Geoff Eigenmann's wish on his 26th birthday: "I don't want anything to change... because I'm really happy right now."

"I couldn't ask for anything more. As is na 'to. Sana tuloy-tuloy na 'to. Happy talaga. No complaints. I'm really blessed," says Geoff Eigenmann who turns 26 tomorrow, March 23.


Nagdaos ng kanyang birthday-fans day si Geoff Eigenmann sa isang events venue sa Scout Tobias, Quezon City noong Sabado, March 20, na inorganisa ng kanyang Hanford family at fans. Pero ang actual na birthday ni Geoff ay bukas pa, March 23.

Sabi ni Geoff sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "This is one of the few times na nagagawa ko 'to. I'm very happy kasi maraming mga new faces at marami rin old faces na matagal ko nang hindi nakikita [ang pumunta]. Kasi before, some of them, pumupunta talaga sa taping, bumibisita. Ngayon ko lang ulit silang nakita after five years.

"Tapos, yung mga nag-set-up nito, mga fans din namin ni Carla [Abellana, Geoff's girlfriend]. Like, nakikita ko sila sa PPL office. They really go there every day, discussing kung ano ang mangyayari ngayon.

"Ang sarap-sarap kasi, may mga familiar faces na nakikita namin sa Party Pilipinas. Yung iba, nakikita namin sa mall shows. Nakakataba talaga ng puso."

Naaliw rin si Geoff dahil marami raw sa mga fans ang nagre-react sa tila pagiging mean niya kay Carla sa early primetime series nilang Magic Palayok.

"Nagtatanong sila bakit daw ang sama ko sa kanya, kasi para kaming aso't pusa, yun yung mga character namin sa show. Lalo na kapag nilalait ko ang luto niya!" natatawang kuwento ng young actor.

SURPRISE FROM CARLA. Bukas, March 23, ang actual birthday ni Geoff. Ayon kay Carla, na kasama rin ni Geoff noong gabing yun, may nakahanda na raw siyang surprise gift para sa kanyang kasintahan. Although, si Geoff daw ay napakadali namang i-please at kahit anong regalo ay okay lang dito.

Tinanong ng PEP si Geoff kung na-e-excite ba siyang malaman ang inihandang surprise sa kanya ng girlfriend.

"Of course, regalo yun," sabi niya. "Basta, I don't know anything. Wala akong napapansin na pinaplano niya, so magaling siyang magtago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang birthday wish niya?

"I don't want anything to change... because I'm really happy right now. I couldn't ask for anything more. As is na 'to. Sana tuloy-tuloy na 'to. Happy talaga. No complaints. I'm really blessed."

Is this is his happiest birthday?

"Yeah, definitely! My birthday the past three years, memorable talaga," sabi niya.

Si Carla ba ang rason?

"Maraming reasons but she's the main one, definitely," sagot ni Geoff.

Wish ng mga fans nila na hindi na raw sana sila magkahiwalay at silang dalawa na ang magkatuluyan. Sagot naman ni Carla ay sana nga raw at sabay-sabay silang magdarasal.

Ayon naman kay Geoff, "Sana, that's also my wish. Definitely... kasama ito sa official happiness ko. I haven't been like this for a long time and I really would like to keep things this way."

Ngayong Holy Week, nagpaplano na raw silang dalawa ni Carla kung saan lugar nila gustong pumunta. Wish daw nila ang makapag-beach. At ang plano rin nila, kasama ang both families nila.

"We're planning to go to the beach or Tagaytay, bahala na. May mga choices, pero wala pang napa-finalize," sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN