Ruffa Gutierrez still waiting for the court to grant annulment of marriage with Yilmaz Bektas

"Alam ko kasi, sa akin, kung gusto mong magbigay at tumulong, hindi mo na kailangang pilitin ang isang tao. Kusa kang magbibigay, tutal dalawa naman ang anak niya sa akin. It's not like na naghihirap siya, very comfortable naman ang buhay niya," says Ruffa Gutierrez on the possibility of getting financial support from estranged husband Yilmaz Bektas.


Tanggap na ni Ruffa Gutierrez na habang nabubuhay siya ay hindi na mawawala sa kanya ang imahe o pangalan ng Turkish husband niyang si Yilmaz Bektas.

Kaya naman kahit na anong tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa sa nakaraang presscon ng Mga Nagbabagang Bulaklak—ang bagong dramaserye ng TV5—game itong sumagot tungkol sa anumang may kinalaman sa kanila ni Yilmaz.


CHOOSING HER BATTLES. Natanong si Ruffa kung ipinaglaban ba niya ang karapatan sa asawa nang nagsasama pa sila sa Turkey. Nagkuwento naman si Ruffa na may isang babaeng umaaligid kay Yilmaz, pero nanindigan siya bilang misis nito.

Aniya, "Nagkaroon ng girl na panay ang flirt sa kanya and I have to stand up for my family. I have to [stand up] for my kids. Ang ginawa ko, nag-ala Annabelle Rama ako. Hindi ko siya sinugod, pero tinakot-takot ko siya talaga."

Hindi binanggit ni Ruffa kung sino ang tinutukoy niyang babae at kung ano ang nationality nito.

Kuwento pa niya, "Tinakot-takot ko siya talaga kasi she kept on e-mailing him. Uso pa noon yung msn messenger. I had to tell her, 'Listen, find your own man, this man is taken.' Ginawa ko yun sa likod ni Yilmaz, hindi ko sinabi sa kanya.

"But then the girl started calling Yilmaz, 'My god, your wife is psychotic! Ano ba yan? She's making me away!' O, tingnan mo, after two days, nawala din siya.

"You know, I think it depends on your battle. I choose my battles. If it's for family, I will fight for them. But if it's just for a boyfriend or someone who's not worth it, I can let go; no problem. Ipinaglalaban ko lang yung karapat-dapat."

Wala ba siyang ipinaglalabang love life ngayon?

"Wala nga akong ipinaglalaban, sabi ko. Hindi pa nagbabaga ang aking puso, " tugon ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaan na ang nabalitang Brazilian suitor niya na nagngangalang Eduardo Puertas?

"Nandiyan pa rin naman sila. But you know, they're private individuals," sagot ng TV host-actress.

"I welcome naman people na gustong makipagkaibigan sa akin. I think mas magiging maganda pag tapos na yung annulment ko at maging officially single na ako. Saka na ako puwedeng magmahal nang tapat at tunay."

THE ANNULMENT CASE. Gaano na ba katagal ang annulment case nila ni Yilmaz?

"Nakakaloka, ang tagal na nga — tatlong taon!" sabi ni Ruffa.

Bakit tumatagal ng gano'n? Hindi ba cooperative si Yilmaz?

"No naman, he cooperates but I guess there are things na inaayos lang. So, hopefully, in God's time, maayos na at ma-grant yung annulment."

Kahit hindi ba makipag-cooperate ang isa sa kanila ay tatakbo pa rin yung annulment sa korte?

"Oo, basta it's been three years. And we're working on it, and sana nga matapos na by the end of the year," saad ni Ruffa.

Hati ba sila ni Yilmaz sa mga babayaran sa annulment case?

"No, ako lang lahat!" mabilis na sabi ni Ruffa. "Pero actually, akin ang custody ng mga bata. Di ba, I won the case last year?

"Yun ang pinakaimportante sa akin—ang sole custody ng mga anak ko and Yilmaz can visit anytime he wants here in the Philippines."

Hindi ba niya inobliga si Yilmaz na paghatian nila ang gagastusin sa annulment case nila?

"Hindi," sagot ni Ruffa. "Alam ko kasi, sa akin, kung gusto mong magbigay at tumulong, hindi mo na kailangang pilitin ang isang tao. Kusa kang magbibigay, tutal dalawa naman ang anak niya sa akin. It's not like na naghihirap siya, very comfortable naman ang buhay niya.

"Ayoko nang humingi ng gano'n. Ang importante sa akin, nabibigyan naman ako ng trabaho dito sa Pilipinas, and I'm thankful to all the producers and to everyone who's been supporting me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa talagang ideya si Ruffa kung kailan ibibigay sa kanya ang petition for annulment. Kahit siya mismo ay naiinip na rin dahil nga matagal na itong binabasa sa korte.

May mga nagsasabing dahil iniiwasan ni Ruffa na pag-usapan ang annulment niya kaya tumagal ito, kumpara sa ibang mabilis na na-grant ang kanilang petisyon, partikular na sa ibang celebrities, dahil madalas nilang pag-usapan ito sa kanilang interviews.

Ano ang masasabi ni Ruffa dito?

"Tingnan natin in the next few months. Kasi I haven't testified yet, e," sagot niya.

FINANCIAL SUPPORT. Consistent si Ruffa sa pagsasabing wala talagang financial support na ibinibigay si Yilmaz sa mga anak nilang sina Lorin at Venice.

"I've already asked him for a year and he never fulfilled his promises. I don't wanna be a broken record and ask and ask, ayaw mo namang magbigay," sabi niya.

Dapat daw ay nakasaad sa annulment ang pagbibigay ng financial support sa kanyang dalawang anak, pero naloka si Ruffa sa nadiskubre niya.

"Yes, it's in the annulment. But sadly, I learned recently from my lawyers na wala palang alimony dito sa Pilipinas. Wala!"

Ang alimony, ayon sa thefreedictionary.com ay "payment that a family court may order one person to make to the other person when the couple separates or divorces."

Hindi ba't ikinasal din sila sa abroad?

"Yeah, but it was just a religious ceremony. So, you still have the Philippine law 'coz I'm a Filipina," paliwanag niya.

Dalawang beses ikinasal sina Ruffa at Yilmaz. Una, noong March 25, 2003 sa Pilipinas. Pangalawa, noong May 11, 2003 sa Istanbul, Turkey.

Naghiwalay sila noong 2007.

Ibig sabihin, wala siya talagang matatanggap na kahit ano mula kay Yilmaz kapag na-grant ang annulment sa kasal nila?

"Alam mo, hindi ko naman kailangan ng anything from him, e. Importante ang future nina Venice at Lorin, yun ang importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, para sa akin, kung nagawa ni Sharon Cuneta na supportahan si KC [Concepcion] at yung ibang mga strong single moms out there, sa tingin ko naman, kaya ko, hopefully."

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman niyang wala palang alimony dito sa Pilipinas?

"Wala naman. My mom even said na ang importante is you have your freedom, masaya ka, and I don't wanna force anyone to do anything against their will. Nasa kanya na lang yun, nasa konsensiya niya [Yilmaz] kung gusto niyang ibigay kung ano ang nararapat para sa mga anak niya, di ba?"

Nililinaw naman ni Ruffa na kahit walang suportang pinansiyal na nakukuha ang mga anak niya mula sa kanilang ama, apelyido pa rin ng tatay nila ang ginagamit nina Venice at Lorin.

"Hindi rin naman ako naninira pagdating kay Yilmaz sa mga anak ko. Kahit anong gawin namin, he's still the father and I wanna teach my children to respect their father come what may. Kahit wala silang nakukuha sa father nila, that's something Yilmaz has to deal with with his children."

May naunang anak si Yilmaz at ayon kay Ruffa ay 11 years old na raw ang bata. Di ba, dapat may karapatan din ang mga anak niya sa kung anuman ang naibibigay o maibibigay ni Yilmaz sa isa pa niyang anak?

"Meron din," pagsang-ayon ni Ruffa. "But like I said, that's something that he will have to deal with in the future with Lorin and Venice. I've already done my part. Like I said, kung ayaw niyang magbigay, huwag nating pilitin."

Kumusta naman ang mga mamahaling damit at mga alahas na naiwan niya sa Istanbul?

"Hello! Four years ago na yun, ano! Baka naibenta na. Wala na. I have a new life here. I'm happy and God has been good. I'm content and there's really nothing more than I can ask for," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag na-grant na ang annulment niya, ibig bang sabihin nito ay puwede na siyang ma-in love nang todo after her affair with John Lloyd Cruz?

"Naku, kailangan ba talagang banggitin?" natatawa niyang sabi.

"Puwedeng-puwede, why not? But in the meantime, I have better things to do and I have things to work on bilang one of the third most influential [Filipino women] according to Google [Philippines]. Yun na lang muna ang asikasuhin natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN