Lotlot de Leon not closing her door to settling down again

"I'm sure may mga iniisip siya na gusto talaga niyang umuwi. Pero siyempre, ang gusto niya, yung pagdating niya dito, yung settled siya. Ayaw din naman niyang umuwi na hindi siya settled, yung mangangapa siya kung ano'ng gagawin niya dito," says Lotlot de Leon about the "much-awaited return" of her mom, Nora Aunor.


Birthday ngayong araw, March 21, ng aktres na si Lotlot de Leon.

Noong Sabado, March 19, bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan ay nagsagawa ng feeding program at gift-giving ang aktres sa White Cross Orphanage sa San Juan City.

Ang naturang insititusyon ay kumakalinga sa mga bata mula 0 to 12 months na inabandona o sa kung anong kadahilanan ay nawalan ng mga magulang na mag-aaruga.

CHARITY WORK. After the charity event, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa Blufrog Bar & Restaurant sa Tiendesitas, kung saan nag-dinner ang aktres kasama ang kanyang mga anak at malalapit na kaibigan.

Ang unang itinanong ng PEP kay Lotlot ay kung bakit naisipan niyang magsagawa ng charity work sa White Cross.

"Dati po kasi, si Mommy [Nora Aunor], doon din nagpupunta nung bata ako. If I remember right, pag si Mommy nagpapadala ng bigas, ng pagkain, sa White Cross niya ipinapadala, tapos ako ang kasamang nagdadala nun. Yung mga bigas na naka-pack na at mga pagkain," sabi ni Lotlot.

Sinimulan ni Lotlot gawin ang kanyang sariling charity work noong Christmas of 2010.

"Opo, I used to go there, pero never pa akong nakapagpa-feeding. Dati, ang ginagawa ko lang, nagdadala ako ng mga clothes ng mga bata, mga toys nila, ganun. Pero never pa akong nagkaroon ng chance to be really with them, as in yung feeding na ganun.

"Sabi ko, uulitin ko talaga, ipinangako ko. Kasi ang tagal ko nang gustong gawin yun, e. Kaya lang dati, hindi ko alam kung paano sisimulan."

May kasunod ba ang pagdalaw niya sa White Cross? O sa ibang institution naman siya pupunta?

"Dun na muna siguro ako magko-concentrate," sagot ni Lotlot.

Kasama ni Lotlot sa pagpunta last Saturday sa White Cross ang mga kaibigan niyang aktres na sina Mymy Davao at Karla Estrada.

Ano ang naramdaman ni Lotlot habang kapiling niya ang mga bata earlier that day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya na malungkot kasi, di ba, pag nakikita mo yung mga bata... At saka ano lang ako, e, feeling ko kasi, isa ako sa kanila. So, malapit talaga yung puso ko sa kanila."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na adopted daughter si Lotlot nina Nora Aunor at Christopher de Leon.

"So, yung feeling na nakikita mo sila, walang mga magulang, walang... Tapos nandun, naghihintay na magkaroon ng mga magulang. Parang iba na, at an early age, meron na silang ganun, na exposed na sila sa hurt na dadalhin nila habambuhay.

"E, ang mga bata, dapat 'yan masasaya. Dapat naglalaro kasama ang mga magulang nila. They're given their right to study, yung mga privileges na ganun.

"E, siyempre itong mga batang ito, sila, wala sila nun, e. Although yung mga kagaya naman ng White Cross, yung ganung institution, ano naman sila, nagpapaaral din naman sila ng mga bata, pero they all rely on donations.

"So, masarap yung nakakabahagi ka nung ganun, yung alam mong may pupuntahan ng maganda yung... pinaghihirapan mo sa buhay. Na hindi lang ikaw ang nakikinabang kundi pati yung mga nangangailangan."

Dagdag niya, "Dapat lahat ng kinikita natin, hindi lang pansarili kundi dapat ibinabahagi rin sa mga nangangailangan. Kasi pag bini-bless ka ni God, definitely you have to share your blessings to others also.

"Tsaka masarap, masarap yung nakikita mo sila... na nakakapagbigay ka ng ngiti sa mga bata."

BIRTHDAY WISH. Ano ang birthday wish ni Lotlot?

"Magtuluy-tuloy ang trabaho ko, makabili ako ng bahay, ma-settle ko yung sarili ko. Kasi pag alam kong na-settle ko na talaga yung sarili ko, alam ko mase-settle ko yung mga anak ko," sabi niya.

Bukas pa ba ang puso ni Lotlot para sa isang bagong pag-ibig?

"Opo, bakit hindi? Kung ibibigay ng Diyos, bakit hindi?"

Sa tingin niya, kapag nakatagpo na siya ng panibagong lalaking mamahalin ay magiging okay dito ang dati niyang asawang si Ramon Christopher?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I think so. Kasi 'yon din naman ang hiling ko para sa kanya," sagot ni Lotlot.

Napapag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Hindi na, hindi na po."

Pero are they in good terms?

"Yeah, pero hindi na namin pinag-uusapan yung mga personal. Yung personal niya, sa kanya na yun. Yung sa akin, sa akin na yun."

Ang mga anak ba nila, matatanggap din kapag nagmahal muli si Lotlot?

"Opo," tugon niya.

Tinanong ba niya ang mga ito?

"Opo. Tinanong siyempre. And in the many years... Nine years na yata akong separada, wala naman akong ipinakilala sa kanila na kahit na sino, e. So, feeling ko, kung sakali mang darating yun, maiintindihan nila yun."

Ngayong mismong araw ng kaarawan niya ay magtatrabaho si Lotlot dahil may taping siya para sa afternoon soap ng GMA-7 na Nita Negrita.

Anong feeling na birthday niya mismo ay nagtatrabaho siya?

"Okay lang, blessing yun," sabi niya.

NORA'S RETURN. Ilang linggo nang laman ng balita ang diumano'y pagbabalik ng ina ni Lotlot na si Nora Aunor sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Superstar.

Ano ang reaksiyon dito ni Lotlot?

"Nakakatawa, kasi pati din naman ako nag-hihintay, e," sabi niya.

Hindi raw ni Lotlot alam ang plano ng mommy niya.

"At saka kay Mommy naman, I'm sure may mga iniisip siya na gusto talaga niyang umuwi. Pero siyempre, ang gusto niya, yung pagdating niya dito, yung settled siya. Ayaw din naman niyang umuwi na hindi siya settled, yung mangangapa siya kung ano'ng gagawin niya dito.

"Siyempre, gusto niya yung pagdating niya, may gagawin na siya, may sisimulan siya, may matitirhan siyang maayos, maayos yung magiging buhay niya habang nandidito siya.

"Kasi doon [sa U.S.], settled na siya, e. So, gusto niya siyempre pagbalik dito, ganun din, di ba? Pero babalik yun, imposibleng hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN