Eula Valdes reunites with Direk Wenn Deramas in remake of Mula sa Puso; says they're best friends

How close are Eula Valdes and Direk Wenn Deramas?

"Isang beses, meron akong ka-eksenang bata. Sikat na siya ngayon. Pero nung time na yun... walang maibigay masyado nung time na yun yung bata. So, nahihirapan ako, dobleng effort ko. Sabi ko sa director namin, excuse me po. So, tawag ako kay Direk Wenn. Sabi ko, i-motivate mo nga ako. Minotivate niya talaga ako. Ganon kami ka-close!" she recounts.


Masaya si Eula Valdes sa reunion nila ni Direk Wenn Deramas para sa isang TV project. Ito ay ang remake ng Mula Sa Puso na ipapalalabas sa ABS-CBN 2.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Eula, ang pagiging magkaibigan nila ni Direk Wenn ang isang rason kung bakit tinanggap niya ang offer na gampanan ang kontrabida role na unang ginawa ni Princess Punzalan sa original version ng serye.

Nagkuwento pa si Eula ng ilang mga anecdotes tungkol sa kanila ni Direk Wenn at kung paano nagsimula ang friendship nila.

"Matagal ko nang kaibigan si Direk Wenn. Sabay kaming halos pumasok dito sa ABS," simulang salaysay ni Eula. "Writer siya noon. Ako rin ang una niyang dinirek sa 'Kung Maibabalik Ko Lang' segment sa show ni Ms. Tessie Tomas. [Ito yung mga story ng] letter sender na ida-dramatized. Ako ang una niyang artista.

"Ang tagal na naming magkakilala ni Direk Wenn. Sabi nga niya sa story conference namin, in-introduce niya ako na unang best friend niyang artista," proud na sinabi ng mahusay na aktres.

Magdadalawang taon na rin nang huling gumawa ng serye si Eula sa ABS-CBN nang mag-desisyon siyang magtrabaho muna sa GMA-7.

Tinanong namin si Eula — may plano ba itong bumalik sa Kapamilya Network kung hindi siya inalok ng role ni Direk Wenn?

"Kung may magandang offer," aniya. "Ang suwerte ko lang na yung sa pagbabalik ko dito, kay Direk Wenn ako magta-trabaho."

'MOTIVATE ME.' "Alam mo ba kung gaano ako kabilib kay Direk Wenn? Isang beses, nag-MMK (Maalaala Mo Kaya) ako. Iba yung director. Meron akong ka-eksenang bata. Sikat na siya ngayon.

"Pero nung time na yun, nahirapan akong humugot kasi kapag magka-eksena na kami... alam mo yun? Walang maibigay masyado nung time na yun yung bata.

"So, nahihirapan ako, dobleng effort ko. Sabi ko sa director namin, excuse me po. So, tawag ako kay Direk Wenn. Sabi ko, i-motivate mo nga ako. Minotivate niya talaga ako. Ganon kami ka-close!" salaysay ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban kay Direk Wenn, isa rin sa mga itinuturing na kaibigang director ni Eula sa ABS-CBN 2 ay si Direk Lauren Dyogi.

"Si Direk Lauren sa Tatak Pilipino pa. I mean, ganon na katagal."

Naalala namin ang isang interview namin with Eula noong nasa GMA-7 pa siya. Pinuri niya ang Kapuso Network at nasabing matatagalan siyang bumalik sa ABS-CBN 2.

Hindi itinanggi ni Eula ang sama ng loob niya sa ilang mga tao sa naturang network.

"Oo nga. Mababait rin naman yung mga tao doon [sa GMA-7]," aniya. "May mga times din naman kasi na supladita ang mga tao dito [sa ABS-CBN].

"Ako, inaamin ko na hindi ako mag-aano. Totoo! Hindi na ako magpapaka-ano. Yun bang parang nagta-trabaho ka na nagpupuyat ka, alam mo kung sino pa silang... alam mo yun? Pero noong araw pa yun.

"Ngayon, welcome na welcome ako ngayon, mababait sila," patungkol naman ni Eula sa mga nakakasamang mga tao sa Kapamilya Network.

"Marespeto sila. Basta, iba na," dugtong niya. "Hindi ko pa sila nakikita." Ang tinutukoy nito ay ang mga taong kinainisan niya noon.

ONE-YEAR CONTRACT. Isang taong inaasahang magtatagal si Eula sa ABS-CBN dahil ganito katagal ang pinirmahan niyang kontrata para sa dalawang serye. Pagkatapos ng Mula Sa Puso, may sasalo na agad sa kanyang bagong TV project.

Hindi pa lang alam ni Eula kung may gagawin rin siyang pelikula dito dahil pang-telebisyon lang ang kontrata niya.

Ngayong na-remake na ang Mula Sa Puso, aaprubahan raw ni Eula ang pagre-remake ng nilabasan niyang serye na Pangako Sa 'Yo. Hindi na lang niya inaasahang gagampanan niya uli ang karakter niya dito bilang Amor Powers.

Natutuwa nga si Eula dahil hanggang ngayon may mga tumatawag pa rin sa kanya using her character name.

"Siyempre, masaya ako dahil tumatak yun nang husto sa kanila," saad niya.

Walang pangalan ng artistang maibigay si Eula sa kung sino naman ang gusto niyang paganapin sa mga young characters na nakasama niya sa serye dahil hindi raw niya kilala ang lahat ng mga bagong talents ng ABS-CBN 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kilala yung mga bagong artista. Hindi naman kasi ako talaga palanood ng mga shows sa TV kasi nga madalas nagte-taping ako," paliwanag niya.

FAMILY APPROVES OF ROCKY. Samantala, masayang ibinalita ni Eula na tanggap na ng kanyang pamilya ang kasintahang si Rocky Salumbides kumpara noong bagu-bago pa lang sila ng nasabing model-turned-actor.

"Siyempre, yung pamilya ko hindi mo maalis na pinu-protektahan rin ako komo hindi pa nila kilala masyado si Rocky nung time na yun. Pinu-protektahan lang nila ako noon dahil may mga failed relationships ako.

"So, parang ngayon... close na sila. Pag New Year o may okasyon kasama na siya sa pamilya ko.

"Kahit sa mga anak ko, close siya. Dumalaw nga si Rocky at saka yung bunso ko sa taping. Kasi malapit lang. Sa may Alabang lang yung taping namin. Magkasama silang dumalaw," kuwento niya.

May dalawa't kalahating taon na ang pagmamahalan nina Eula at Rocky. Sinabi ng aktres na plano na nga ng boyfriend niyang mag-asawa.

"Gusto raw niya," pagbabalita ni Eula. "Ako, iniisip ko muna yung mga anak ko e. Kasi ayoko muna yung mag-aasawa uli. Tignan muna natin kung saan [pupunta] yung relasyon. Dadating rin yun e," saad niya.

Itinanggi ni Eula na engagement ring ang suut-suot niyang singsing sa kanyang daliri. Galing raw iyon sa kanyang sariling pawis mula sa pagta-trabaho niya.

Gusto ba niyang magulat kapag nag-propose si Rocky?

"Gusto ko gulatin niya ako sa laki!" Ang tinutukoy ni Eula ay ang bato sa engagement ring na ibibigay sa kanya ng kasintahan.

Masaya si Eula sa magandang takbo ng acting career ni Rocky. Muntik na nga raw silang magsama sa Kapamilya Network. Nauna nga lang raw ang offer ng kasintahan sa kabilang istasyon.

Bagamat, okey kay Eula na magsama sila ni Rocky sa isang acting project, mas gusto niyang gumawa ng sarili niyang marka ang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag muna, bayaan muna nating i-establish niya ang sarili sa kabila. Niloloko ko nga siya. Kasi nanalo siya sa Gawad Tanglaw bilang best supporting actor. Tapos nominated siya ng ENPRESS (Entertainment Press Society) as best new actor.

"Niloloko ko nga siya e. Sabi ko, yabang mo ah? Bagung-bago mo lang may mga ganyan-ganyan ka na. Samantalang ako?" sabay tawa niya sa pagkukumpara sa sarili at sa kasintahan.

"Sabagay, wala namang ganyang award-giving bodies noong time ko di ba? Sabi niya, swerte-swerte lang," nakangiting lahad ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN