Regine Velasquez's Fantasy album tour successful despite bouts of bronchitis

Kahit tumabo sa record sales ang Fantasy album ni Regine Velasquez, ginusto pa rin niya na i-promote ito sa pamamagitan ng kanyang mall tour. Ang ilang porsiyento kasi ng kikitain ng kanyang album ay napupunta sa kanyang tinutulungang charitable group o institution.


Noong Sabado, March 26, sa Market, Market Mall, The Fort, Taguig City, ay ginanap ang huling leg ng mall tour ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid para sa promo ng kanyang latest album, ang Fantasy, under Universal Records.

Kahit tumabo sa record sales ang kanyang album, ginusto pa rin ni Regine na i-promote ito sa pamamagitan ng kanyang mall tour. Ang ilang porsiyento kasi ng kikitain ng kanyang album ay napupunta sa kanyang tinutulungang charitable group o institution.

Successful na nairaos ni Regine ang kanyang mga nagdaang album promo sa ilang piling-piling shopping malls kahit dinapuan ng bronchitis ang singer-actress.

Biro nga ni Regine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), puwede na siyang makabirit uli.

"Puwedeng-puwede na" na ang tinutukoy niya ay ang pagkanta ng mga high notes.

"Pero hindi pa masyadong bigay na bigay kasi bukod sa yung mga songs ko naman sa album ay hindi naman talaga birit songs, most of them are easy listening lang, may konti pa rin naman akong ubo.

"Pero hindi na gaya ng dati sobrang worse talaga na, hirap na hirap akong huminga. Buti na lang nga yung mga kinakanta ko sa album, hindi talaga siya yung sobrang taas.

"I'm happy naman kasi yung mga nanonood sa amin sa mall, makikita mo pa rin yung interest na kahit hindi ako bumibirit, they still wanna hear my songs."

MEDICAL HISTORY. Pero kung magbabalik-tanaw raw si Regine, hindi naging madali ang bronchitis sa kanya.

"At first, kasi akala ko simpleng ubo lang. Kasi pag may ganyan ako, umiinom lang ako ng gamot, itutulog ko lang, nawawala na. Pero tatlong buwan na, nandoon pa rin yung ubo ko.

"Then, yun nga, nararamdaman ko, parang gumagrabe, nahihirapan akong huminga. Nahihirapan akong kumanta. Siyempre, pag singer ka, yung strength ng pagkanta mo nakukuha mo sa breathing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga kasama ko sa bahay, especially si Ogie [Alcasid, her husband], napapansin niya hindi maganda yung tunog ng ubo ko. That's when we decided to go to the hospital," kuwento ni Regine.

Dagdag niya, ilang araw rin siyang nanatili sa ospital at kung anu-ano ang ipinaiinom sa kanyang gamot.

Kapansin-pansin ang pagtaba ngayon ni Regine. Hindi man namin iyon sasabihin sa kanya, siya na rin ang nagbanggit ng kanyang itsura.

"Tumaba nga ako, e," banggit niya sa kanyang pigura ngayon.

"Baliktad nga, e. Yung mga ibang nagkakasakit, talagang pumapayat. Ako naman, tumaba... Actually, hindi naman ito taba, manas ito."

Ipinaliwanag sa amin ni Regine na ang pagti-take niya ng steroids ang isa sa mga rason kung bakit siya lumobo ng konti ngayon.

"Everytime I have a problem with my throat, or parang masakit yung lalamunan ko, yun talaga yung nire-recommend sa akin ng doctor ko. It's very safe naman, walang negative effect sa kahit na sino.

"Akala kasi nila pag sinabing steroids, iba yung interpretation nila. Hindi yung steroids na tini-take ko, hindi yun pang-body builders. Hindi naman ako nagwi-weights, 'no! Pero I exercise whenever I've time.

"Anyway, iba nga lang ang epekto sa akin habang gumagaling ako, lumalaki ako. Sabi ko nga, hindi actually fats yung nasa katawan ko, manas. I think some stars who've been taking steroids tumataba rin.

"Tapos na akong mag-take ng medication, so ang goal ko ngayon, magpapayat. Pero hindi gano'n kadali kasi yung gamot na ininom ko, it stays in the body for like three months."

Okey lang sana kung hindi kakain si Regine para mapabilis ang pagpayat. Yun nga lang, hindi naman siya puwedeng mag-diyeta nang husto dahil baka naman mahilo siya at bumigay ang resistensiya niya.

"Actually, madali naman akong pumayat pag nag-start na akong mag-diet. Pero kapag nagkasakit naman ako, tumataba naman ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Back to normal na uli ngayon sa kanyang taping ng romantic-comedy series niya sa GMA-7, ang I Heart U Pare si Regine. Bumalik na uli sila sa location nila sa Marikina Riverbanks na siyang naturong rason kung bakit dinapuan ng bronchitis ang singer-actress.

Natuwa naman si Regine sa malasakit sa kanya ng GMA-7 nang ipalinis nang husto ang buong lugar para sa kanyang pagbabalik.

"Kasi nga, medyo luma na yung lugar saka hindi naman siya madalas gamitin. So, medyo marumi na rin nga, then maalikabok pa. E, siyempre, pag medyo mahina-hina yung resistensya mo, mangangarag ka talaga.

"Kumbaga, nagsiguro lang naman ang production na hindi na uli magiging cause of delay yung venue. Wala na rin kasing ibang lugar na puwedeng gamitin for our taping. Most of the scenes we've been doing, doon ang location.

"Siguro nga, sa kadadaldal ko sa location namin, nasagap ko na lahat ng alikabok sa venue kaya ayun nagkasakit ako. Ewan ko ba, pag nakita ko na kasi yung mga bakla, naaliw na ako, hindi na mapigil yung bibig ko sa pagsasalita, pagtawa.

"Pero thankful talaga ako sa GMA 7 sa concern nila sa akin," nakangiti niyang saad.

Kahit hindi na malala ang ubo ni Regine, feeling niya ay nagkaroon ng trauma ang kanyang katawan sa pinagdaanang sakit.

Minsan daw ay sumusumpong ang pag-ubo niya. Hindi na nga lang gaya ng dati. Noong mag-album tour siya sa Glorietta, paglabas niya sa basement parking, nakaramdam siya ng paninikip ng lalamunan.

"Buti na lang talaga, madaling mag-adjust ang boses ko sa iba't ibang pagkakataon. Kahit may sakit ako, kahit paiba-iba ang klima, nakiki-cooperate naman ang aking boses.

"Wala namang instance na napahiya ako dahil sumabit ako, pumiyok ako. May sariling pag-iisip ang lalamunan ko. Masunurin siya sa akin. Alam niya yung mga pagkakataong kailangang mag-perform kami nang bonggang-bongga!" natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SONGBIRD'S BIRTHDAY. Samantala, sa April 22 na ang 41st birthday ni Regine. Tuloy pa rin ang alis nila ng mister niyang si Ogie Alcasid patungong Australia sa April 18 para doon mag-celebrate ng kanyang kaarawan.

"Pahinga na rin for us ni Ogie," sabi niya. "Kasi after noong wedding, saglit lang naman yung bakasyon namin. Tapos bumalik na kami sa work.

"So, this time, medyo mahaba-haba rin naman yung bakasyon namin. Saka nakapangako na kami kina Michelle at sa mga bata na doon kami for my birthday."

Si Michelle Van Eimieren ang unang asawa ni Ogie, kunsaan mayroon silang dalawang anak na babae-sina Leila at Sarah. Naging matalik na magkaibigan naman sina Regine at Michelle paglipas ng panahon.

Posibleng matuloy ang honeymoon nina Regine at Ogie pag nagwakas na sa ere ngayong May o June ang I Heart You Pare.

Kahit may chance na matuloy ang Positano, Italy destination nila, muling nagdalawang-isip ang Songbird.

"Ang hirap kasing lumayo kasi, di ba, nagkakagulo abroad lalo sa Middle East. Though, malayo naman, pero parang iisipin mo yung security mo pag nagpunta ka sa ibang lugar — what if anything happens, di ba?

"Maganda nga sana dahil yun naman talaga yung dream naming puntahan ng honey ko. Bahala na kung matutuloy o hindi sa Positano. Malalaman na lang natin pagkatapos ng soap ko. Kung hindi man doon, baka anywhere in Asia na lang or dito na lang.

"Gaya nga nung sabi ng honey ko, wala naman sa lugar 'yan. Importante, magkasama kami at masaya kaming dalawa," sabi ni Regine.


PARTY PAILIPINAS. Samantala, sa first anniversary ng Party Pilipinas kahapon, March 27, ay nahilo si Regine pagkatapos ng production number nila ng kanyang mister na si Ogie.

Ayon kay Ogie, nahilo raw si Regine dahil hindi pa ito kumakain. Ngunit siniguro niyang okay na si misis.

Sa panayam ng press sa Asia's Songbird, biniro ito na baka buntis na siya. Ang sagot niyang nakangiti, "Hindi pa nga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN