Edgar Allan Guzman plays wholesome roles on TV but goes bold and bad in indies

Edgar Allan Guzman is busy these days. He has two shows on TV5: Fantastik (a musical-variety show aired Sunday at 2 p.m.) and Locomoco U (a comedy show aired Friday at 10 p.m.). He has roles in two entries at the Cinemalaya Filmfest (July 15-24, 2011) Bisperas, directed by Jeffrey Jeturian, and Ligo Na U, Lapit Na Me, directed by Erick Salud. In the latter movie, he is paired for the first time with



This year, dalawang entry sa gaganaping Cinemalaya Filmfest (July 15-24, 2011) ang magtatampok kay Edgar Allan Guzman, in lead roles.


Una, ang Bisperas, na natapos nang i-shoot ni Edgar Allan, with director Jeffrey Jeturian. Papel ng bunsong anak nina Tirso Cruz III at Racquel Villavicencio ang ginampanan ng young actor. Julia Clarete and Jennifer Sevilla portray his siblings. Para sa Directors' Showcase category ang Bisperas.


Ang isa pang entry, Ligo Na U, Lapit Na Me, by Erick Salud, will have Edgar Allan paired for the first time with popular actress, Lovi Poe. Entry sa Cinemalaya Filmfest's New Breed category ang romantic-comedy, mula sa screenplay nina Noel Ferrer (Edgar Allan's manager) at Jerry Gracio.


Sa pakikipagtambalan niya kay Lovi na-e-excite ang "Mr. Pogi '06" winner.


"Flattered po, siyempre, dahil Lovi Poe ang makakasama ko," sabi ni Edgar Allan nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


Hindi pa nagsisimula ang shooting niya with Lovi, pero ngayon pa lang, sabi rin ng young actor, "Excited po ako, pero kinakabahan. Best actress [winner] na kasi 'yung makaka-eksena ko, so kailangan makipagsabayan din po ako sa kanya sa bawat scene namin. Challenged din po ako... so, talagang gagalingan ko [ang pag-arte] sa film na ito."


HAPPY BEING A 'KAPATID'. Sa isa sa mga huling shooting niya para sa Bisperas, nitong Marso, nabanggit ni Edgar Allan ang paglipat niya sa TV5, o sa Kapatid Network.


"Doon na po ako," sabi niya sa PEP.


Dalawang shows sa Channel 5 ang pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan: Fantastik (a musical-variety, aired on Sundays, 2p.m.) at Locomoco U (aired every Friday, at 10p.m.).


"'Yung Locomoco U, para siyang Bubble Gang (ng GMA-7)," pagtukoy pa ni Edgar Allan sa tinatampukang gag show, kasama ang mga dati ring taga-Kapuso station na sina JC De Vera at Rainier Castillo, plus Rodjun Cruz and Oyo Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Matagal na po ang show, pero bago lang po ako doon; bago, as in, last year ako nagsimula," sabi pa ng 21-year old actor.


After graduating from high school (from Rizal High School, in Pasig City), hindi nakapagpatuloy sa kolehiyo si Edgar Allan, dahil naging busy na siya sa trabahong showbiz. Pero balak niyang ituloy ang kanyang pag-aaral.


"Baka this October," saad niya sa planong pag-enroll sa college. "Business Management po ang kukunin ko, sa STI; gagamitin ko lang po 'yung scholarship ko, tapos, mag-e-ex-deal kami, para sa Culinary Arts [course]. Gusto ko pong maging chef, e."


Ayon pa kay Edgar Allan, masaya siya sa kasalukuyang takbo ng kanyang pag-aartista. Mula nang manalo siya sa "Mr. Pogi" search ng Eat... Bulaga! at hanggang ngayon, na kabilang siya sa mga talents ng Kapatid Network.


"Sa Eat Bulaga! po ako nagsimula, sa "Mr. Pogi" search, 2006, ako po ang grand winner," he fondly recalls.

"Tapos, one year ako sa Bulaga, then, nawala. Dapat, lilipat po ako sa Channel 2, pero parang humarang ang TAPE (Television and Production Exponents, Inc.), bumalik po ako sa Channel 7, sa Daisy Siete [afternoon drama series]. Noong 2010 po ako lumipat ng TV5; may sitcom pa po akong gagawin at soap by April."


DARING MOVIE ROLES. Magkaiba ang image ni Edgar Allan, sa telebisyon at pelikula, partikular sa mga indie movies na kanyang tinampukan, tulad ng Imoral (2008), Astig (2009) at Magdamag (2010).


Sa television ay wholesome ang kanyang "packaging." Ngunit sa mga indie movies ay mas daring ang kanyang personalidad, sa pamamagitan ng mga ginagampanang character, tulad sa Cinemalaya entry na Astig (by director GB Sampedro) kung saan nagkaroon siya ng isang very intimate scene with a supposedly homosexual character.


Gayundin sa Magdamag (dinirek ni Joven Tan), na mayroon siyang love scene with an older woman, played by Rita Avila. Sa Imoral (by Adolf Alix, Jr.), kabilang siya sa masalimuot na kuwento ng nagsasanga-sangang ugnayan ng mag-asawa at kalaguyo, kasama sina Katherine Luna, Paolo Paraiso, at Arnold Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa Bisperas, nabanggit din niya na may pagka-daring ang role niya, dahil secretive ang character niya, bilang si Mio, ang bunsong anak na "may lihim ang pagkatao."


Paano na-convince si Edgar Allan na gawin ang mga daring roles sa pelikula, tulad ng mga nabanggit?


"E, kasi, aktor naman po ako," banggit niya.


"Pagka aktor ka, lahat naman [susubukan]... kahit bastos... para sa akin po kasi, ang tingin ko sa sarili ko, aktor ako. At pag pinasok ko ang pagiging aktor, mapa-love scene man 'yan, o ano, kailangan kong tanggapin. Pero kailangan ko din munang alamin, at pag-isipan yung role, kung ano ba talaga ang gagawin ko," pagtukoy pa niya.


No wonder, malayu-layo na rin ang narating ng pagiging aktor ni Edgar Allan Guzman, mula sa pagganap sa mga masasabing "so-so roles," sa mga indie movies like Ante and Squalor, at mainstream commercial movies, like Scaregivers and I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), tungo sa mga pangunahin at mapaghamong papel sa mga pelikulang nagiging markado sa manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN