American theater actor Stephen Mark Lukas to play Karylle's leading man in The Light in the Piazza

Stephen Mark Lukas has performed in several theater productions in the U.S., including Les Miserables, Grease, and Hairspray.


Ipinakilala na ng STAGES ang theater actor na magiging kapareha ni Karylle sa local version ng Broadway musical na The Light in the Piazza.

Ito ay si Stephen Mark Lukas, isang Amerikanong theater actor na graduate ng New York University Tisch School of the Arts.

Ayon sa sariling website ni Stephen, marami na siyang roles na ginampanan bago makuha ang role bilang Fabrizzio, isang Italyano na mai-in love sa character ni Karylle.

Nakasama si Stephen sa National Tour ng Little Women: The Musical sa Estados Unidos. Nakasama rin siya sa ilang Regional Theater productions ng Les Miserables, Oklahoma!, Hairspray, at Grease.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presidente ng STAGES Productions na si Audie Gemora noong March 10, sinabi nito na naisip niyang magpa-audition ng foreign actors para sa The Light in the Piazza dahil wala nang local actor na babagay sa role.

"Unang-una, talagang I considered all the leading men here. Like I said, si Christian [Bautista] ang una kong in-offer-an. Pero like I said, gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career. Si Gian [Magdangal] din, pero he's busy with Kaos.

"And then, napag-isipan ko rin, imbes na pilitin ko, bakit hindi ako maghanap ng somebody na ma-e-excite ang tao? Actually, ang unang original idea ko was to get one of the Il Divo, but ang hirap i-trace saka hindi mo sila mabubuwag, e. So, sabi ko, 'You know what, I'll just look for a Broadway singer. That's what I'll do,'" kuwento ni Audie.

Ang American casting agent na si Judy Henderson ang na-tap ni Audie para maghanap ng leading man sa Amerika. Ginanap ang final auditions sa pamamagitan ng Skype.

"And naging happy din naman ako. Magaling [siya]," saad ni Audie.

Foreign actor ang pinili nila para maging kapani-paniwala ang kanilang produksyon.

"You know, iba pa rin yung pag nakakita ka ng full-blooded Italian guy. Iba pa rin ang dating, e. Saka gusto ko rin naman i-treat ang mga local audiences to a Broadway performer," sabi ni Audie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa May pa darating si Stephen sa Pilipinas, at sa July naman magsisimula ang theater run ng The Light in the Piazza sa Meralco Theater.

NEW TALENTS. Puwede kayang mag-showbiz si Stephen?

"Um, well I don't know kung gusto niyang pumasok sa larangan ng showbiz, pero alam ko na mapapag-usapan siya, itong lalaki," saad ni Audie.

Ano man ang kahinatnan ng career ni Stephen sa Pilipinas, masaya si Audie at nakahanap siya ng bagong talento na mahihinang. Ang talent development na raw kasi ang gusto niyang gawin sa ngayon.

"Dun na napupunta ang career ko. It's come full circle, e. Umabot na ako sa punto na it's payback time. Marami na akong naani, I'm so already satisfied. Kung minsan, kung bigyan ako ng role, parang di na ako nabubusog. I mean, been there, done that, e.

"Nagpu-full circle na ako. Ito na yung part ng life ko na ako na ngayon ang nagde-develop, nagdi-discover, gumagawa ng stars, nagte-train, and I'm happy there. Very happy."

Sino-sino ba ang mga talent na kanyang na-i-develop?

"Well, of course, Christian [Bautista] is one, Sam Concepcion, Karylle. I trained KC [Concepcion]. I was the first one to give her a break in Little Mermaid. Gian Magdangal is one...

"Ang dami na nila, actually. Most of them have stayed with us. Now, pumapasok na ako sa showbiz, so marami kaming mapapasikat. It's just matter of, maybe a year," sagot ni Audie.

Hindi pa sapat kay Audie ang roster na ito, kaya't gumagawa pa siya ng mga paraan para maghanap ng mga bagong talento.

"Actually, meron akong workshop called MyTalent. It's still connected to training. And this one is concentrated on musical theater, itong ginagawa namin. Voice, kung paano kumanta. Mga instruments. Meron kaming modeling, which is taught by Rissa Mananquil, one of our top models," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtayo raw siya ng training school para matutunan ng mga bagong artists ngayon na tuloy-tuloy dapat ang pag-aaral sa showbiz.

"Kasi acting, you'll never stop acting. It's a continuing art form. So, hindi namin pinapabayaan ang mga bata. The over-all making of a star is total. Hindi lang siya training sa acting, training sa singing. It's gonna be a complete program.

"And yun ang, I'm proud to say, what I'm trying to establish. Na may curriculum, hindi lang yung maskipaps [maski papaano]. Pag natapos mo yung course na 'to, puwede ka na sa next. Pag hindi pa, balik ka dito. Parang ganun," saad niya.

Balik kay Stephen Mark Lukas, ano ang tsansa na magka-showbiz career ito sa Pilipinas?

"Malaki ang chance!" sagot ni Audie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN