Sarah Geronimo and Gerald Anderson give each other advice on love

"Kailangan pala ipinagdarasal din natin yung love life natin. Hindi yung nagiging impulsive tayo. Hindi yung, 'Gusto ko siya, gusto ko siya, liligawan ko na siya. Dapat maging kami na.' Dapat may discernment ka rin. Humingi ka ng discernment kay Lord. 'Lord, siya ba talaga?' Humingi ka ng sign. Alam ko, hindi yun gawain ng lalaki," this is Sarah Geronimo's advice to leading man Gerald Anderson on love.


Parehong galing sa successful team-up/loveteam sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Si Sarah, sa kanyang back-to-back blockbuster movies with John Lloyd Cruz; si Gerald naman with his loveteam with Kim Chiu.

Pero ngayon ay pinagsama sila ng Star Cinema at Viva Films sa pelikulang Catch Me, I'm In Love, na ipalalabas na sa March 23. Kaya marami ang nag-aabang kung magiging successful ba ang tambalan nila gaya ng team-up nila kina John Lloyd at Kim.

Sa live interview ni Boy Abunda kina Sarah at Gerald sa The Buzz kahapon, March 20, maraming mga katanungan—propesyunal o personal man—ang sinagot ng dalawa.

FEARS ABOUT THEIR TEAM-UP. In as much as good decision ang pagsasama nilang dalawa sa pelikula, ano ang mga takot na nakapaloob sa kanila?

Ani Gerald, "Siyempre, ito ang first time na magkasama kami ni Sarah. Bukod doon sa ASAP, Your Song, Love Spell, wala, e. Yung pressure, nandoon. Just to be successful, period. Siyempre, gusto namin 'yan."

Tinanong ni Boy si Gerald kung natakot din ba siyang ma-in love kay Sarah?

Pero biglang nag-react ang Pop Princess at sinabing, "May ganyan? Nakakahiya naman. Puwede pong mag-walkout dito? May ganoon? Nahiya naman ako do'n!" Saka tumayo si Sarah at tumawa.

Sagot naman ni Gerald, "Natakot? Wow! Siyempre, kung na-in love na ho ako, hindi naman nakakatakot yun, di ba? I mean, ang ganda-ganda naman po ni Sarah."

"Etchos! Chicken!" natatawang hirit naman ni Sarah sa sinabi ng kanyang leading man.

Hindi binitiwan ni Boy si Gerald sa tanong. Sa umpisa pa lang ba nang malaman nitong magtatrabaho sila ni Sarah ay sumagi ang takot na baka ma-in love siya sa kanyang leading lady?

"Opo, nandoon po talaga yun," sagot ni Gerald. "Siyempre, sa eksena namin, si Sarah pa ho ang kinikilig. Minsan, sa lapit ng eksena namin, nandiyan ang tumatalsik ang laway."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Sarah ang sinabi ni Gerald.

Aniya, "Hindi ako kinikilig, nako-conscious. Pero may mga eksenang kinilig talaga ako."

Tulad ba ni Gerald ay nakaramdam o nagtanong din si Sarah sa kanyang sarili na: "What if I fall in love with Gerald?"

"Well..." sambit ni Sarah at saka ito natawa.

Pero aniya, "Ako po kasi, mabilis din akong ma-fall in... Siguro po sa mga pinagdaanan ko, okay na ako ngayon, alam ko na. And si Gerald, hindi naman po sa pag-aano, napaka-gentleman lang niyang tao. "

OVERPROTECTIVE MOTHERS? Bukod sa kanilang mga fans, kanino iniaalay nina Sarah at Gerald ang kanilang pelikula?

Ani Gerald, "Siguro po ako, sa bodyguard ko—sa nanay ko. Kasi yung nanay ko, yun ang bodyguard ko. At kapag may nang-aaway sa akin, talagang sobra siyang protective sa akin."

Sabi naman ni Sarah, "Sa family, yun nga po, si Mommy. At this point in our career, talagang ang laki-laki ho, hindi matatapos ang pasasalamat ko sa parents ko. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako, maayos pa rin akong nakakapagtrabaho.

"Hindi ba, alam po nating medyo magulo sa showbiz? Pero dahil sa guidance ng mommy ko... na-retain ko pa po ang values ako."

Parehong sinasabing "overprotective" ang kani-kanilang ina—ang Mommy Vangie ni Gerald at ang Mommy Divine ni Sarah.

Ano ang mensaheng gusto nilang iparating sa kanilang mga ina?

Ayon kay Gerald, "Alam na niya yun, e. I'm very thankful that I have a mother like her. No one in this world can ever replace her, sa akin. Kasi, mula bata pa lang ako, kapag sa school siyempre may nang-away sa akin, nandoon siya, ipaglalaban niya ako.

"Up to this day, she's always by my side. So, yung ginagawa ko noon hanggang ngayon, kulang pa yun sa mga ginawa niya para sa akin."

Ayon kay Boy, ang Mommy Divine daw ni Sarah could be the "most misunderstood mother" in showbiz. Marami na raw itong pinagdaanan, pero karamay pa rin ito ng young singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe naman ni Sarah sa kanyang ina: "Ako po, bilib na bilib na bilib po ako sa strength ni Mommy. Yung faith niya po sa Diyos, yung faith niya sa plano ng Diyos sa akin, ibang klase po. Ibang klaseng magmahal si Mommy.

"May mga times na hindi ko siya maintindihan," pag-amin niya. "Pero in the end, nandoon yung realization na 'tama ang mommy ko, tama.' At sobra, hindi ko po alam kung paano ko po siya pasasalamatan dahil marami pa akong maaaring magawang mistake.

"Pero dahil sa nandiyan ang mommy ko, hindi niya ako nilulubayan. Kahit sabihin ko pa na, 'Mommy, ang kulit mo naman, e,' nandiyan pa rin. Tama po siya, tama ang magulang."

ADVICE ON LOVE. Sa puntong ito ay napag-usapan ang naganap na pagbabati ni Sarah at ng nakaalitan niyang si Cristine Reyes. Nagsimula ang lahat dahil sa isang lalakeng naugnay sa kanilang dalawa—si Rayver Cruz. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos ikuwento ni Sarah ang ginawa niyang paglapit kay Cristine sa backstage ng ASAP Rocks, tinanong ni Boy sina Sarah at Gerald kung ano ang maibibigay nilang piece of advice sa isa't isa tungkol sa pag-ibig.

Gaya ni Sarah, naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Gerald noong isang taon dahil kina Kim Chiu at Bea Alonzo.

"Siguro alamin muna kung mahal talaga," sagot ni Gerald.

Nag-dare naman si Boy na kay Sarah daw ito sabihin ni Gerald.

Kaya tanong ni Gerald kay Sarah: "Sigurado ka sa sarili mo na mahal mo siyang talaga?"

"Naging sigurado naman ako, e!" natatawang sagot ni Sarah sa kapareha.

Ang advice naman ni Sarah kay Gerald ay ito: "Everything happens for a reason. At saka, yun nga, kailangan pala ipinagdarasal din natin yung love life natin. Hindi yung nagiging impulsive tayo. Hindi yung, 'Gusto ko siya, gusto ko siya, liligawan ko na siya. Dapat maging kami na.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat may discernment ka rin. Humingi ka ng discernment kay Lord. 'Lord, siya ba talaga?' Humingi ka ng sign. Alam ko, hindi yun gawain ng lalaki."

Tinanong naman ni Gerald si Sarah kung ginawa raw ba niya yun.

"Oo, pero blinded kasi ako!" natatawang sagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN