Isabel Oli on James Yap: "We're not dating, we're friends."

Isabel Oli (above) says she has never met Bimby, the son of Kris Aquino and James Yap (inset). She was surprised by the little boy's "revelation" that she is his dad's new girlfriend.

"Nakita ko lang sa TV, pero never kami [ni Bimby] nag-meet. Kaya parang nung nakita ko nga yung VTR, medyo na-surprise ako kasi mismong si Baby James naman ang nagsabi na never kaming nag-meet. Kaya parang paano naman niya ako makikilala?" she says.


Live na nag-guest si Isabel Olisa Showbiz Central kahapon, March 20, upang sagutin ang mga isyu tungkol sa kanya.

Una na rito ang tungkol sa pagkawala niya sa sirkulasyon ng halos walong buwan.

"Actually, naging busy din ako and medyo may konting inaayos lang din. Pero right now, I'm so happy with GMA Network, in-offer nila sa akin yung three-year network contract and now, nag-sign na ako. So, ayun, certified Kapuso na ako!" masayang balita ni Isabel.

So, hindi totoong hindi na siya Kapuso tulad ng mga naglabasang balita last year?

"Yeah, certified Kapuso!" sambit niya.

CAPTAIN BARBELL. Sa pagbabalik niya, isang malaking proyekto agad ang ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7—ang maging isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa pagbabalik ng Captain Barbell sa telebisyon.

"I'm so grateful na naging part ako ng Captain Barbell. Sobrang laking project nito sa GMA.

"Kasama ko pa si Chard, e, siya yung unang leading man ko dito sa GMA. Kaya sobrang special talaga and medyo walang adjustment talaga kasi si Chard yun, close ko si Chard. So, I'm so happy.

"Sa set namin, sobrang gaan, parang naglalaro lang talaga kami. Kaya sobrang happy ako and really thankful sa GMA for giving me this break."

Unang nagkasama sina Isabel at Richard sa primetime series na Sugo noong 2005.

Bukod kay Isabel, leading ladies din ni Richard sa Captain Barbell sina Lovi Poe, Michelle Madrigal, at Solenn Heussaff. May "bangayan" ba sa kanilang apat?

"Friends kaming lahat," nakangiti niyang sabi. "Actually, hindi ko pa sila nakakaeksenang tatlo. Pero, you know, sa standby area or sa pictorial, okay naman kami, walang ganun."

HER DAD'S CONDITION. Isa sa mga pagsubok na patuloy na hinaharap ni Isabel ay ang kalagayan ng ama niya na may cerebellar degeneration, na ayon sa sinabi ng mga doktor kay Isabel ay wala pang cure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kami ng family ko, pray lang kami. Siyempre, wala namang imposible kay God, so pray lang kami nang pray. And thank God he's stable now, he's okay, walang infections, walang fever. Ano lang, under close monitoring lang siya ng doktor niya sa St. Luke's," saad ni Isabel.

In fact, kasama ni Isabel ang kanyang ama kahapon sa studio ng Showbiz Central.

"Pero okay na okay siya," sabi pa ng aktres.


Ano ba eksakto ang sakit ng kanyang ama?

"Ano siya, e, biglang yung brain daw... I dunno if left or right, bigla siyang lumiliit. So, unti-unting namamatay yung functions ng katawan niya.

"First, yung legs, hindi siya makalakad. Then, paunti-unti siyang naaano... Next yung pag nagde-deliver siya ng ano, hindi na siya masyadong clear na magsalita.

"Pero he's okay he's fine now," paniniguro ni Isabel.

RUMORED RELATIONSHIP WITH JAMES YAP. Ang sumunod naman na itinanong kay Isabel ay kung ano ba talaga ang tunay na ugnayan nila ng basketball player na si James Yap. Malakas kasi ang bulung-bulungan na sila na ni James, na ngayon ay nasa proseso ng pagpapa-annul ng kanyang kasal kay Kris Aquino.

"Actually, I have already said this a number of times, na James and I, we are friends. We're not dating, we're friends. Matagal na kaming magkaibigan. We were introduced by a common friend. I don't know why hindi talaga namamatay yung isyu."

In a recent interview, ang anak nina Kris at James na si Bimby mismo ang "nag-confirm" na may relasyon ang kanyang ama at si Isabel. Nang tinanong kasi ni Ricky Lo si Bimby kung sino ang girlfriend ng daddy niya ay sinabi nito ang pangalan ni Isabel. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Isabel dito? Na-meet na ba niya si Bimby?

"No," sagot ng aktres. "Pero siyempre, kilala ko siya. Sikat na bata yun ngayon, di ba? And he's so cute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko siya, nakita ko lang sa TV, pero never kaming nag-meet. Kaya parang nung nakita ko nga yung VTR, medyo na-surprise ako kasi mismong si Baby James naman ang nagsabi na never kaming nag-meet. Kaya parang paano naman niya ako makikilala?

"So, I really don't know kung bakit nasabi din niya yun. Pero never ko pa siya na-meet talaga."

Ready na ba siyang makilala si Bimby kung dumating ang panahon na magmi-meet sila?

"Kung magkita kami sa isang lugar, okay lang sa akin. Kaibigan ko yung dad niya, so why not, di ba?" sabi ni Isabel.

SAME LANGUAGE. In a previous interview, sinabi ni James na naging close sila ni Isabel dahil pareho silang Cebuano. (CLICK HERE to read related story.)

Aside from being a Cebuano, ano ang traits ni James na nagugustuhan ni Isabel dito bilang isang kaibigan?

"Actually ako, Cebuano ako, I speak Bisaya. Si James, he's from Escalante [Negros Occidental], he's Ilonggo, pero he speaks Bisaya very well. Kaya iba yung... Pag andito ka sa Manila, or even abroad, pag may nakikita kang Bisaya or Pilipino, sobrang iba, parang may koneksiyon agad. Mas madali yung communication, parang ganun.

"Si James naman, pag nakausap mo siya, hindi mo mararamdaman na isang James Yap siya. Sobrang humble and sobrang honest. Yun, 'yon si James, tahimik lang."

Sinabi naman ni Kris sa isang interview na nag-meet na sila ni Isabel dati. Sinabi rin ng TV host-actress na Isabel is very pretty, so kung maging sila man ni James ay boto raw siya. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Isabel tungkol dito?

"Compliment yun, from Ms. Kris Aquino, di ba, kung sabihan ka na pretty ka? Wala, thank you na sinabi mo yun. Sobrang big compliment yun for me," sabi niya.

FIVE MONTHS? Ano naman ang masasabi ni Isabel sa mga nasusulat na five months na silang may relasyon ni James?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe! Saan galing yun? Hindi, hindi talaga totoo, hindi talaga totoo 'yan," mariin niyang tanggi.

Saan ba nanggaling ang isyu na ito na lumaki na nga?

"I think last year pa 'yan, e, yung nagkita kami sa mall which is nag-hi, hello lang. Dun yata talaga nag-start 'yan. And then, nasundan nung birthday niya na in-invite ako, sunud-sunod na siya.

"Pero hindi kami yung lumalabas talaga. May mga parties lang ng mga common friends namin, birthday, tsaka lang talaga kami nagkikita," sabi ni Isabel.

Hindi sila nagde-date?

"No, hindi kami nagde-date, 'no!" diin niya.

Nililigawan ba siya ni James?

"Hindi rin ako nililigawan ni James," sagot ni Isabel.

TWITTER WORLD. Inamin naman ni Isabel na apektado siya sa mga komento at paninira ng ibang tao sa kanya sa social networking site na Twitter kaugnay ng nababalitang relasyon nila ni James.

"Yes, di ba, mundo natin yung Twitter, [parang] may sarili tayong mundo? Parang minsan kasi, for fun lang yun, di ba? Pero ngayon kasi, masyadong personal yung attack nila, like may mga stuff talagang sinasabi sila na hindi talaga maganda.

"Ako, being an actress, sanay ako sa mga intriga or mga issues. But my family kasi, medyo hindi pa nila kaya yun, medyo sila pa yung nasasaktan."

Humihingi ba siya ng advice mula kay James bilang isang kaibigan tungkol sa mga pang-iintriga at panglalait sa kanya ng ibang tao? Naikuwento ba niya kay James ang mga pangyayaring ito?

"Naikuwento ko sa kanya parang once lang yata. Pero actually, okay lang naman sa akin. Kasi kung happy sila na 'yon ang itu-tweet nila sa akin, kung happy sila, then fine.

"Kasi you can't please everyone. Parang sa akin lang, sana kung mag-tweet man sila, or kung magsulat man sila, sana hindi yung sobrang... I know opinion nila, pero nakakasakit na kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala, hindi na natin hawak yun, so okay lang siguro. Dapat fair lang siguro sila. Pero dapat alamin lang muna nila kung ano ba talaga. Pero sa akin, okay lang. Alam ko kung ano ang totoo, alam ko wala akong nasaktang tao."

Sa mga nagaganap, sa palagay ba ni Isabel ay naroroon si James para sa kanya bilang isang kaibigan?

"Oo naman, oo naman!" sagot ni Isabel. "Pag iyon, siyempre ito isyu, napag-uusapan din namin, na deadma na lang kasi... Pero alam mo yung 'Bakit? Ano ba ang nangyayari?'

"Actually, naaapektuhan lang din talaga kahit papaano yung friendship namin dahil sa isyu."

Naging awkward?

"Medyo naging awkward!" natatawang sabi ni Isabel.

"Awkward talaga yung... Parang, okay, sige, pag merong gathering or birthday na naman ng friend namin, ganyan... Marami kasi kami sa grupo, e, so parang may ano na, 'O sige, hindi na ako pupunta kasi mahirap na.'"

Sa huli, nagpasalamat si Isabel sa Showbiz Central sa pagbibigay ng pagkakataon na mailahad ang kanyang panig.

"At least nasabi ko yung side ko and sana, ito na yun, last na. Sana hindi na madagdagan pa ito, sana talaga kasi medyo nakakapagod na rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN