Marvin Agustin wants to help amateur cooks through Kitchen Superstar

Noong una raw ay nagkaroon ng problema ang pagtanggap ni Marvin Agustin sa Kitchen Superstar.

"Kasi ang dami kong ine-endorse, e. Del Monte, Tupperware. Pero mukhang nag-unite naman sila para sa show," kwento niya.

Aside from the one-million-peso cash prize, the winner of the cooking reality show could host a cooking show or open a restaurant.


Natutuwa ang aktor na si Marvin Agustin sa kanyang unang reality show. Ito ang Kitchen Superstar ng GMA-7, isang search sa pinakamagaling na non-professional cook sa Pilipinas.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marvin sa unang audition para sa Kitchen Superstar na ginanap noong February 19 sa SM Skydome sa SM North, Quezon City.

Sa panayam ay sinabi ni Marvin na agad niyang tinanggap ang offer na mag-host ng naturang programa dahil may koneksiyon ito sa isa sa kanyang mga passion—ang food business.

May-ari si Marvin ng ilang restaurants sa Metro Manila, tulad ng John and Yoko, Sumo Sam, at Cafe Ten Titas.

"Actually nung in-offer sa akin 'to, sobra akong honored, sobra akong natuwa dahil nung in-explain nila sa akin kung papaano mangyayari yung show, parang bibigyan namin ng pag-asa yung mga cooks. Hindi sila kailangan professionally-trained, hindi sila kailangang nag-aral.

"Tuwang-tuwa ako kasi, in a way, pinagdaanan ko yung pinagdaanan nila. Nung panahon na nagsisimula ako, hindi naman ako nag-aral. Ni hindi nga ako nakapag-college, pero sa dami lang ng taong tumulong sa akin, siyempre, naniwala rin ako sa sarili ko, nagkaroon ng mga katuparan ang mga pangarap ko," paliwanag ni Marvin.

Ang mga contestant sa Kitchen Superstar ay amateur cooks at chefs. Pinagbawalang sumali ang mga propesyunal na mga chef, o mga graduate ng culinary schools.

Ang mga puwedeng sumali ay ang mga taong hilig talagang magluto, tulad ng mga may-ari ng maliliit na karinderya, o mga ina ng tahanan.

"Kasi pag pinagsama-sama mo yung sobra nang skilled, talo naman si Nanay, na ang alam pa lang e, adobo at sinigang. Dito kasi sa show, hindi lang sila basta-bastang maglalaban. Tuturuan namin sila. We have professional chefs para maggabay sa kanila," paliwanag ni Marvin.

Bukod sa one-million-peso cash prize, may ilan pang premyo ang ino-offer, tulad ng paglabas sa cooking show, o pagtatayo ng sariling restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Depende talaga kung sino ang mananalo, e. Kung gusto niya magkaroon ng sariling restaurant, we could go in that direction. Since nandun naman yung negosyo namin.

"Pero kung gusto niya munang magsimula, be an employee of our group, oong-oo. Yung mga [business] partners ko actually very, very excited sila, kasi 'yan na naman, may tiyansa kaming makapagbigay pag-asa sa isang tao," pahayag ni Marvin.

Bukod sa pagiging host, magsisilbi rin daw na inspirasyon sa mga contestant si Marvin.

"Ako naman, I can guide them sa business knowledge! Paano magpatakbo ng restaurant, paano sumunod sa chefs. Kasi parang katulad nila ako na common sense lang.

"Ang dami kong pinagdaanan sa buhay, and I never imagined myself to be in the position I am now.

"Kaya ngayon, sabi ko nga, I will be with them through the challenges and struggles sa show. Sa dami ng challenges at struggles ko sa buhay, lumaban din lang ako, at may kapalit na tagumpay pag hindi ako sumusuko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN