Dawn Zulueta makes a comeback to the boob tube in Mula sa Puso; signs two-year contract with ABS-CBN

Dawn Zulueta on how to handle showbiz intrigues: "It's not naman kasi also good as a public figure and personality, you try to also bear in mind that people are watching you. And siyempre, you have fans so there are also those who would emulate you and admire you. Siyempre, iingatan mo din yung galaw, iingatan mo din magsalita. Ayaw mo makasakit ng tao so you have to be careful also of what you say, how you behave in public. Like I said, you choose your battles, hindi na lang laha


Dalawang taon na ang nakalipas mula nang naging parte siya ng isang teleserye, at ngayon ay nagbabalik ang magaling na aktres na si Dawn Zulueta sa teleserye bilang Magda sa remake ng Mula sa Puso (1997).

BEING IN ABS-CBN. "I am very excited to be part of a project as big as this and also with the Kapamilya network. I love working here in ABS-CBN," ang masayang pagbati ni Dawn sa mga miyembro ng press na dumalo ng press conference ng Mula Sa Puso kahapon, March 24, sa 14th floor ng ELJ Bldg, sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Dagdag pa niya, "Natuwa ako na inanyayahan nila ako na sumali sa network nila and then meron pa akong teleserye.

"Coming from pahinga, getting pregnant, giving birth, and then getting back into shape. It is good to be working again!" bulalas ni Dawn.

Ang ABS-CBN series na Lastikman, topbilled by Vhong Navarro, ang huling project ni Dawn bago siya nagpahinga.

Kaugnay ng paggawa niya ng teleseryeng ito ay ang pagpirma niya ng two-year contract sa Kapamilya network.

"Well, maganda yung in-offer nila sa akin. And I want, and I can see myself busy, for the next two years, so why not with the Kapamilya network?" sabi ni Dawn.

Pagkatapos niyang gawin ang Mula Sa Puso, sinabi ni Dawn na meron siyang iba pang mga balak na gawin.

"Sa teleserye pahinga muna [ako after this]. Kasi ang hirap ng trabaho. That's why I do look forward to resting after this. Tapos, hopefully maiba naman ang gagawin ko—either I host a show or maybe I go back to the stage or do a movie," saad ng beteranang aktres.

Isa din sa mga naobserbahan ni Dawn ay ang magagandang facilities ng Kapamilya network.

"If you compare— and I do 'cause I switch channels—makikita mo naman yung brilyo. Iba ang brilyo 'pag nanonood ka sa ABS-CBN. Yun ang napansin ko. It is nice to work in a company na alam mo yung facilities nila, improved. Everything is hi-tech...cameras. Siyempre, para sa aming mga artista, teknikal kami, naa-appreciate namin na, 'Parang dito mas maganda ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit diniin ni Dawn na wala siyang anumang masamang tinapay sa ibang mga TV networks.

"In this industry naman kasi there are only permanent interests. So hindi mo naman pwede sabihin na forever nandito ka," sabi ni Dawn.

ON NEW BREED OF ACTORS. Bukod sa Mula Sa Puso ay kasama din si Dawn sa Star Cinema movie na Catch Me...I'm In Love, na pinagbibidahan nila Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ginampanan niya dito ang role ng nanay ni Gerarld at First Lady ng bansa.

Nagbigay naman ito ng papuri sa mga nakasamang young actor at actress.

"I only have compliments for the two children. They are very professionals. I must say I am impressed because they are very hardworking, and they are very good performers. Hindi ako at all nahirapan working with them, they are joy to work with," paglalarawan ni Dawn.

Pinuna din niya ang mga maliliit na bagay na masasabi niyang professional sa mga batang artistang kanyang nakatrabaho.

"Nakakakilig sila. Tahimik lang sila sa set. Most of them, natutuwa ako sa kanila kasi ang gagaling nila. Nakita ko na yung training nila dito sa ABS-CBN. Magaling sa mga baguhan kasi nakikita ko habang nagtratrabaho kami na they come prepared, they know their lines, fresh ang mind nila. So that's good when you are starting," sabi ni Dawn.

WITH HUSBAND'S NOD. Hindi naman din daw naging problema ang basbas ng kanyang asawa na si Davao Del Norte Representative Antonio Lagdameo.

"Okay lang naman. Kasi part of the deal is that I would only be working three days a week and meron din naman akong cut-off time, so okay lang 'yon sa kanya. He only made sure sure na meron akong time for the kids at hindi ako masyadong napapagod. So okay lang naman," ang malumanay na pahayag ni Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang cut-off time ni Dawn para sa proyektong ito ay alas-dos ng madaling araw.

Paliwanag ni Dawn," Because I already know how my body works and that I can only function well until that time. Beyond that, yung quality of work ko naman ang magsa-suffer, and I don't want that to happen," aniya.

Sa kasalukuyan ay meron nang dalawang anak si Dawn at ang kanyang asawa. Ito ay sina Jacobo, 5, at si Ayisha, 1 year and 9 months.

ON HER KIDS. Ayon kay dawn, kuntento na silang mag-asawa sa dalawang anak.

"Ako kasi I'm happy with Jacobo and Ayeesha and mahirap na ako magbuntis. In as much as I would like to have more children, I really would like to but mahirap na," sabi ni Dawn.

Dagdag pa niya, "Ayaw na din niya [Rep. Lagdameo]. Actually kasi nahihirapan na siya para sa akin. So siya na yung unang nagsabi na... habang pinagbubuntis ko pa lang yung pangalawa ko, sabi niya, 'Siguro last na ito tutal may babae na tayo at may boy and girl na kasi nahihirapan na ako watching you.'"

Tinanong si Dawn kung papayagan ba niyang pasukin din ng dalawang anak niya ang showbiz.

Mabilis ang naging sagot ni Dawn, "I will allow them if that is what they really want and only after they have finished their schooling. Other than that, hindi, hindi talaga pwede. Pero you know, once they have done well with school, nag-graduate na sila ng college, what they want to do is their decision, hindi naman kami pwede mag-dictate."

Nakikitaan ba niya ng inters o hilig ang mga ito sa showbiz?

"It's not siguro that, but because they are kids, they are very personable. So, lahat gusto nilang gayahin. May talent siguro, but I'm not sure about hilig. Pero marunong nang manloko, marunong nang magdrama," pagbibiro ni Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa ngayon daw hangga't maari ay ayaw niyang makita ng kanyang mga anak ang pagganap niya, lalo na papel na Magda.

"Actually, I gave specific instructions to the yayas na once umere ito 'wag ipapanood sa mga bata, because they will not understand watching me na inaapi na pinapahirapan ako. I don't want them to see me like that because hindi pa nila mage-gets yun, e," paliwanag ni Dawn.

Balak nilang pamilya na magbakasyon sa States this coming April for three weeks kung kaya't nag-advanced taping na siya ng mga scenes niya sa Mula Sa Puso.

"Cause I want my kids to meet my dad, hindi pa nila name-meet yung dad ko," saad ni Dawn.

ON HANDLING INTRIGUES. Napunta din ang usapan sa mga experiences niya sa pag-handle ng mga intriga.

"Kasi may pagka deadmatic din ako, e!" bulalas ni Dawn.

Paliwanag ng batikang aktres, "It's not naman kasi also good as a public figure and personality, you try to also bear in mind that people are watching you. And siyempre, you have fans so there are also those who would emulate you and admire you. Siyempre, iingatan mo din yung galaw, iingatan mo din magsalita. Ayaw mo makasakit ng tao so you have to be careful also of what you say, how you behave in public."

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay hindi siya nawawalan ng pasensya.

"You have to ask my family and friends about that. Siyempre, lahat naman tayo we have our own quirks. I'm very consistent with the way I treat people. But there are some things I do reserve to myself. It doesn't mean that if I am thinking of something, I have to share it," sabi ni Dawn.

Bilang pagtatapos, ngumiti si Dawn at nag-iwan ng words of wisdom na, "Like I said, you choose your battles, hindi na lang lahat ng mga laban dapat mong patulan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN