Karel Marquez is a separated woman at 24; she focuses on kids and career

"It's so hard kasi, e, mabigat kasi yung... Isipin mo, I'm 24, I'm a young mom. Parang yung pinagdaanan ko, pang-adult na talaga," says Karel Marquez about her separation from husband Armand de Guzman.


Kung kailan unti-unti nang nakakabalik sa showbiz si Karel Marquez ay siya namang pagkawasak ng kanilang samahan ng kanyang asawang si Armand de Guzman.

Inilahad ni Karel ang paghihiwalay nila ng former actor turned model-businessman husband niya sa Paparazzi noong Linggo, March 20.

Pero bago sumagot si Karel sa mga tanong ng press sa kanya sa "Presscon Express," nagpasalamat muna siya sa magandang comeback niya sa showbiz.

Halos dalawang taon huminto sa kanyang showbiz career si Karel mula nang mabuntis siya sa kanyang unang anak.

Nagsisimula na sa GMA-7 ang kanyang acting career nang magdalantao siya. Walang ibang choice si Karel kundi iwan ang showbiz para sa kanyang bubuing pamilya.

Nang bumalik siya bilang kontrabida sa Babaeng Hampaslupa sa TV5, marami ang pumuri sa husay ng kanyang pagganap.

"Very thankful," sambit niya. "Ito talaga ang una kong role na... Before na nag-lie low ako sa showbiz, medyo pa-tweetums lang or teenager kontrabida. So ngayon, binigyan ako ng serious role na kontrabida at talagang thankful ako. Ginagawa ko yung best ko talaga. Pero siyempre, baka tumanda rin ako kaya pinagbubutihan ko."

Hindi raw kaya ni Karel na iwan nang tuluyan ang pag-aartista.

"The work itself, yun ang nakaka-miss. Workaholic talaga ako," sabi niya.

Wala raw ibang ginawa si Karel nang mawala siya sa showbiz kundi ang asikasuhin ang kanyang pamilya.

"Yung mga kids ko lang talaga basically. Yung panganay ko, kaka-two years old lang niya last Monday [March 14], yung isa magwa-one year old na next month.

"Basically, simple housewife lang, taking care of my kids, focusing lang on my family," pagsasalarawan niya sa buhay niya.

BROKEN MARRIAGE. Sa kabila nito, nauwi pa rin sa hiwalayan ang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Armand de Guzman.

"Actually, wala naman talagang problema no'ng nag-start ako sa showbiz... just recently nga lang," sabi ni Karel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi itinanggi ni Karel na siya mismo ang umalis sa kanilang tahanan. Kasama niyang umalis ang dalawa nilang anak.

"In fairness naman, as of this moment, civil kami. Although hindi kami nag-uusap, he has communication naman with my family. Kahit hindi ko sinasabi, nagbibigay siya ng mga... yung sustento."

Walang malinaw na detalyeng sinasabi si Karel sa dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang asawa kundi misunderstanding lang, o hindi nila pagkakaunawaan.

"Siguro, hindi lang kami nagkakaintindihan sa priorities namin. Love is there. Right now, I respect him kahit hindi maganda yung paghihiwalay namin.

"He's still the father of my kids. Kahit anong mangyari, I don't wanna say bad [things] about him, pero may mga pagkakamali kami na hindi na siguro maayos," saad niya.

Wala raw balak si Karel na ipagkait ang kanyang mga anak sa kanilang ama kahit hiwalay na sila.

"Kasi ako, I don't wanna be selfish... If he asks na gusto niyang makita yung mga bata, I will let him. Actually, nangyari na nga recently. Although, hindi kami nagkikita, through driver lang, through my mom, makikipagkita sa mall. Gano'n lang," paliwanag niya.

HER PARENTS' REACTION. Ang mga magulang ni Karel ang tinakbuhan niya noong umalis siya ng bahay. Pero sandali lang daw 'yon at kumuha na siya ng sarili niyang lugar para sa kanila ng kanyang dalawang anak.

Hindi lang makapagsalita si Karel kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang mga magulang sa pinagmulan ng kanilang away na mag-asawa.

"It's so hard kasi, e, mabigat kasi yung... Isipin mo, I'm 24, I'm a young mom. Parang yung pinagdaanan ko, pang-adult na talaga.

"Kahit nanay ko yata hindi mai-imagine na mangyayari yun sa kanya. But both my dad and my mom were there to support me," sabi ng anak ng aktres na si Pinky Marquez.

BATTERED WIFE? Mariin namang itinanggi ni Karel ang nababalitang isa siyang battered wife, at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit niya hiniwalayan ang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, no, no," sabi niya. "There may be words na hindi lang maganda. Siguro hindi lang naging healthy yung relasyon namin."

Itinanggi rin ni Karel na psychologically battered siya ng kanyang mister.

"Hindi naman. Siguro hindi lang talaga healthy yung gano'n. Kahit sabihin naming mahal na mahal namin ang isa't isa, there has to be a respect sa isa't isa."

Isa rin raw sa mga rason na ipinupunto ng hiwalayan ay ang pagiging insecure ng asawa nito sa kanyang career. Dahil minsan itong nag-artista at hindi na nakabalik sa showbiz.

Ano ang masasabi ni Karel dito?

"Hindi ko naman siya ma-judge. I don't wanna say anything bad about him," iwas niyang sagot.

LESSONS LEARNED. May mga natutunan rin raw si Karel sa mga pinagdaanan niya at sa pinagdadaaan niya ngayon.

"Na wag masyadong maging gullible. I'm stronger now. I don't need a man para mabuhay. Hindi pa ako handa sa love life na 'yan. Ngayon, I'm focusing on work. 'Yan ang natutunan ko ngayon and hindi na ako magpapaka..." putol niya sa susunod niyang sasabihin.

Iniyakan din daw ni Karel ang paghihiwalay nila ng asawa.

"Gano'n talaga, lalo na no'ng fresh pa, mga two weeks. But at the end of the day, kahit busy ako sa work, out with new friends, and yung mga old friends ko, nakikita ko uli, mapapaisip ka talaga."

Naramdaman daw ni Karel yung feeling na natatakot siyang umuwi dahil sa kung ano ang madadatnan niya, at aalis siya the next day dahil hindi siya naiintindihan ng kanyang kasambahay.

"Pero ngayon, wala na akong gano'n," sabi niya.

Isa sa natatandaan ni Karel na sinabi sa kanya ng kanyang mommy ay ito: "Just be yourself. Live the life you've lost. Work harder dahil nandiyan na ang blessing."

Wala raw annulment na magaganap sa kanilang kasal ni Armand dahil hindi sila legal na ikinasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, we only had a ritual... a wedding in Australia. But there were no papers. Technically, hindi kami kasal. Wala ng annulment o divorce," sabi niya.

Apat na taon raw nagsama sina Karel at Armand, pero kahit may mga nakikita na siyang problema hindi siya bumitiw rito.

"Mahal ko kasi siya, e. Mahirap, e. I have to be strong," diin niya.

Simple lang ang mensahe ni Karel sa kanyang asawa: "Just be happy. Focus on your work. Ituwid natin ang buhay nating dalawa."

Maliban sa kanyang career, babalik din daw sa kanyang pananampalataya si Karel. Inamin niyang matagal siyang hindi nagsisimba at gusto niyang muling ilapit ang sarili sa Diyos. Katunayan, nagsisimula raw uli siyang magsimba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN