Andi Eigenmann rushed to the hospital for blank-bullet burn

Minsan Lang Kita Iibigin star Andi Eigenmann was accidentally shot with a gun loaded with blanks.


Aksidenteng nabaril ng isang prop gun na may blank bullet ang star ng Minsan Lang Kita Iibigin na si Andi Eigenmann.

Di sinasadyang nabaril ang aktres ng co-star niyang si Martin del Rosario, ayon sa isang mapagkakatiwalaang PEP (Philippine Entertainment Portal) source. Nangyari ang insidente sa taping ng ABS-CBN primetime series kaninang hapon, March 18.

Pero kahit daw blank bullet ang laman ng baril, nagkaroon pa rin ng burn o paso sa kaliwang bahagi ng dibdib si Andi.

Agad na kinontak ng PEP ang management team ni Andi at kinumpirma naman ng mga ito na aksidente ngang nabaril ni Martin ang dalagang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Ayon pa sa kampo ni Andi, agad namang sinugod sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City ang young actress upang malapatan ng kaukulang lunas. Pinayuhan daw ito na magpahinga hanggang Linggo para gumaling ang paso nito sa dibdib.

Sabi pa ng representative ni Andi, hindi naman daw malala ang paso at siguradong sasabak agad sa trabaho ang dalaga sa sandaling gumaling na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN