Jackie Lou Blanco will play Marian Rivera and Kris Bernal's mother in Panday 2

Jackie Lou Blanco talks about her three children whose ages range from 13 to 21. "Para na kaming barkada. We share different things already. Talagang about life na. Lalo na yung dalawa ko, kasi parang towards adulthood na sila. It's nice kasi we are very open, they ask about everything and anything. It is more of a learning experience pa nga for me kaysa sa kanila," she says.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Jackie Lou Blanco sa launching ni Jillian Ward bilang pinakabagong endorser ng McDonald's kahapon, March 16, sa McDonald's Greenbelt 1, Makati City.

Si Jackie Lou ang nagsilbing host ng event.

Madalang nang lumalabas sa mga pelikula ngayon si Jackie Lou. Hindi ba niya nami-miss ito?

"I miss doing movies," sagot ng aktres.

Saka niya ibinalita ang isang proyekto kung saan siya ay magbabalik-pelikula.

"I'll be part of Panday 2, which will be shown in December. Pero I'm excited kasi I've never done a movie. My last is Working Girls. Although my role naman here in Panday 2 is not that long pero it's longer than a guest role," kwento ni Jackie Lou.

Ang role niya dito ay isang diwata na nanay ni Kris Bernal at Marian Rivera.

This is the second time Jackie Lou is working with Marian.

"Marian is very easy to work with. She is kalog and down-to-earth. So I look forward to working with her again," ang sabi ni Jackie Lou.

Dinepensahan din niya si Marian sa mga nagsasabing "mataray" ang dalaga.

"They think she's mataray because she is outspoken. She says what she feels. But honestly, I don't think she is [mataray].

"She's straightforward. She will not say that she feels good if she doesn't feel good. I think that is an admirable trait kasi nagpapakatotoo lang siya... Other people like it, other people may not like it, pero she just shows what she really is. She really can't please everybody naman," ang sabi ni Jackie Lou.

ON HER KIDS. Napag-usapan din ang kaniyang mga anak.

Ang kanyang tatlong anak ay sina Kenneth, 21, Rikki Mae, 18, at si Arabella, 13.

"They are big na. One is graduating from high school and one from grade school," sabi niya.

Dagdag pa niya, "Masarap kasi para na kaming barkada. We share different things already. Talagang about life na. Lalo na yung dalawa ko kasi parang towards adulthood na sila. It's nice kasi we are very open, they ask about everything and anything. It is more of a learning experience pa nga for me kaysa sa kanila," kwento ni Jackie Lou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang gustong sumunod sa yapak nila ng asawang si Ricky Davao?

"Parang it's not their cup of tea. My youngest parang a little bit. Pero hindi ko nakikita na gagawin nilang lifetime job," aniya.

Jackie Lou Blanco described the advantages and disadvantages of being a celebrity mom.

"The special treatment that my kids and I get, even if we don't ask for it. I think that's a gift.

"One disadvantage is people would kinda give them attention and sometimes, they don't like it. Lalo na kung minsan, we are trying to enjoy a certain place and then may magpapa-picture," sabi niya.

Ngunit nakasanayan na ng kanilang mga anak ang ganitong mga sitwasyon.

"But I guess because sinabi namin na that's part of our life. So they have learned to accept it and enjoy it na din at the same time," she said.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN