Enzo Pineda admits being attracted to Louise delos Reyes; says he and Sarah Lahbati have decided to be just friends

Young actor Enzo Pineda has turned his attention to Alakdana star Louise delos Reyes (inset, top), after his efforts to woo Sarah Lahbati (inset, bottom) failed.


Hindi na naitago ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang kanyang paghanga sa bida ng telefantasya na Alakdana na si Louise delos Reyes.

Na-corner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enzo sa launch ng bagong issue ng Garage magazine sa Opus Bar sa Resorts World Manila last Monday, March 21.

Ayon kay Enzo, nakilala niya si Louise nang minsang mag-guest ang dalaga sa Party Pilipinas para mag-promote ng Alakdana. Nagandahan daw siya rito at inalam daw niya kung paano ito makaka-usap. Through a common friend ay nakilala niya nang personal si Louise.

Natuwa rin daw ang young actor dahil nalaman niyang marami silang mga bagay in common ni Louise.

"Nagkuwentuhan kami ng matagal. Doon ko na lang nalaman na may mga bagay na gusto niya na gusto ko rin. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya in a way, mas na-attract ako sa kanya.

"Since then, patuloy ang communication namin. Text, tweet, at minsan kapag hindi kami busy, tinatawagan ko siya. I want to know her more and maganda naman ang naging simula namin as friends," sabi ni Enzo.

May nakakita nga kay Enzo na bumisita sa set ng Alakdana; nagdala pa raw ito ng pagkain para kay Louise. Natawa na lang si Enzo, pero kinumpirma niyang dumalaw nga siya sa set.

"Wala naman sigurong masama kung bisitahin mo ang kaibigan mo sa trabaho niya. Hindi naman ako nakaabala sa kanya. May pasalubong lang ako for her. Hindi naman ako nagtagal doon kasi alam ko busy siya.

"Gesture ko lang naman 'yon bilang kaibigan. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko. May gusto lang naman akong pasayahin na tao," nakangiting sabi ng binata.

NOT YET COURTING. Nilinaw ni Enzo na hindi pa niya sinisimulan ang panliligaw kay Louise. Gusto raw muna niyang makilala ang buong pamilya ng dalaga bago siya pormal na manligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mother pa lang ni Louise ang nakilala ko," sabi niya. "As a gentleman, nagpakilala muna ako sa mommy niya. Gusto kong ma-meet ang family niya, yung daddy niya, at mga kapatid niya.

"May nagsabi nga sa akin na mga pulis daw ang mga kapatid ni Louise kaya dapat maging seryoso ako kapag nagsimula na akong manligaw. Tapos sa Cavite sila nakatira kaya dapat doon ko puntahan si Louise.

"Sa akin naman, walang problema. Kung sino ang dapat pakisamahan, gagawin ko. Kahit saan pa nakatira si Louise, pupuntahan ko siya. Gano'n naman talaga kung seryoso ka sa isang girl, di ba?"

WHAT ABOUT SARAH? Tinanong namin si Enzo kung paano na ang nabuong loveteam nila ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati?

"Kami naman po ni Sarah, may pinagkasunduan na kami. We will stay friends na lang," sabi ni Enzo.

"Wala naman kaming hindi napagkasunduan ni Sarah. We work together very well at gustung-gusto ko siyang makatrabaho talaga.

"Sinabi ko na noon at hanggang ngayon naman, isa si Sarah sa mga close na girls sa akin and she's one of my best friends in the business. May mga tao talaga na meant na maging friend mo na lang. Gano'n kami ni Sarah. And naiintindihan naman namin ang isa't isa.

"Pero that will not stop us from working with one another. May show nga kaming pagsasamahan ni Sarah, isang danceserye saka sa Party Pilipinas."

Alam ba ni Sarah na may iba nang pinagbabalingan ng atensiyon si Enzo?

"Opo, alam ni Sarah ang tungkol kay Louise," mabilis na sagot niya.

"Okey naman po kay Sarah. Walang problema. Okey na kami ni Sarah as friends. Hanggang friendship lang daw kasi ang puwede niyang ibigay din sa akin for now.

"Sarah will always be special to me kasi nga matagal na rin ang pinagsamahan namin since StarStruck. Alam ko na masaya siya para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN