Toni Gonzaga attends premiere of Tum, My Pledge of Love to support Mariel Rodriguez

"Lahat ng premiere nights ko, concerts ko, nandun si Mariel. Kaya nararapat naman na suportahan ko siya sa kanyang first-ever love story na pelikula," says Toni Gonzaga about attending the premiere night of Mariel Rodriguez's movie.


Ang pagdating ni Toni Gonzaga sa premiere ng Tum, My Pledge of Love sa Rockwell Cinema 6 kagabi, March 14, ang patunay na bahagi na lamang ng nakaraan kung anuman ang pinagdaanang problema nila ng kaibigan niyang si Mariel Rodriguez.

Tum, My Pledge of Love ay ang pelikula ni Mariel kasama ang mister nitong si Robin Padilla. Kasama namang um-attend ni Toni sa premiere night ang kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Toni, sinabi niya na ang pagdalo niya sa premiere ay bilang ganti sa ginawang pagsuporta noon ni Mariel sa halos lahat ng kanyang concerts at pelikula.

"Lahat ng premiere nights ko, concerts ko, nandun si Mariel. Kaya nararapat naman na suportahan ko siya sa kanyang first-ever love story na pelikula.

"She invited me... Nahihiya pa nga siya sa akin. Sabi ko, 'Ano ba, walang problema. Pupunta talaga ako.'

"Kaya lang ako na-late ngayon kasi I came from a shooting, Star Cinema movie with Ate Uge [Eugene Domingo]. I'm very thankful nga kay Direk Joey Reyes kasi he also adjusted, kasi nag-request ako.

"Sabi ko, baka puwedeng i-move yung shoot, hindi pumayag si Direk Joey. Sabi niya, bigyan na lang daw niya ako ng cut-off. Ayun 7:30 p.m. — pak, I made it," saad ni Toni.

Senyales ba ito na tapos na talaga kung anuman ang naging issue sa kanila ni Mariel?

"Ay, 'wag na nating balikan yun. Nandito tayo para suportahan ang Tum, My Pledge of Love," sabi niya.

SIBLING RIVALRY. Dahil kasama ni Toni ang kapatid na si Alex, natanong din ang Kapamilya star tungkol sa pagkukumpara sa kanila pagdating sa paramihan ng shows. Kung si Toni ay abala sa bakuran ng ABS-CBN, si Alex naman ay marami ring nilalabasang programa sa bakuran ng TV5.

Tuloy, may nagsasabing may "sibling rivalry" raw na namamagitan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawa lang kami, may sibling rivalry pang issue?" reaksiyon naman ni Toni.

"Hindi, walang ganun. Ako pa nga ang nag-encourage sa kanya na mag-artista siya para ma-experience din niya yung sarap ng pakiramdam na pinaghihirapan mo, tapos may naa-achieve ka kahit paunti-unti.

"Saka masaya ako pag marami siyang trabaho. Ako naman ang mag-i-spend ng money niya for a change, di ba?" natatawa niyang sabi.

Masayang ikinuwento ni Toni sa PEP na isang wallet na Prada ang nairegalo sa kanya ni Alex.

"Binigyan niya ako ng wallet last year, Prada. Last year pa yun. This year, wala pa kahit nung birthday ko!" tawa niya ulit.

MOVIE WITH UGE. Hindi man natuloy ang pelikula ni Toni with Vic Sotto, ngayon ay abala nga ang actress-TV host sa pelikula nila ni Eugene Domingo.

Aminado si Toni na kinakabahan siya dahil kilala ang husay ni Uge pagdating sa pagpapatawa.

"Siyempre nakakanerbiyos. Pero pag kasama mo naman si Direk Joey, pag nasa set na kayo, hindi mo mararamdaman yun. Kasi ang acting for me is always reacting.

"Ang ibinibigay ni Ate Uge, yun lang din ang ibinibigay ko, ganun lang. Pag mahusay ang katrabaho mo, mahusay ang ibinibigay sa iyo, siyempre mahusay din ang ibibigay mo.

"Ang maganda kasi kay Ate Uge, isa siyang beterano at napakagaling niyang komedyante, at napakatagal na niya sa industriya. Hindi mo talaga mararamdaman ang ganyan kasi ang husay niya. Parang alam na alam niya kung paano kayo magdye-gel kaya walang sapawan."

Ikinuwento rin ni Toni kung ano ang role niya sa nasabing pelikula.

"Japayuki ako, pa-sweet naman nung start, pero nag-Japan. Magpinsan kami [ni Uge], gusto niyang magpa-annul, ako gusto kong magpakasal. Yun ang magiging takbo ng istorya," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN