e. Nandoon yung pagtanggap din sa iyo ng tao kahit saang network ka galing. Dapat hahanapin mo rin yung gano'n.

"Eto, nararamdaman ko yung pagtanggap na parang gano'n din sa network na pinanggalingan mo. Yun ang mas importante. Hindi yung parang kontrata lang," aniya.

Hindi niya ba naramdaman yung feeling ng belongingness sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ahm, hindi naman. Actually, malungkot nga, e, lalo na yung mga tao kapag sinasabi nila, 'Uy, nanood kami ng Bubble Gang. Ang galing-galing mo doon.' Gano'n pala yung feeling na napupuri ka?

"Saka sobrang bigat sa akin no'ng desisyon doon... either magti-TV5 ka, pero you have to sacrifice another show, which is Bubble Gang na ayaw ko sana. Pero gano'n talaga, e."

Speaking of Bubble Gang, aminado si Wendell na nami-miss na niya ang mga kasamahan niya sa gag show na iniwan niya sa GMA-7.

"Nami-miss ko sina Bitoy [Michael V], Ogie [Alcasid], sila Tonio [Antonio Aquitania], kasi kaming apat na lang, e. Nagbibiruan pa nga ako no'ng two weeks before akong mag-decide na lumipat. Binibiro ko nga sila na, 'Baka mamaya mapanood ko na kayo sa TV5,'" kuwento niya.

Hindi pa sigurado si Wendell, pero baka raw ipalabas pa yung mga huling episodes na ginawa niya sa Bubble Gang bago siya umalis dito.

Ang sitcom na Hapi-er Togeder, na pinagbibidahan nina Joey Marquez at Long Mejia, ang isa sa shows ni Wendell sa TV5. Sa pagkakaalam niya, baka ilagay rin siya sa isang gag show ng nasabing network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN