James Blanco puts an end to persistent rumor that he has a very rich, gay benefactor

"Lagi namang kakambal ng pagiging artista yung kesyo meron kang gay benefactor. Lahat naman tayo ay kailangang magtrabaho. At saka ako, nag-concentrate sa business kasama ang wife ko," says James Blanco about the rumor that he has a gay benefactor.


"Lagi namang ganyan ang isyu sa showbiz, e."

Ito ang sabi ni James Blanco sa hindi matapus-tapos na intriga na hindi na raw niya kailangang magtrabaho dahil meron daw siyang mayamang gay benefactor.

Hindi ba siya na-o-offend sa ganitong klaseng intriga?

"Hindi," sabi ni James sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Lagi namang kakambal ng pagiging artista yung kesyo meron kang gay benefactor. Lahat naman tayo ay kailangang magtrabaho. At saka ako, nag-concentrate sa business kasama ang wife ko. Magtatayo kami ngayon ng restaurant sa Paseo de Santa Rosa. Meron naman akong partner dun."

Pinabulaanan din ng aktor ang intrigang meron daw siyang monthly allowance sa sinasabing bilyonaryong gay benefactor niya at mabubuhay siya kahit hindi na magtrabaho.

"Naku, sana kung merong ganoong isyu, siguro asawa ko ang unang magre-react. Pag may nakikita siyang may pumapasok sa account ko na wala naman akong pinagtatrabahuan.

"Sino namang babae ang gugusto sa ganyan? May asawa ka... Hindi naman ganun. Pero hindi ako against sa mga gay," paglilinaw ni James.

Noong 2008 ikinasal si James at happy naman daw siya sa married life niya. Five years old na ang eldest nila dahil bago pa man sila ikinasal ay may baby na sila.

"Nung mag-start ako sa showbiz, laging itsinitsismis na may anak daw ako. Wala, e. Sa wife ko lang ako may anak," sabi niya.

Kilala ba niya kung sino ang "bilyonaryong gay" na inili-link sa kanya?

"Nakarating sa akin yun. Sabi ko nga minsan, sana na lang. Basta kung anong meron kaming mag-asawa, pareho naming pinaghirapan yun," diin niya.

READY TO GO SEXY. Marami ang nakapansin na maganda ang pangangatawan ngayon ni James. Mukhang alaga siya ng workout.

"As much as possible, mga four times a week, nasa gym ako at nag-diet talaga," pagkumpirma niya.

"Gusto ko nga pasalamatan yung fitness trainor ko na nag-ayos talaga ng katawan ko, si Froilan Dionisio. Siya ang nagte-train ngayon sa mga artista gaya nina Rayver Cruz, Matteo Guidicelli... marami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Willing na ba siyang magpa-sexy ngayon dahil sa ganda ng kanyang katawan?

"Basta 'wag lang bold," sagot ni James. "Wala lang sigurong butt exposure. Walang problema sa atin kung briefs, swimwear.

"Kaya nga nung mawala ako sa showbiz, nag-workout pa rin ako. Pinaghandaan ko pa rin kasi iniisip ko na puwede tayong tawagan. Lagi akong ready," sabi niya.

Aktibo ulit ngayon si James sa kanyang showbiz career at may bago siyang manager in the person of Annabelle Rama.

Kasama siya sa upcoming dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak, na magsisimula sa March 21.

Kuwento rin ni James, nag-produce siya ng indie film kasama si Carlo Morales, ang Watawat, nung mag-comeback siya.

"Pinapalabas siya sa mga school. Kaming dalawa rin ni Carlos ang bida. Istorya ni Andres Bonifacio at ni Emilio Aguinaldo. Ako si Andres Bonifacio. Pero ngayon, medyo nagkakaroon kami ng problema dun sa director kaya 'wag na natin siyang banggitin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN