RARE SHOT: Ex-couple John Lloyd Cruz and Liz Uy have remained good friends

Although her face was unmade-up, Liz Uy graciously allowed this writer to take her photo with ex-boyfriend John Lloyd Cruz, one of ABS-CBN's most-prized talents.


Kaninang hapon, March 24, nagkita ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Liz Uy sa Summit Studio sa Pasig City.

Nagkataong magkasabay ang photo shoot ng dalawa sa iisang lokasyon—si John Lloyd, para sa isang feature sa YES! magazine, at si Liz, para sa article sa isang women's magazine.

Hindi naman nagkagulatan ang ex-sweethearts. Nasabihan na ang dalawa ng photographer na si Ronnie Salvacion nang nakita ni Ronnie na magsasabay sa Summit Studio ang dapat ay magkasunod na shoot nila. Si Ronnie ang photographer ng kani-kanilang shoot para sa magkaibang mga magasin.

Bandang alas-tres ng hapon dumating si Liz na wala pang makeup at nakasuot ng all-black outfit at naka-shades.

Noong panahon iyon, kinukunan pa rin ng pictorial si John Lloyd.

Binati ng sikat na stylist at Preview contributing fashion editor ang aktor. Agad namang lumapit ang Imortal star upang makipag-beso, sabay hug. Nagbiruan ang dalawa at nag-usap sandali.

Matapos ang kanilang maikling kuwentuhan, tinuloy ni John Lloyd ang shoot sa studio proper, habang si Liz naman ay pumasok na sa dressing room para magpa-makeup.

Sa loob ng dalawang oras, madalas magsalubong ang landas ng dalawa dahil iisa lamang ang makeup/dressing room sa naturang studio at maraming costume changes si John Lloyd.

Nang matapos ang shoot ng actor/matinee idol bandang alas-singko ng hapon, nagpaalam ito sa lahat ng tao sa studio, including Liz. Akala ng lahat ay papunta na ng kotse niya ang binata, na nagsabing meron siyang bisitang naghihintay sa bahay.

Ngunit ang pagpapa-alam niya kay Liz ay nauwi nang pag-uusap na nagtagal ng mahigit-kumulang ng 15 minutes. Nakatayo lang sila sa isang parte ng dressing room, habang nasa malapit lang nila ang isang tropa ng writers, stylists, makeup artists, assistants at iba pa.

Matapos nito ay saka nagpaalam ulit si JL/Lloydie sa lahat. Bago ito tuluyang umalis, nagbiro pa ito ng, "Ito na talaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin na walang ilangan, na kumportable, ang dalawa sa isa't isa. Sinabi nila noon na maganda ang naging samahan nila, at bagamat ang anumang breakup ay may dalang matinding lungkot, sinabi rin nilang magkaibigan pa talaga sila. Sa Summit Studio, nakita ngang walang anumang tensiyon o alitan sa pagitan ng dating magkasintahan kahit na halos tatlong taon din ang naging relasyon nila.

Sa kasalukuyan, may kaniya-kaniyang buhay na ang dalawa. Si John Lloyd ay boyfriend ng aktres na si Shaina Magdayao, habang si Liz ang nali-link ngayon kay Direk Lino Cayetano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN