Steven Silva attends workshops and works on his Tagalog while waiting for next project after Koreana

"This time, while waiting, I'm not just sitting around. I have to be prepared. I'm taking dance workshops. Siguro, more acting workshops. Hindi lang yung nasa bahay ako," says Steven Silva about preparations for his next project.


Naghihintay na lang ng kanyang next project sa Kapuso network ang StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva pagkatapos ng tagumpay ng Koreana, ang afternoon drama series na pinagbidahan nila nina Kris Bernal at Rocco Nacino.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Steven sa thanksgiving party para sa Fil-Am female boxer na si Ana Julaton last Friday, March 11, sa Makati, ay nagbalik-tanaw siya sa naging experience niya sa Koreana.

"Actually, at first, I was scared kasi siyempre first show ko ito. Tapos, hindi ko alam kung paano mag-turn out siya.

"Pero siyempre, I was very optimistic about it. Kasama ko kasi sila Kris at Rocco and even Eddie Garcia.

"At that time, I was scared. I just said that I'll try to learn the best from the big stars in the show.

"At the beginning, we started out slow. But as the show went on, naging maganda ang feedback. They liked our show, and our chemistry ni Kris. Hanggang sa ending, naging mataas yung rating namin," sabi ni Steven.

Pagkatapos ng taping ng Koreana ay nagawang magbakasyon ni Steven two weeks ago sa Sacramento, California, kung saan nakatira ang kanyang pamilya.

"I had things to take care of over there. Parang vacation din," banggit niya.

ROOM FOR IMPROVEMENT. Ayon kay Steven, bagamat naging matagumpay ang una niyang pagsabak sa pag-arte, marami pa siyang kailangang ayusin sa kanyang sarili, lalo na ang pagsasalita ng Tagalog.

"It's getting better," ang assessment niya sa kanyang mastery sa Filipino.

Tumutulong din daw ang kanyang kamag-anak para mapabuti pa ang pagsasalita niya ng ating wika.

"Sa bahay, yung mga pamilya ko, they only speak to me in Tagalog. Mahirap pa rin siyempre kasi lumaki ako sa States for 22 years. Hindi ako marunong dati kahit isang word. Palaging English every day," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ni Steven, malaking bagay kung matutunan niyang magsalita ng Tagalog.

"Minsan mag-change sila ng script, kasi medyo it's hard for me sometimes to speak diretso in Tagalog. Nabubulol pa ako. Tapos nawawala yung meaning," sabi niya.

Naghahanda din siya physically by going to the gym regularly.

"This time, while I'm waiting, I'm not just sitting around. I have to be prepared. I'm also taking dance workshops. Siguro, more acting workshops. Hindi lang yung nasa bahay ako."

Steven is also hoping to join the next Cosmo Bachelor Bash.

"Sila Rocco at si Fabio [Ide], they were representing GMA sa Top Ten. Sabi ko sa sarili ko noon, gusto ko maging centerfold. Basta, I'm working for that goal," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN