Annabelle Rama attributes her success as talent manager to prayer

May pasaway ba sa mga alaga ni Annabelle Rama?

"Ahh... ayoko na lang banggitin ang pangalan — baka sumikat pa yun. Pinapasa-Diyos ko na lang siya. Pero alam ko yung mga walang utang na loob, kakarmahin talaga yan. Hindi natutulog ang Diyos," she says about managing more than 30 artists in her roster of talents.


Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kahapon, March 18 sa blessing ng Royale Artist Management Inc., opisina na pag-aari ng talent manager na si Annabelle Rama. Ang opisina ay matatagpuan sa 4th floor ng Imperial Palace Hotel, Tomas Morato, Quezon City.

Namataan ng PEP doon ang halos lahat ng alaga ni Annabelle gaya ng kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, Raymond, Rocky, Elvis, at Ritchie Paul Gutierrez.

Nandoon din sina Jay Manalo, Arci Muñoz, Carla Humphries, James Blanco, JC de Vera, at marami pang iba. Present din sa okasyon ang mister ni Annabelle na si Eddie Gutierrez.

Nagpunta rin ang mga kaibigan niyang sina Daisy Romualdez, German Moreno, at ang Regal matriach na si Lily Monteverde.

Isa si Annabelle sa matagumpay na managers ngayon sa showbiz. Ayon sa kanya, narating niya ang kinalalagyan niya ngayon dahil sa pagdarasal.

"Alam ninyo, iba yung pag nagdarasal ka, di ba? Every day hinihiling mo yan sa Itaas na maging successful kang manager. Ganoon ang ginagawa ko. At the same time, alagaan mo naman [ang talents.] Kasi pag ako nag-alaga ng talent, parang anak ko na rin sila. Parang ahh... pinapa-feel ko sa kanila na importante sila sa akin, nagki-care ako sa kanila.

"Pag wala silang ginagawa, sinasabihan ko sila na mag-workshop sila sa dancing, sa acting, para mas lalong ma-develop yung talents nila. At saka pag may problema sila, sinusumbong nila sa akin. Talaga namang sino-solve ko agad," ang sabi ni Annabelle nang makausap siya ng PEP.

Sina Michelle Madrigal at John Hall ay dalawa lang sa mga alaga niya. Dating may relasyon ang dalawa pero ngayon ay hiwalay na sila.

"Siguro yung paghihiwalay nila, good for their career," ang sabi ni Annabelle. "Actually ako, natutuwa na naghiwalay sila, para mas makapag-concentrate sila sa kanilang career."

Nakikialam ba siya sa love life ng mga alaga niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nakikialam sa love life nila." sagot niya. "Basta ang sa akin lang, on time sa set at hindi nambibitin ng shootings o tapings. At hindi pasaway."

May pasaway ba naman sa mga alaga niya?

"Ahh... ayoko na lang banggitin ang pangalan — baka sumikat pa yun. Pinapasa-Diyos ko na lang siya. Pero alam ko yung mga walang utang na loob, kakarmahin talaga yan. Hindi natutulog ang Diyos."

E, sino naman yung masasabi niyang mababait sa kanyang mga alaga?

"Halos lahat naman sila mababait. Halos lahat naman sila nakikinig sa akin, sa mga advice ko. Kita ninyo naman yung lahat ng nakikinig sa akin, hindi nawawalan ng trabaho. Kasi alam naman nila na ako nandito lang para sa kanila," ang sabi ni Annabelle.

May paborito ba siya sa mga alaga niya?

"Wala! Lahat sila mahal ko. Pantay-pantay lang ang pagtingin ko sa kanilang lahat."

Sa dami ng talents ni Annabelle, na mahigit tatlumpo, aminado naman siya na nagkakaroon ng selosan o inggitan ang mga ito pagdating sa trabaho.

"Hindi naman nawawala yan. Isa-isa ko naman silang kinakausap, na hindi mo pa time ngayon kaya maghintay-hintay ka," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN